Chapter 14: The Sorrow

2.2K 69 1
                                    

               "Di mo alam kung ano nararamdaman ko,  di mo alam kung ano ang laman ng puso ko, Oo,  BAKLA AKO,  pero nasasaktan din ako katulad mo dahil may puso rin ako. Nagmamahal din ako Kurt."- James

        

Tinungo ko ang room at nagmukmok ng di ko namalayan ang paglapit ni Kurt

"Okey ka lang?"

"Ahh, oo okey lang ako"

"Ba't di mo tinanggap yun binigay ni Jack?"

  "Ahh, alam mo namang di gusto nila mommy na magkakaroon ako ng cellphone at tsaka sapat na sa akin ang manghiram sayo noh,  Kahit nakakahiya" Sabi ko alam ko namang

(Nakangiti) "ano kaba anytime naman pwedi kang manghiram sakin" Sabi niya

Ng biglang dumating si Jack

"Pwedi ba tayong mag usap saglit James?"

At Tumango ako, 

Doon tayo sa labas Jack.

Tumayo ako at iniwan muna si Kurt. Pumayag ako upang maliwanagan natong taong to.

"Ahh,  maiwan muna kita Kurt " Sabi ko

"O sige" - Siya

At tinungo na namin ang labas at naglakad lakad kami

"Bakit di mo tinanggap yung
Binigay ko may mali ba James?" Tanong niya

 "Yun talaga yung totoo Jack at tsaka nakakahiya noh alam mo namang di ko deserve yung regalong yun at buti pa ibigay mo nalang yun sa girlfriend mo tiyak matutuwa yun." Nakangisi kong sabi

"Eh,  Wala akong girlfriend eh,  hiwalay na kami." Sabi niya

"Eh, sa Mga tropa mo na lang kaya."

"May cellphone na yung Mga yun ." 

"Kung sa crush mo nalang kaya" (sabay tingin sa kanya, ngumiti)

"Eh,  yun na nga yung problema ko.  Di niya tinanggap yung binigay ko sa kanya yan tuloy ako ang napahiya" (Yumuko)

"Huh? Eh, sino ba yan Ha?  Bat di niya tinanggap?" Pagtataka kong tanong

May nakitang upuan at umupo kaming dalawa. Yumuko siya at sabing

 "Ikaw" (sabay tingin at hinawakan ang aking kamay)

Bigla akong nanginig, natigilan at nakaramdam ng kaba

"James,  di mo ba nahahalata? Nililigawan na kita, mahal na kita. Ikaw ba? Mahal mo din ba ako?" Diin niyang sabi

" Huh?  Ahh  Ehhh" (nanginging) di ko alam sasabihin o sasagutin

Bigla Kong inialis ang kamay kong hinahawakan niya at bigla akong umalis at tumakbo

"James, sandali" sigaw niya pero diko na sya pinansin pa

Sa di kalaunan, tumigil ako sa katatakbo at naglalakad ako ngayon at nakatulala na parang namatayan ng biglang nabaling ang aking paningin sa isang babaeng familiar at tsaka may kasama pang lalaki sa may gilid ng gate

Si Jen (nagulat) at biglang hinalikan ni Jen ang lalaki. Oh my ghad kailangan tong malaman ni Kurt. (Tumakbo na naman ng mabilis pauwi at tinungo si Kurt sa kanilang bahay)

Sa wakas at nandito narin ako sa bahay nila. (Hinihingal) 

"Kurt,  Kurt " (tinatawag) 

"Oh James?  Bakit ka andito? "

"Wag ka sanang magagalit ha!  May sasabihin ako."

"Oh ano Yun?"

"Nakita ko yung girlfriend mong si Jenefer may kasamang lalaki,  at biglang hinalikan ni Jen yung lalaki."

"Ha?"

"Oo Kurt,  to too talaga."

"Alam mo James,  gutom lang yan may pagkain sa loob kumain ka muna."

"Kurt,  totoo talaga pinagsasabi ko. Nakita ko talaga sila."

