Chapter 16: Uncontrolled Emotions

2K 68 0
                                    

"Sana, ma re realize mo na balang araw, tama lahat nang sinasabi ko sayo. Di sa lahat ng pagkakataon alam mo ang lahat ng nangyayari Kurt. Minsan kasi , nabubulag kana sa pag-ibig nya at di mo na nakikita yung mga katarantaduhang ginagawa niya sayo. In other words" pinagsasamantalahan niya ang kabutihan at pagmamahal na ipinapakita mo sa kanya." - James








Bakit kaya di ako pinansin nun? Galit ba yun? Pagtataka ko sa sarili ko ng nilagpasan lang ako ni kurt at ng di man lang ako pinansin kahit na tinatawag ko na sya, Eh di naman yan ganyan eh.

Pumasok nalang ako at umupo sa upuan ko ng biglang lumipat si Kurt ng upuan bitbit ang kanyang bangko at tumabi kay Ivan habang ako naman ay labis ang pagtataka.

Pinabayaan ko nalang sya, di ko na sya pinansin, Kahit masakit sa aking kalooban dinaramdam ko ang sakit na nararamdaman ko ngayong araw . Ang sakit pala noh? Ang sakit sakit pala ng hindi ka pansinin ng taong mahal mo kahit na matagal na kayong magkaibigan. Di ko lang kasi maintindihan eh, bakit kaya? kasi kung tungkol ito nung nangyari kahapon eh parang mas ako pa dapat ang naagrabyado sa mga binitawan niyang masasakit na salita sa akin kahapon.

Gulong gulo na ako.

Sa di inaasahang pangyayari, ay bigla akong tinawag ni Kurt.

"James"

At agad naman akong sumagot

"Bakit Kurt?" Sabi ko at nilingon sya

"Alam ko na kung sino crush mo" sabi nya ng nakangiti

"Sino, aber?" Nakangiti kong sabi dahil sa wakas ay pinansin niya ako

"Eh di ako" sagot niya at tinuro ang sarili.

Ha? ano nang nagyayari? labis na akong nagtataka

"Eh, sino pa nga ba crush mo? Di ba ako? Tsk. Nagawa mo ngang sirain kami ni Jenefer dahil sa kalokahan mo sa akin. Para sa kaalaman ng lahat, (nilapitan si Ivan at inakbayan) kung magmamahal lang din naman ako ng bakla. Eh, kay Ivan nalang ako. (biglang hinalikan ni Kurt si Ivan sa pisngi at sakto ding pumasok sina Jack) Hindi nangingialam, Hindi nagseselos, hindi oa, at higit sa lahat, hindi gumagawa ng paraan para lang masira ang inyong relasyon. (Biglang bumitaw sa pagkakaakbay kay Ivan). Oo James, (galit) magkaibigan tayo, sobra pa, tinuring na nga kitang kapatid, kababata kita, pero ano ginawa mo? (Tinuro si James) muntik na kaming maghiwalay ng girlfriend ko ng dahil sayo, dahil sa kahibangan mo sa akin, at dahil sa may pagnanasa ka sakin." (sinigaw ng biglang lumapit si Jack kay James at pinagbantaan si kurt)

"Wag na wag mong gaganyanin si James ha! (Tinuturo ni Jack si Kurt ng tumayo si James at pinigilan si jack sabay sabing)

"At para ganun lang bibitaw kana agad? napaka obsessed mo naman sa babaeng yun at tsaka ang kapal mo, ang kapal kapal ng pagmumukha mo na sabihin mong ikaw yung crush ko" [Biglang tumulo ang luha] Galit kong sabi

" Asus, palusot kana naman tsaka ayan na naman yang kadramahan mo" Galit niyang Sabi

"Sana, ma re realize mo na balang araw tama lahat nang sinasabi ko sayo. Di sa lahat ng pagkakataon alam mo ang lahat ng nangyayari kurt. Minsan kasi, nabubulag ka na sa pag ibig niya at di mo na nakikita ang mga katarantaduhang ginagawa niya sayo. In other words, pinagsasamantalahan niya ang kabutihan at nagmamahal na ipinapakita mo sa kanya." maiyak iyak kong sabi

"Talaga? Talaga lang ha! At ikaw pa talaga ang may lakas loob na magsabi sa akin niyan. Pagkatapos mo kaming pag awayin ng dahil lang sa ganung sumbong dala ng kahibangan mo." (Galit na tinuro si James habang inaawat ni Nicole at Ivan si Kurt)

"Kurt, (sinigaw ) gumising ka nga, wag kang magbubulag bulagan, dahil alam kong alam mo lahat ng katotohanan." Sabi ko na namumuro na sa galit

