Chapter 1: I am James Sarmiento

18.2K 289 21
                                    


|| Don't expect too much on this story. Lahat po ng ito ay imahinasyon ko po lamang. Lahat ng mga tao, lugar na natampok sa storyang ito ay pawang kathang-isip at nagkataon lamang.

Casts:

📍 James Sarmiento as Saint Suppapong

📍 Kurt Santillan as Perth Tanapon

📍 Ivan Cruz as Gun Attaphan

📍 Jack Austin as Zee Pruk

📍 Nicole Smith as Jane Ramida

📍Stephen Marquez as Off Jumpol

📍 Stephanie Velasco as Namtan Tipnaree

📍 Bryan Van Murry as Mike Chinnarat

📍 Melvin San Jose as Earth Pirapat

📍 Ma'am Forester as Kat English

---------------------------------------------------------

James's POV:

Hi guys Pasukan na naman at grade 12 (STEM student) na ako ngayon dito sa Wanehigh Academy, maraming estudyante dito sa aming paaralan, halos 5,000 yata ang over all population dito.



At balik normal din naman ang lahat.



"wala pa rin talagang pinagbago dito" sabi ko nang pumasok ako sa gate namin ,totoo naman talagang walang pinagbago sa school na ito at ano pa nga ba atnagkita na naman kami ng mga bestfriends/classmates kong makukulit.




Sa pagpapatuloy , sinalubong talaga nila ako ng napakaingay at sandamakmak na tanong.




"Ano?? "



"Kamusta na?? "




"San si baby kurt mylabs ko?"


" Kasama mo ba sya??"




Banat na tanong ni Ivan sa 'kin na syang ikinatuwa naman ng dalawang binibini naming kasama (si Stephanie o steph at tsaka si Nicole)




"Ahh, ewan, sge, tara na Pagod na ako, dami nyong tanong ,pwedi isa isa lang?" Supladang banat ko naman na naguguluhan sa kanilang mga tanong.



"Okey, okey , eto naman oh parang di na sanay si besh , ito nalang tanong ko, ano? Kamusta na si kurt mylabs? Asan sya? Bat di mo sya kasama eh magkapitbahay lang kayo? " Harot ni Ivan sa akin na sobra ng namimiss si kurt



"Wala sya sa kanilang bahay eh, ewan ko kung asan sya at tsaka tinawag ko nga sya kanina sa kanilang bahay pero walang sumagot. Pero, baka nandito na yun" sabi ko naman


"Ahh, ganun ba? Sge sa klasroom ko nalang sya hintayin" pahabol ni ivan



Tila gustong gusto ni Ivan si kurt ha , sino rin naman ang di mabibighani sa tindig at tikas na taglay nun eh biruin mo 5'9 ang height , super duper cute at ang gwapo gwapo pa, basketball player (varsity sa school namin), at higit sa lahat, mabait at matulungin pa oh san ka pa.



Makalipas ang ilang oras na chismisan namin ay pumunta ba kami sa aming silid aralan at tila napansin namin ang malakas na hiyawan nito at parang may pinagkakaguluhan yata sila??



Kaya tumigil kaming apat at nagtaka.



" Hala? Bat ang ingay ng room natin? Bat ang daming tao?"
hirit ni Step



"Ewan, malay ba natin jan , tara na pumasok na tayo " sabi ni Ivan na papunta na sana ng room kaso pinigilan ko sya.




"Sandali lang!"
(hinawakan ko braso nya sabay hablot nito pabalik ng pwesto nya) Pigil ko kay Ivan



"Magmatyag muna tayo kung sino yang pinagkakaguluhan nila" ang hirit ko naman na tila grabe ang pagtataka

Nagtaka din si Step kung sino ang pinagkakaguluhan nila kaya nag isip isip talaga kami ng mabuti.



"Baka si kurt yan!! Ang mylabss mo Ivan" harot ni Nicole


"IMPOSSIBLE! (malakas na sagot ni ivan) Ako lang ang nagmamay ari kay kurt at wala ng iba"



"Echos lang din hanu ! Ivan "
hirit ko naman



"Kung di yan si kurt , baka si chinoy" ( si Stephen) pahabol ni Step



"Parang di eh,"
ang sabi ko na talagang kanina pa nacu curious sa mga pangyayari.



Kaya nag desisyon kami, mula sa kinatatayuan namin ay pumunta na kami sa aming silid aralan at wala na kaming pakialam sa kung ano ang mangyayari habang nakasalubong nmin si Kurt at si Stephen papasok sa aming silid.



"Oh kurt , Stephen nandyan pala kayo, akala namin kayo ang pinagkakaguluhan sa loob"
Ang sabi ko sa dalawang kararating lang



"Huh? Hindi ahh, malay ba namin , kararating nga lang namin dito"
Ang hirit ni Kurt habang inaakap ni Ivan



"I , miss you mylabs i miss you,"
Sabi ni ivan kang kurt habang nakaakap ito sa kanya



"Ahhh " reply ko naman



"O tara na pasok na tayo" sabi naman ni Stephen


Pagpasok namin, Nakita nalang namin na ang dami pala naming bagong classmates at puro pa mga lalaki, oh my god ang popogi nila but then , I dont care, education is my 1st priority (ano raw? Pero guys totoo, sobrang strict kaya parents ko but it sad to say na wala na sila dahil sa isang car accident) kaya naman nagsialisan na ang mga malalanding babae na pumunta lang dito para makita ang mga poging transferees dahil dumating na si ma'am Forester ang aming nakakatakot na adviser.


Pinalayas niya yung mga taong pumunta dito at kami naman ay bilis na umupo at tabi tabi talaga kaming anim ha, (what the friends are for nga naman diba) kaso sa hulihan ang pwesto para masaya.






















End of Chapter 1

Sana'y Ako Nalang || Book 1 [Completed]Where stories live. Discover now