04 : Disappointed

43.5K 421 9
                                    

Nakangiti akong nakatingin sa kanila ni kuya Chaos and ate Hannah, they really look good together— karga pa ni kuya Chaos si Nadia while ate Hannah was holding Aidan's hand nasa baybayin sila naglalakad. Nagtatawanan kasi si Aidan tinatakot si Nadia sa mga corals na nasa kinukuha nya sa shore.

Napadako naman ang tingin ko sa kaliwang banda—sa floating cottage. Nandoon sina ate Casey and kuya Charm na nakaupo at nagc-cuddle. Masaya talaga sila sa isa't isa. Mahal nila eh, sabi pa nga ni ate Casey—Kuya Charm is her serendipity because she wasn't looking for him but he came.

Napatingin ako sa ibaba na nagluluto—mommy and daddy. Naglalambingan habang nagluluto ng barbecue. Napatingin si mommy sa akin at ngumiti "Chant. Gising ka na pala. How was your sleep?" tanong nito.

Bumaba ako ng hagdanan at nakipagbeso sa kanila "Awesome!" I gladly said. Umupo ako sa mini chair atsaka nagsalin ng choco milk.

"Nga pala, sabi ng tito Manolo mo, dadating daw sila bukas." dad informed me dahilan para manlaki ang mata ko at lumapad ang ngiti ko. My heart leaped for joy. Dadating sila bukas!

"Chant, Lucho called and he asked bakit ka daw di sumasagot sa mga tawag nya?" tanong ni kuya Charm na papalapit sa amin habang hawak ang kamay ni ate Casey.

"Nag-away na naman kayo Chanty?" tanong ni ate Casey.

"Hindi no, siraulo talaga yung mokong na iyon. Halos patuyuin nya na ang battery ng phone ko sa whole night call namin kagabi tapos di ako sasagot? Ano tingin nya sa phone ko? Literal na smart phone?!" inis kong tugon. Nakakagigil na talaga yung halimaw na iyon, ano ba sa tingin niya na magfufull charge nalang ang phone ko real quick pag nagdeadbat?

Natawa naman sila mommy't daddy, pati na din sina kuya Charm at ate Casey.

"Oh, magtanghalian na tayo." sabi ni mommy. Lumakad naman ito kaunti upang mareach out sina kuya "Chaos! Kain na!" sigaw nito. Nakita kong ibinaba ni kuya si Nadia at sumunod sa kuya niang nagtatatakbo. Napahalakhak na lamang kami nang biglang umiyak si Nadia at pilit na umalis sa buhanging mainit na tila napapaso ang paa. Natatawang kinuha ni kuya at kinarga. Nakaiyak pa rin ito habang si Aidan naman ay tumatawa pa.

"Tataaa!" sigaw ni Aidan. Nakangiti itong papatakbo patungo sa gawi ko, nang makalapit na ito ay agad ko itong ikinandong. "Tata, did you see Nadia's face?" natatawang tanong nito. Napatawa naman ako sa kakulitan ni Aidan at napatango. Si Nadia ay iyak pa rin ng iyak habang iniihip ni kuya ang paa nito.

"yes" I answered and I was still laughing so hard.  We all burst out laughing kahit nakakaawa si baby Nadia, yung mukha nya kasi kanina na parang gulat na gulat pa sa buhangin kasi mainit.
"
Hahaha, she looks stupid!" Napatigil lahat sa tawa at nagsilakihan ang mata, lalo na si kuya Chaos napaseryoso ang mukha, daddy mode activated!

"Aidan!" kuya hissed at his son. I felt Aidan shiver, napahawak ito sa balikat ko "S..Sorry." Aidan apologized and bent down his head. Hinalikan ko ito sa pisngi at nginitian to comfort him "Let's eat baby." agaw eksena kong sabi. Tumayo kami ni Aidan atsaka kumain.

Matapos kumain ay umupo kami nina mommy, ate Hannah, Nadia, Aidan sa floating cottage habang nagkwkwentuhan pa ng kung ano ano. Yung mga lalaki naman naliligo lang sa dagat.

Nang dumilim na kuyas made a bonfire. Doon kami nagkwentuhan at kumain. Napansin ko ring naglalaro na ulit si kuya Chaos at Aidan.