"Hindi James, hindi, ganyan ka lang kasi di mo nararamdaman ang feeling na may tunay na nagmamahal, palibhasa kasi, walang nagmamahal sayo" (Sabi ni Kurt nang biglang sumabat si Jack sa likod ni James)

"Ako, (tinuro ang sarili) ako ang tunay na nagmamahal Kay James ( sabi ni Jack sabay tingin Kay James na bigla ding napatingin Kay Jack dahil sa tinuran nito at nang ang lahat ay labis din ang pagkagulat)

"Oo, mahal na mahal kita James (hinarap si James at hinawakan ang mukha) di mo lang alam, labis ko natong hinihintay, itong pagkakataong ito, malaman ng lahat kung gaano kita kamahal. Mahal na mahal kita James, mahal na mahal kita."  Sabi ni Jack ng biglang umalis at lumabas ng sild si James na iyak ng iyak.

Yumuko nalang si Jack at biglang sinundan si James, si Kurt naman ay labis din ang pag-iyak dahil sa nangyari. Inalalayan naman nina Nicole at Ivan si Kurt. Halos lahat din ng mga estudyante nito ay saksi sa mga naging pangyayari maging ang mga kaklase nito.

Sa rooftop ang siyang naging takbuhan ko sa tuwing nakaramam ako ng labis na sakit.

[Crying] di ko na talaga kaya, naawa na ako sa sarili ko. Pero, mas naaawa na talaga ako Kay Jack, pagkatapos niya aminin ang nararamdaman niya sa akin sa lahat ng tao, tinakbuhan ko lang sya, Wala akong kwentang tao, siguro tama yung sinabi ni kurt sa akin kanina, na ang Oa ko, pakialamera, feeler. Tsk

*Biglang dumating si Jack


"Ayos ka lang ba James?" Tanong ni Jack sakin at tumabi ito.

Biglang kong niyakap si Jack.

"Sorry Jack, sorry talaga, sorry sa inasal ko kanina" sabi ko habang hinihigpitan ko ang pag akap ko kay Jack. Si Jack naman ay umakap na din at tila naluluha na rin.

"Okey lang James, okey lang, ohh ohh, tahan na, tahan na" (sabi ni Jack habang pinupunasan niya mga luha ko ng kanyang kamay)

"O halika na, ihahatid na kita sa inyo, para makapagpahinga ka."  Anyaya ni Jack, at tumayo naman ako at inalalayan niya at ng makaabot sa may parke ay pinasakay niya ako sa motor niya. Sa pagsakay, siya pa mismo nagsuot sa akin ng helmet tsaka pinayakap niya ako sa kanyang bewang tsaka tumuloy na kami at inihatid na niya ako

Di ko maiwasang mailang dahil nahihiya ako Kay Jack. Despite of what I acted upon him, despite of how many times I rejected him but still he can make me comfortable in that way.

"Okey ka lang ba Jan James?" Tanong nya sa akin na lubhang nag aalala sa aking kalagayan.

I felt it habang nagmamaneho siya at ako nama'y nakapatong ang ulo ko sa balikat niya.

"Ahh, oo okey lang ako." Malumanay kong sagot.

"Nagugutom ka ba? Gusto mong kumain muna? Dun tayo sa fast food" Anyaya nito ngunit tinanggihan ko ito

"Ahh, di na Jack , busog pa ako. Gusto ko nang magpahinga." Pagtanggi ko sa alok niya

"O sya, sige. Total malapit na din naman tayo sa inyo" Sabi niya

-_-!

Sa di kalaunan ay nakaabot na rin kami sa bahay, kahit nakarating na kami ay inalalayan parin niya ako patungo sa aking kwarto, pinaakbay niya ako na syang naging komportable ako.
Mukhang wala si lola kaya wala nang nag aasikaso sa akin o di kaya'y sumalubong man lang sa amin, buti nalang at andito si Jack para umalalay sa akin kahit na sa ilang beses ko na siyang inayawan

Pinahiga niya ako sa aking kama ng sabay kaming natumba, na sa di inaasahang pangyayari ay hinalikan niya ako sa aking labi. Kahit na mahina na ako at that time pero ramdam ko yung init at sarap ng tunay na pag ibig ng kanyang halik.
Kahit 10 segundo lang ang itinagal ng halik ay naramdaman ko talaga yung tunay niyang pagmamahal sa akin.

Ang malambot niyang labi na kay sarap halikan, ang mabango niyang hininga ang siyang pumukaw sa aking buong pagkatao. At Buti nalang at walang pagtatalik na nangyari dahil agad na siyang umalis.
(Dahil kung hindi, ahh patay! Ligwak virginity ko.)

Di na nagpaalam pa si Jack kasi alam nitong nakatulog na ako dahil sa sobrang pagod.





End of Chapter 16

Sana'y Ako Nalang || Book 1 [Completed]Where stories live. Discover now