Chapter 19: All are schemes

2.6K 71 17
                                    

Pauwi na ako ng bahay, at mag aalas syiete na. Salamat naman at tapos na naming gawin ang mga dapat naming gawin para bukas, nagdecorate na kami, naayos na din namin ang mga inihanda naming display at mga iba't ibang klase nang booth, Kaya thankful ako sa iba pa naming kasamahan, mga SSG officials at sa mga teaching force sa pagtulong tulong para magawa ng maaga ang lahat.
Bukas kakanta ako sa opening ceremony namin, presentation daw, ano kaya magandang kanta? Di bale na, pag iisipan ko nalang yan sa bahay.

Ngayon Naglalakad ako pauwi ng bigla akong hinarangan ng motor ni Jack, [Shocked], Si Jack? Alam kong siya to kasi klarong klaro naman. Pormang porma sya, San lakad? Daig pa nga niya mga pormahan nila Daniel Padilla at James Reid eh!

Huminto ako, tinanggal ni Jack ang helmet niya.

"Uy, di ka pumasok? Di kasi kita nakita kanina eh" Tanong ko

"Ahh oo kasi may pinuntahan lang ako." Sagot niya

"Ahh, buti at naka helmet ka, para may safety." Nakangiti kong sabi

"Oo nga eh" nakangisi niyang tugon

"Ahh pauwi ka na? Gabi na ha!" Tanong niya

"Ahh oo eh, natagalan lang ako kasi may meeting, at marami kaming ginawang preparation, foundation day natin bukas." Sabi ko

"Ahhh, ganun ba?" Sabi niya ng may dalawang babae na lumapit sa kanya at bigla nalang akong tinulak para magpapicture Kay Jack.

Eh ikaw ba naman di makakita ng ganyan kagwapo Kay Jack. Aba, grab the opportunity bes

"Jack, pwede pa kiss" Sabi nung maharot na babae, siguro papunta tong party kasi sa kasuotan pa lang ng  mga ito na ang iiksi ng mga shorts tsaka naka sleeve less lang.

Sabi niya ng bigla akong tiningnan ni Jack ngunit yumuko lang ako

"Ahh sorry girls, I'm taken" sabi niya ng tumingin sa akin at nakangiti

Napalingon agad ako sa kanya bigla. Hay salamat naman at taken na tong taong to. Siguro kaya absent to kasi may niligawan.

"Ay, sayang naman, ang swerte ng girl pa hug nalang kami" Sabi pa nung isa niyang kasama.

At inakap nalang ni Jack ang dalawa at tsaka umalis na.

Nakangiti lang ako ng lumapit ako sa kanya sabay sabing

"O sya sige mauna na ako Jack hinihintay pa kasi ako ni lola eh, Sige." at umalis na ako kaagad

Ng bigla niyang hinawakan kamay ko sabay sabing

"Sakay na James, ihahatid na kita, baka mapano ka pa sa daan." Nakangisi niyang sabi na mas lalong nagpapagwapo sa kanya

"Ha? ( Bigla akong bumitaw) wag na huy, kaya ko na noh at tsaka baka hinahanap kana ng parents mo o di kaya girlfriend mo, Sige na." Sabi ko at umalis na ng sa di ko inaasahan ay sinabayan niya ako sa paglalakad, bumaba sya sa motor niya at tumakbo papalapit sa akin.

"Huy, San ka pupunta?" Gulat Kong sabi

"Ahh, eh di dito lang, sasamahan kita." Sabi niya

"Uy di na! Kaya ko na noh dun lang naman sa kabilang kanto bahay namin at tsaka mawala pa yung motor mo." Sabi ko

"Heto naman oh, pagbigyan mo na ako, at tsaka pinabantayan ko na yun Kay manong guard kaya wag ka nang mag alala." Sabi niya at tumigil kami sa paglalakad

"Eh, pano ka uuwi? Babalik ka na naman?" Sabi ko.

"Kaya't bumalik kana (tinulak siya pabalik ) at uuwi na ako" Dagdag ko

Sana'y Ako Nalang || Book 1 [Completed]Where stories live. Discover now