Chapter 7: Yeah! Its the Bitch

3.3K 97 1
                                    





Pagod na pagod ako at tila inaantok na, kaya natulog ako saglit sa sala, sa di kalaunan paggising ko ay gabi na at nandito na ako sa kwarto ko

NAKAHIGA

!O__________O! [SHOCKED]

"Bat ako nandito?" Tanong ko sa sarili ko

Tinungo ko ang kusina at tila may nagluluto.

Ayun si kurt, sabi na nga ba.

"Psttt, ano ginagawa mo?" Tanong ko

"Naghuhugas ng pinggan at ayan oh pinagluto kita ng paborito mong adobo. Kain kana, diba ang bait kong kaibigan" Sabi nya

" Di mo naman yan kailangang gawin kurt para maipakita mo sa akin na mabait kang kaibigan. Mabait ka naman talaga eh " Sabi ko

At nakipag agawan ako sa paghuhugas ng pinggan

"Ako na nga dito, magpahinga kana" Sabi ko

"Hindi ako na, dun kana" Sabi nya

Natigilan

Nakakahiya naman sa kanya. Kaya Umalis nalang muna ako at tinungo ang balkonahe

Mga ilang oras din akong nagpahangin ng biglang dumating si kurt ,tapos na siguro yung maghugas ng pinggan. Tinabihan niya ako at dinalhan ng pagkain.

"Kumain ka na muna oh" Sabi ni kurt

"Nahihiya na talaga ako sayo Kurt ha, wala akong pera pang sweldo sayo." Ani ko

"Di mo naman ako kailangang swelduhan, tsaka masaya naman akong pinagsisilbihan kita. Malaki kaya utang na loob ng pamilya namin sa inyo" (bago pa kasi namatay sina mommy at daddy eh ibinilin nila yung isa pa naming bahay diyan sa may kanto sa kanila. Magkaibigan kasi Parents namin).

"Asus ano ka ba Kurt, wag mo na yung alalahanin at tsaka di na, busog pa ako eh, ikaw ba kumain ka na? Kaw nalang kumain." Nakasimagot kong Sabi

"Galit ka ba?" Sabi nya

"Di ha, nahihiya lang talaga ako sayo " Sabi ko

"At bat ka naman mahihiya eh parang di kita kinakapatid" Sabi nya

At bigla niya akong inakbayan

"Ahh, sus wag ka nang mahiya" Dagdag pa niya

"Di kasi eh," tumayo ako at tinungo ang kwarto

Sinundan ako ni kurt

"Sige na matutulog na ako" Sabi ko

"Dito nalang ako kurt sa sahig, mas gusto ko kasi ng malamig eh, diyan kana lang sa kama ko." Sabi ko

"Hindi, tabi nalang kaya tayo parang di kana nasanay nung mga bata pa tayo. At tsaka ang laki nitong kama mo oh" sabi niya at hinila pa niya ako ng bigla akong natapilok at natumba kaming dalawa sa higaan tsaka nagkatitigan ng ilang minuto.

Sa ilang saglit pa

"Ahh, sorry sorry " Sabi ko

"Ahh " siya (biglang umiwas)

"Sige dito nalang ako dyan ka." Sabi ko

"O sige para tabi tayo." Sabi nya

Natulog kami ng magkatabi pero side to side, di ko maiwasang manginig o mapigilan man lang ang nararamdaman ko.

Oo inaamin ko na mahal ko na sya ngayon di bilang isang kaibigan o isang kinakapatid kundi bilang kung ano sya ngayon.

Pero di pwedi eh, naloloka na ako.

Sana'y Ako Nalang || Book 1 [Completed]Where stories live. Discover now