"Wag ka ngang ganyan James (nagalit)  mahal namin ang isat isa kaya di ako naniniwala sa Mga pinagsasabi mo" Galit na niyang sabi

"Kurt,  maniwala ka,  di ko gustong masaktan ka.  Gusto ko lang na malaman mo kitang kita sa dalawang mata ko."

"Siguro James,  nagseselos ka lang dahil meron akong girlfriend at ikaw Wala , palibhasa bakla ka kaya walang magkakagusto sayo (sabay turo sakin) " galit na sabi niya

Natigilan ako sa mga pinagsasabi niya,  di ko akalaing masasabi niya yun.  

"Di mo alam kung ano ang nararamdaman ko (tinuro ang sarili ) di mo alam kung ano ang laman ng puso ko (tinuro ang puso)  Oo,  bakla ako, pero nasasaktan din ako katulad mo dahil may puso rin ako. (umiiyak)  nagmamahal din ako kurt"  at biglang umalis at tumakbo.

Umuulan (may props ha!)  Grrrr!!!!  (Galit na Galit)  heto na talaga yung pinakamasakit na moment,  ikaw pa tong nagmamalasakit sa kanya,  ikaw pa tong ginagawang masama.

Arrhggh, Ito pala yung feeling. m Ito yung feeling na parang arrgghh. Sasabog na,  sasabog na puso ko sa sakit. Talagang mahal ko na si Kurt.







Kurt's POV :

Nabigla ako sa sinabi sa akin ni James,  di ko alam kung maniniwala na ako sa kanya, yan tuloy nasaktan ko siya sa Mga pinagsasabi ko. Pero,  mahal ko talaga si Jen eh,  di ko siya kayang ipagpalit ni makinig sa pinagsasabi ng iba. 

Galit na galit ako Kay James kung bakit niya yun nasabi. Bulong ko sa sarili ko habang labis ang pagtataka at may malalim na pag iisip sa nangyari.

Pero totoo nga ba ang lahat ng pinagsasabi ni James ? Na may kahalikan si Jen kanina?  May kasamang ibang lalaki?  Eh,  loyal yun sa akin eh,  at naniniwala akong may isang salita yun.  Mahal ako ng girlfriend ko.

Nagmamahalan kami,  may tiwala kami sa isat-isa. Kaya Hindi ko magawang maniwala sa Kahit sino mang magsumbong sa akin na may ibang kasama o kahalikan si Jen kasi ako lang mahal nun.


End Of Kurt's POV









Dumiretso na ako sa aming bahay at nagpahinga na,  malumanay at pagod na pagod , bukas nito sa paaralan,  nakakahiya dahil sa mga pinanggagawa ko,  habang ako ay nakahiga sa aming upuan at bigla kinausap ako ni lola.

"Okey ka lang ba apo?"

"Ahh,  oo la masakit lang katawan ko."

"Bat kasi ngayon kalang umuwi,  at tsaka ang basa basa mo,  magbihis ka muna dun."

"Ahh lola teka lang may itatanong ako.  Nung nanligaw ba si lolo sayo nun lola ano po reaction niyo?"

"Aba!  Aba! apo , bakit?  May nanliligaw naba sayo?"

"Eh,  Wala lang lola, nagtanong nga lang,  sige na lola." (Pinipilit)

"Ahh,  Wala,  sinagot ko lang siya. Lolo mo may gusto sa akin eh," (natatawa)

"Ewan ko sayo lola,  sya sya magbibihis muna ako at tinungo ang kwarto."

Ng pagpasok ko sa kwarto at nang makita ko ang gitarang ginagamit namin ni Kurt sa pagkakanta ay tila nakadama ako na labis ko siyang namimiss. Talagang mahal ko na sya.  Pero pano ba yan di ako ang mahal,  ibang tao ang minahal,  at ang mas masakit is yung niloloko lang siya nung taong mahal niya eh di niya alam nagbubulag bulagan lang. Eh nandito naman ako eh. Pero di bali na di rin naman pwedi kasi kapatid na tunay na ang turingan namin nun. 

So it's better na itago ko nalang feelings ko sa kanya para walang ilangan sa pagitan naming dalawa.

The closeness is still there









End of Chapter 14

Sana'y Ako Nalang || Book 1 [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt