Chapter 12: Its just a Friendship Dinner hmmp!

2.8K 90 5
                                    

For the entire law is fulfilled in keeping this one command " Love your neighbor as i love you"
-Galatians 5:14

Spread Love ♥







Sa wakas ay nakarating na kami sa lugar kung saan kami kakain ni Jack, dinala niya ako sa isang magandang Restaurant na pang mayaman kung saan tahimik, at talagang nag pa reserve pa siya ha.

"Jack parang ang mahal dito ha" Sabi ko

"Ano ka ba, wag kang mag alala at tsaka umupo kana jan" Sabi niya

At umupo nalang ako pati narin siya at magkaharap kami ngayon. Biglang nalang dumating ang pagkain na napakasarap habang ako dito ay tahimik, walang imik, nahihiya ng biglang napansin ni Jack ang pag tulo ng luha ko.

"Ahh James umiiyak kaba?" Tanong niya

"Ha, hindi ha! (Biglang nagpahid ng luha) napuwing lang" palusot ko, naluha ako kasi ngayon lang kami nagkasagutan ni Kurt ng ganoon nang dahil dito.

"Alam ko gutom ka na sige na, kumain kana" Sabi niya ng biglang nag ring yung phone niya.

Kringgg, kringgg






On Phone

"Hello" Jack

"Hoy si Bryan to pare, nakitawag lang ako di ka sumasagot sa mga tawag ko ha. Eh asan yung usapan natin na maglalaro tayo ng ML sa inyo?" Sabi ni Bryan

"Ahh oo nga pala pare, sige sige mamaya nalang mga 10:00 pm meron pa kasi akong date eh, (sabay bitiw ng matatamis na ngiti at titig kay James habang si James naman ay nagulat at nabigla) O sige pare ha! Kita nalang tayo sa bahay, sige paalam" Sabi ni Jack at di na niya pinasalita pa si Bryan at bigla nang ni off ang cellphone.

"Sige na kain ka na" Sabi ni Jack

"Di to date ha!" Sabi ko

"Ha? Di ka pa na cu curious sa kung ano ginagawa natin ngayon?" Sabi niya

Bigla akong tumayo pero tumayo siya tsaka pinaupo ako.

"O sige na, di na to date, hmmm friendship dinner." Nakangisi niyang sabi

"Ayun naman pala" Sabi ko sabay ng

"Ang cute mo talaga" Sabi niya sabay pisil sa pisngi ko at bumalik na sa kinauupuan nito

Kumain na kami at ayun, pagkatapos naming kumain ay naglakad-lakad na kami tsaka namasyal.

Habang naglakad-lakad kami sa may park kasi sa kabila lang naman ito ng restaurant ay bigla akong tinanong ni Jack

"James nagkaboyfriend ka na ba?" Tanong niya

"Huh? hindi pa po tsaka study first muna ako. I don't want to break my promise to my parents." Malumanay kong sabi

"Ahh, sorry ha!" Sabi niya sabay akbay sa akin

"Okey lang" Sabi ko

"Pero kunwari kung may manligaw sayo James na isang gwapo at mabait na mabait, alam mong di ka sasaktan, sasagutin mo ba?" Tanong niya

"Ehhh hindi ko alam eh. I used to think of that kind of question if nasa point na siguro ako ng buhay ko na nanghihinayang at puno ng pagsisisi" Sabi ko naman na nakangiti

"ha? lalim nun ah. Bakit naman" Tanong niya

"Jack, It is often better for us to choose those people who loved us rather than to choose those who we love because you will only realize how important that person is after the person we love, hurts us."

Sana'y Ako Nalang || Book 1 [Completed]Where stories live. Discover now