02 : Bati na tayo

48.3K 488 3
                                    

I packed my things after Professor Carlo dismissed us. Nagsilabasan na din ang mga kaklase ko. Inayos ko muna ang buhok ko atsaka nagretouch. "Susunduin ka ba ni Lucho, Chant?" tanong ni Cheska— my closest friend in school. I faced her and shook my head

"Sabay na lamang tayo." sabi nya sa akin so I just nodded. Kinuha ko na ang bag ko at umalis na kami at tumungong cafeteria.

"Nag-away na naman kayo ng pinsan mo?" tanong nya. We settled in the seat near the window.

Lahat nalamang yan ang tanong sa akin. It's been a week and yet Lucho is still avoiding me. "Oo, ewan ko ba sa mokong na iyon. Hindi na naman inayos ang turnilyo ng utak" irita kong sabi. Nakakaasar lang kasi tinanong daw ni kuya Charm kung bakit daw sya galit sa akin pero nag change topic letse lang talaga.

Cheska hissed "Mag-o-order lang ako, alam ko na sayo. Favorite nyo ni Lucho." napatungo ako sa kanya atsaka napakunot ang noo, "Roasted potato fries dip in cheddar" she smiled knowingly.

I sighed as she left, alam na alam talaga ng mga tao iyon, lagi nya kasi akong kinukuha at hinahatid. We ate late breakfast, lunch, and snack together pag kinukuha o hinahatid nya ako sa school kaya alam na alam ng mga tao. Some think we're couples but we just laugh at the thought of it.

"Chandria! Spaced out ka na naman!" my heart leap nang biglang sumigaw si Cheska. Nanlaki naman ang mata ko. "Bilis mo naman" kunot noo kong sabi.

"Duh, twenty minutes? Mabilis? Alien ka na talaga." she hissed at me kaya npayuko na lamang ako. Kinuha ko ang plato ng fries and dipped it on the cheddar sauce. Namimiss ko na yung mokong na Lucho. I sighed. Tumayo ako at kinuha ang plato ng fries and also my bag. "Oh? Asan ka papunta?" nagtatakang tanong nia.

"Ipapabalot ko muna 'to." itinaas ko ang plato "May pupuntahan lang ako" tumango nalamang sia.

Ipinabalot ko ang fries atsaka naglakad papuntang parking bay. Inilagay ko ang bag ko at paper bag sa back seat ng sasakyan ko. Sumakay na ako atsaka ipinaharurot ito. Halos paliparin ko ang sasakyan and thank goodness walang traffic. Ipinarada ko ang sasakyan ko sa tapat ng isang building. I gave the key sa valet upang iparada ang sasakyan ko.

Pumasok ako at nagtungo sa isang babaeng nasa front desk, malapad itong ngumiti nang makita ako—si ate Jean.

"Nasa office si Garcia." I smile and shook my head pagsisinungaling ko, kahit siya naman talaga ang pinunta ko.

"Nandito ba si kuya?" I asked. Napangiti uli sya atsaka tinignan ang computer nia. "He's out. Mukhang importante ang lakad nun eh" she informed me. Tumango tango lang ako. "Sige ate Jean. Puntahan ko lang si Lucho." pagpapaalam ko.

Naglakad ako papuntang elevator atsaka pinindot ang twelfth floor. I smiled to the employees I met , kilala nila ako aside from the sister of one of the great engineers in the company, closest cousin din ng great engineer.

Tumungo ako sa isang office na may malaking placard. "Eng. Garcia, Lucho Miguel" at marahan itong binuksan.

I saw him busy on his works. "Ganyan ka ba kabusy para di moko matawagan or text or sunduin or ihatid?" I said, nakapamewang pa akong napatingin sa kanya, nakakainis siya.

Napatingin naman sia saakin at nanlaki ang mata pero nakarecover din. Ibinalik nia ulit ang tingin sa paper works nia.

"Isang Baez, di marunong kumatok? Manners." mariin niang tanong. Biglang nag init ang ulo ko sa sinabi niya.

Lumapit ako sa kania atsaka sinampal sia "The fuck!" he exclaimed, gulat na gulat pa ang mukha nito.

Bigla nalang nagsituluan yung mga luha ko. Napaatras ako atsaka napaupo sa sahig. Marahan kong pinunasan ang mga luha ko, napayakap pa ako sa tuhod ko "Akala ko ba di moko aawayin. You promised me Lucho Miguel, kahit na grade two pa ako nun! I can still remember it!" I said between my sobs.

