Chapter 21: Friendship Over

1.7K 59 18
                                    



Alam kong napilitan lang si Kurt na pansinin ako kasi nanaawa siya sa akin lalo pa at nangyayari sa akin ang lahat ng ito.

kinakarma na ba ako?

Ito na ba ang hudyat upang lumayo na sa kanilang lahat?

Alam kong wala akong kasalanan ngunit kung itinadhana ito para sa akin. Susunod na lamang ako sa agos ng panahon at baka sa huli malalaman ko rin kung bakit nangyayari sa akin ang lahat ng ito.

Bababa na sana kami nila Kurt ng bigla namang dumating si Ivan at ang siyam na buwan ng buntis na si Jenefer.

"Mabuti naman at nagkaharap harap din tayo dito" sabi ni Jenefer

"Ikaw ba, ikaw ba ang may pakana ng lahat ng ito?" Galit kong tanong sa kanya

"Eh bakit kung ako, ang landi mong bakla. Grabe ka! akala ko ba si Kurt lang pinananasaan mo? eh meron pa palang isa. Ang haliparot mong bakla." Nanginginig na sabi ni Jenefer ng bigla itong sinampal ni Nicole

*Slap

"Hoy babae, wag mong pagsasabihan ng ganyan si James dahil hindi mo siya kilala, at tsaka sino ba sa tingin mo ang mas malandi sa inyo? eh kitang kita naman siguro sa namumuong bola sa tiyan mo." Galit at nanggigigil na sabi ni Nicole ng biglang sumugod si Jenefer at pinagsasabunot si Nicole

*Borgsss

*Slap

"Hayop ka, babae ka ano pakialam mo ha! " Galit na sabi ni Jenefer habang sinasabunutan si Nicole at panay awat naman sina stephen at Kurt sa dalawa. At sa di inaasahan ay bigla nalang akong sinugod ni Ivan at tsaka sinampal at pinagsasabunutan.

*Slap

* Borgsshhhh

"Walang hiya ka James, ang landi mo lahat nalang ng gusto ko inaagaw mo" Galit na sabi ni Ivan

"Tama na Ivan, Arayyy Ivan tumigil ka na" Pagpigil ko sa kanya habang hawak hawak ang kamay niyang nakasabunot

Napatigil at napahiwalay nina Stephen at Kurt sina Nicole at James at ngayo'y nakatayo sa may hagdanan habang itinulak ko si Ivan ng malakas at nabangga nito si Jenefer at sabay silang natumba sa may gilid.

Hingal na Hingal ako at natulala sa nakita ko.

May dugong lumabas sa binti ni Jenefer na siyang alam natin na may mangyayaring masama sa dinadala niya.

Hindi nahimatay si Jenefer gayong takot na takot ito sa nangyari. Mabilis na tinulungan nina Steph at Kurt si Jenefer.

"Babe, natatakot ako baka mawala sa atin si Baby" Naluluhang sabi ni Jenefer habang si Kurt naman na siyang kinikilalang ama ng dinadala ni Jenefer ay hindi rin mapigilang maluha sa nangyari

Nakatayo parin ako sa kinatatayuan ko, para akong nasa maitim na sulok na tila kinakausap si kamatayan. Nakatulala lang ako ng bigla akong sinuntok ng malakas ni Kurt

*Booogggssshhh

Sa lakas ng kanyang suntok ay di ko maiwasang matumba

" Hayop ka James, ang gago gago mo! Sa oras na may mangyari sa anak ko pasensyahan na tayo" Galit na galit niyang sabi sa akin sabay alis habang dali-daling kinarga ni Stephen at Ivan si Jenefer upang agad ng madala sa ospital. Habang ako, nakahiga sa napakainit na semento dito sa aming rooftop, nakatulala, umiiyak hanggang sa nawalan na ng malay.

Kurt's POV

Galit na galit na talaga ako kay James lalo pa at ngayong nasa kditikal na kalagayan ang magiging anak namin ni Jenefer.

Sana'y Ako Nalang || Book 1 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon