SEQUEL : 25 Years later

3.6K 79 12
                                    

NOTE: Napagtripan ko lang po talaga kasi sobrang bored ako at talaga nga namang masakit yung ending nito. Hope you'll like it :)

______

I am Lucho Miguel Garcia and I believe that we— Chanty and I— are may not meant to be together in this world but we know that in the other dimension of the world, in a parallel universe, we will be together, eternally.

______

Tumayo agad ako sa mesa ko dito sa opisina ng bahay ko nang matapos ko nang pirmahan ang Last will and Testament ko—I stated in my last will na ang lahat ng kung anong meron ako ay mapupunta sa anak ko. I grab the glass of gin in my desk at ininom ito. "That is all Mr. Garcia, I have to leave now." pagpapaalam ng abogado ko.

Ngumiti ako rito "Nananalig ako sayo na sana'y hindi ito makakarating kay Chanty hangga't hindi pa tamang panahon." habilin ko rito.

"Masusunod." sagot nito sa akin at lumisan na ng opisina ko. Huminga akong malalim at inilagok muli ang gin na hawak ko.

Bumuntong hininga pa ako at napatingin sa kawalan. It's been twenty five years since Chanty died because of leukemia at death anniversary niya ngayon, we used to always have dinner or lunch at their house pero nung mawala na si tito Crave at tita Melinda hindi na gaano kaming nagsasalo salo kasi may sarili sariling mga buhay na sina Charm at Chaos pero kahit ganoon, they still—we still never forget to visit her grave and give her tulips.

I miss her so bad, I miss my baby girl, I miss Chantangkulit, my first and last love, my one true love. Kahit dalawampu't limang taon na siyang wala ay nakakaramdam pa din akong kirot sa puso ko, I wish I can hug her tight and kiss her right now so all these pain can go away. She was my cure, my pain reliever, and my salvation.

I had girlfriends after she died, I had Faith, too na pinakilala ko kay Chanty but we didn't worked out, mahirap daw kasi karibal ang patay na hindi kayang kalimutan. After Faith, puro na lang ako fuck buddies. I tried filling the void with sex and alcohol pero hindi pa din mawala ang pangungulila ko sa madayang Chantangkulit na inunahan pa ako at iniwan ako dito sa mundo.

Napadungaw ako sa veranda at napatingin sa baba—sa pool area, napangiti ako nang makita si Chanty na nakikipaglaro sa aso nyang four month old Seberian Husky. She probably felt the weight of my stare dahilan para mapalingon siya sa kung saan ako, she widely smile and wave at me. I waved back and smiled at her.

Tatlong araw na lamang at magdedebut na sya. Almost eighteen years ago I adopted a little angel who caught my attention in our orphanage. Ang sabi ng mga madre iniwan lang siya sa labas ng gate ng orphanage which reminded me kung paano iniwan si Chanty noon sa labas ng gate namin.

Pinangalanan siya ng mga madre as baby Angel kasi sabi nila mukha siyang anghel—like a cherub, sa laki ng pisngi at taba ng mga hita niya, siya lang ang iba sa mga usually pinapaampon kasi malusog siya.

When we visited the orphanage that day dahil anniversary that time ng ampunan, iyak siya ng iyak nang mabisita ko sa kwarto niya, laking gulat ko nga dahil tumigil lang ito sa kakaiyak nang kargahin ko. Biglang nakaramdam ako ng saya at may tumulong luha sa mga mata ko nung araw na iyon because for the first time in seven years mula sa pagkamatay ni Chanty, I felt complete again. The moment I met baby Angel feels just like the moment I saw Chanty sa labas ng gate namin noon, I felt that she was meant for me and I felt that too with baby Angel— that I am meant to stand as baby Angel's father kaya I did became her father after that and of course she also grew up knowing the truth kasi ayoko naman na magaya siya kay Chanty noon. And therefore, I named her Chandria Tyna, the same as Chanty's name because that name will always make me feel complete. Pag niyayakap ko ang ngayon na Chanty biglang okay na ako.

Vacation With My CousinWhere stories live. Discover now