I heard him sighed atsaka umupo sa harap ko. Hinawi nya ang buhok na nakababag sa mukha ko and put it on the back of my earlobe. He hugged me. He does that every time I cry at parang may powers ang yakap niya kasi bigla nalang akong nagiging okay

"Shhh. Oh, tahan na." he whispered as he caressed my hair.

Napatingin ako sa kanya "bati na tayo" parang bata kong sabi, I even pouted.

He deeply sighed and wiped my tears away "Matitiis ba kita? Oo, bati na tayo" he said and hugged me. My heart leaped for joy atsaka tumayo at ngumisi "Yes! Wala ng bawian yan ah! Moody mo!" nakangiting sigaw ko.

Napakunot naman ang noo niyang tinignan ako "Arte mo lang ba 'yon?" kunot noo nyang tanong. Ako naman ang napakunot, "Hindi noh! totoo yun" sigaw ko. He just shrugged atsaka umupo na ulit sa swivel chair nia.

Umupo ako sa couch ng office nya at doon humalukipkip at kinalikot ang phone ko, hihintayin ko nalang siya para sabay na kaming umuwi.

"What was your family meeting all about?" bigla itong nagsalita, napakunot ang noo ko sa tanong nya. Anong family meeting? wala namang sinabi si daddy sa akin ah.

"Family meeting?" I asked suspiciously. Napatigil naman siya sa ginagawa nya sa tanong ko. "You mean, di mo alam? Umuwi si Charm dahil dun ah!" he said. Automatikong tumaas naman ang kilay ko. Anong meeting pinagsasabi nito? I shook my head.

"Ah, baka for them lang. Di ka kasi kapamilya nila." pang-aasar pa nia, lagi nya akong ginaganyan! I glared at him, a death glare. He was just grinning all the time.

Biglang tumunog ang phone ko "Kuya texted." I said habang nakatingin kay Lucho.

Tinaasan nia lang ako ng kilay  "Pakialam ko?" mataray niang sabi. Inirapan ko lang sya, faced my phone and read the message.

From : Kuya Charm
"Chandria, I went to your school and you cut your class..."

Uh-oh. Uuwi pa ba ako ng bahay nito. I bit my fingers and scrolled down.

".. Umuwi ka na at may meeting daw sabi ni daddy. Baka papagalitan ka na naman. "

Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko atsaka tumayo. I keep my phone on my purse, lumapit ako dalidali kay Lucho and kiss his cheeks goodbye.

"Alis nako, bye." I said. I saw his eyes na nanlaki pa sa gulat but I ignored it at lumabas na ng building. Halos paliparin ko ang sasakyan ko baka naman kasi papagalitan na naman ako ni daddy nito kasi natagalan ako. If the topic is all about meetings, dad doesn't want late comers, in short, american time yung gusto.

Our house guard parked my car on the parking lot at dalidali akong pumasok sa bahay. Hinihingal pa akong pumunta ng library.

I swallowed hard when I saw them sitting on the couch—dad, mom, and kuyas. Nakangiting tinignan ako ni kuya Charm na tila excited pa sa moment na papagalitan ako ni daddy, si kuya Charm talaga pinakabully sa amin tapos serious type naman si kuya Chaos pero sobrang sweet nilang dalawa sa akin.

Lumapit ako kay daddy at bumeso "Hi dad. Hi mom" I sweetly smiled at. Umupo ako sa tabi ni kuya Chaos.

"Since we're all here." panimula ni daddy. "I've decided that our family is going to celebrate our Christmas vacation at La Union." napangiti naman ako—another hell week na lang pala at Christmas Vacation na.

"So dad, I'll bring my family, of course." nakangiting sabi ni kuya Chaos— sya lang ang may pamilya sa amin kahit second sibling namin sya.

"I'll bring Casey." sabi naman ni kuya Charm.

Napangiti ako sa narinig ko. Ate Hannah is going to be there and also baby Nadia and Aidan, plus ate Casey pa. This vacation will definitely be great.

"Dad, sama din ba ang mga Garcia?" I asked. Sana kasama sila. Mas maganda iyon dahil nandoon si Lucho. "It depends on them. Pero kung oo, edi okay." nakangiting sabi ni dad. I smile widely. We're going to have a vacation, and I'm excited!

Vacation With My CousinWhere stories live. Discover now