"Haha d-dad n-nohoho hahaha." nakatawang sabi ni Aidan. Kuya was tickling his hips while si Nadia naman behave lang na nakatingin sa apoy.

My phone ring. Fully charged na ito and good thing pagkaopen ko burado lahat kasi five hours off yung phone ko, or should I say dead battery.

I look at the screen and Lucho is calling.

"Hello." I said as if I just woke up.

[Goodmorning.] he said sarcastically, napangiti ako. Uto-uto talaga tong mokong na'to. Akala nia talaga kakagising ko lang.

"Distorbo ka eh," irita -kuno kong sabi. I always cover the mic part of the phone every time I chuckle.

[Sorry naman.] tila naglalambing nitong sabi, napangiti ako. I know it's bad, scandalous and disgusting to like your relative pero ito ang mga isa sa gusto ko kay Lucho.

"Ano ba kailangan mo?" I asked. Gusto kong mag-galit-galitan sa kanya but it seems that there's a side of me saying no.

[Yung baby girl ko..] I felt my cheeks turn scarlet red. Baby girl; he used to call me baby girl dahil ako daw ang baby nya and I love it so much!

"Inaantok pa eh," I'm trying to yawn pero ayaw kaya nag-act lang ako. Napangiti ako as I heard him sigh on the other line.

[Okay. Bye.] Napatawa ako. Napatingin naman sila daddy sa akin. I can imagine Lucho's shock face as I laughed

"O.A naman nito!" I said. "Ano ba chismiss dyan?" doon nagsimula ang pag-uusap namin. Minsan nagkakaasaran, nagkakapikonan, nagkakabiruan at nagkakasayahan and then we both fell asleep.

Marahan akong nagising nang masinagan ako ng araw. I stretched my body and checked my phone. Papalow battery na ito kaya agad kong chinarge.

Naligo na ako atsaka nagbihis. I wore a sleeve less sando and shorts.

Lumabas ako ng kwarto. I saw a bacon and an egg meron na ding gatas doon kayaumain muna ako atsaka lumabas.

I smiled as I saw Aidan and Nadia making a sand castle kasi di naman masyadong mainit so hindi masusunog mga pamangkin ko.

Parang natomboy naman ako nang makita si ate Hannah na naka two piece top lang and short shorts and wow kasi para siyang di nanganak sa body shape niya. Nagkwekwentuhan sila ni ate Casey—which is her best friend.

Sina kuya Charm and kuya Chaos naman nag-uunahan sa paglangoy just like the old times nung mga bata pa kami.

Para akong batang tumakbo papunta sa mga pamangkin ko. "Can tata play with baby Nadia and Aidan?" I asked. Napatungo naman sila sa akin at napangiti din. "Yes tata!" masayang sigaw ng dalawa.

Naglalaro lang kami sa buhangin. I made a sand name—Chacho. Mabilis ko din namang binura iyon. Nandidiri ako sa sarili ko kasi sa dinami rami pa ksing magustuhan ko, sa pinsan ko pa.

"Chandria! Daluhin mo ang tita mo!" sigaw ni mommy mula sa bahay. Napahinto naman ako at napatalikod. May biglang dumating na bangkang-de-motor . Naaniag ko ang mukha ni tita Marinela dahilan para umabot tenga ang ngiti ko.

Para akong batang ngayon lang nakita ang ninong at ninang na nagdadala ng pasalubong. Tumakbo ako papunta sa kanila atsaka nagmano "Hi tito, hi tita" I smile widely. "Hello Chant." masayang bati nila sa akin and kissed my cheeks hello.

Napatingin ako sa likod nila "Lindz!" I gladly exclaimed nang makita ang bunso nila, napayakap naman ako kay Lindsey atsaka nakipagbeso.

Napakunot bigla ang noo ko nang makitang lumayag muli ang bangka. Nagpalingalinga ako "Nah, I know sino you are looking for. My mayabang brother?" I nodded. Asan sya? I thought myself.

"Sabi nya to me na tell you that he can't punta because he has some works to gawa." Napatango nalamang ako sa sinabi ni Lindsey.

Sinabi ko ba sa inyong ipopostpone nia lahat ng gagawin nia, makapunta lang kung saan ako? Hindi diba? I hissed. Napatingin muli ako sa bangkang-de-motor na papaliit ng papaliit ang imahe nito.

I am so disappointed of him.

Vacation With My CousinHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin