Chapter 5: Flashback

3.7K 103 1
                                    


Madaling araw palang ng nagising na James, hindi na nya ginising pa sina Kurt dahil sa mahimbing pa ang mga tulog nito kaya tinungo niya ang balkonahe at dun magpalipas oras muna.

Namalayan ni Kurt ang paggising ni James kaya sinundan nya ito sa balkonahe.








James's POV:

Tinabihan ako ni Kurt sabay sabing

"Sorry ha! Di kita naipagtanggol kina Jack kahapon." Sabi niya

"Okay lang yun Kurt, ano kaba di mo naman kailangan mag sorry, dapat nga ako magpasalamat sayo dahil sa pagbabantay mo sa akin, ikaw kaya naging kuya ko sa tanang buhay ko kahit isang taon lang tanda mo sa kin, [Chuckles]" Sabi ko

"[Chuckles], pero alam mo James (sabay akbay) pagbabayarin talaga natin sina Jack sa ginawa nila sayo, tingnan mo oh, andami mong sugat at pasa na natamo." Sabi ni kurt

"Wag na, mag aaksaya lang tayo jan, di ko na gusto ng gulo Kurt baka madamay ka pa kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanila" Sabi ko naman kay kurt

"Yun na nga. Alam mo James, sa buhay, kailangan talaga nating lumaban kung talagang gipit na gipit na tayo para makabawi. Hindi pweding lagi nalang tayong nasasaktan dito." Sabi ni Kurt

"Wow ha! San ka nakakakuha ng ganyang mga hugot lines kurt ha?" Sabi ko

"Sa tabi tabi lang, " Sabi ni Kurt

"Naalala mo ba yung inasar mo ako dun sa baba?" Natatawa kong Sabi

"Tas umiyak ka?" Sabi niya

"Sino naman di maiiyak dun eh sinabihan mo akong "Rabbit" dahil sa ngipin ko" Sabi ko

"Eh syiempre, ikaw ang bunny ko eh palusot kunwari niya

"Tsaka! Sino din ba ang di magagalit, sinabihan mo akong gwapong torpe" Sagot ko

"Totoo nga ba?" Tanong ko

"Hahahaha, malamang pero naalala mo din ba nung naglaro tayo at natalo ka, napikon ka, sabi mo pa nga nun, isusumbong kita James huhu mandaraya ka " Tawang tawa kong sabi

"Eh yung nagpasama ka sakin mamalengke tas iniligaw kita? buti nalang naka uwi kapa" tawang tawa rin niyang sabi

"Ewan ko sayo bat mo yun nagawa, Pero di bale na, sya nga pala kumusta na kayo ni Jen? Ok na ba kayo?" Tanong ko kay kurt

"Di pa nga eh, sa katunayan nga, mamaya makikipagkita ako sa kanya di ko alam kung ano sasabihin ko" Sabi ni Kurt

"May plano ako teka may kukunin lang ako" sabi ko at kinuha ko yung litrato ni jen.

"Dun ka muna tas kunyari ako si jen at pratisen natin sasabihin mo mamaya para naman di ka mapahiya" Sabi ko kay kurt

"Sige, sge" Sabi ni kurt

Inilagay ko ang litrato ni jen sa mukha ko para kunyari ako si jen.

"Lights ! Camera , Action!"

"Jen" malumanay niyang sabi

(Lumingon ako bilang si jen )

"Bakit?" (Tumawa si kurt)

"Wag kang tumawa, dapat in character tayo" Sabi ko kay Kurt na tawang tawa.

"Sge, sge take 2" Sabi ni kurt

"Ahh, wait lang James, Pwedi bang alisin mo nalang yang litrato ni Jen sa mukha mo." Sabi niya

"Mas lalo ka lang matatawa kurt eh." Sabi ko

Sana'y Ako Nalang || Book 1 [Completed]Where stories live. Discover now