Chapter 8: Trials

2.8K 86 2
                                    





James's POV:

Sana di nalang ako pumayag na sumama, yan tuloy napahiya ka James, pero di ko gusto yung pag uugali ng Jen na yan, di ko siya gusto para kay kurt. Ang suplada, at tsaka akala mo naman kung sinong maganda tsk kaloka. (Kinakausap ang sarili)

Habang ako ay naglalakad sa daan pauwi dahil malapit lang naman dito sa amin tong street nato ay nakita ko naman yung matanda at yung bata na binigyan ko ng suman kanina na parang nag hahanda ng mahihigaan nila sa gilid ng kalye.

Agad ko tong pinuntahan.

"Lola, dito po kayo matutulog?"
Bigla kong natanong

"Ahh oo kuya kasi wala kaming matutulugan, pansamantala lang naman" Sabi nung batang kasama

"Ahh, sumama po kayo sa akin, sige na ho, ahh bata ano nga pangalan mo?" Tanong ko

"Cyril po" sagot niya

"Ahh, oh Cyril dalhin mo natong mga gamit nyo at dun muna kayo sa bahay magpalipas ng gabi." Sambit ko sa kanila

"Maraming salamat apo. Napakabuti mo naman" Sabi ng matanda

"Ang bait nyo po talaga kuya" pasasalamat nung bata

"Asus walang anuman o sige na at pupunta na tayo!"

At tinungo na namin ang bahay.

Nakarating na kami sa bahay at pinag pahinga ko na sina lola at cyril. Sa sala ko na sila pinatulog dahil isa lang naman kwarto namin dito sa bahay, ako naman ay nasa balkonahe at hawak hawak ang aking gitara at kumakanta. Stress reliever ko to eh.




🎶 Porque By Maldita

Tulala lang sa king kwarto
At nagmumuni muni,
Ang tanong sa 'king sarili
San ako nagkamali.
Bakit sa iyo pa nagkagusto,
Parang bula ikay naglaho.

Chorus
Bakit ikaw pa ang napili, ngayon ang puso ko ay sawi.
Kay simple lang ng aking hiling,
Na madama mo rin ang pait at pighati.
Ipinagdarasal ko sa king puso na mabura ka sa isip ko.

End of Song 🎶





Di ko na tinapos ang kanta kasi inaantok na ako.

Tinungo ko ang kwarto ko at natulog na kasi may pasok pa bukas.

Good Night :)











4:30 am

Maaga akong nagising at namalayan kong heto katabi ko na si kurt, natutulog. Ano kaya nangyari sa kanilang date nung babaeng madrastang yun.

Agad kong pinuntuhan sina lola ng madatnan kong gising narin pala sina lola na nag aayos ng kanilang higaan at si Cyril na tila umiiyak.

[Crying] - Cyril

"Oh, bat ang aga nyong nagising lola? At ikaw Cyril ba't ka umiiyak?"
Nagtaka kong sabi

"Eh kasi kuya, sinipa ako nung lalaki, at ginising po nya si lola at ibig po niya kaming paalisin." Sabi ni Cyril

"Ha? Sinong lalaki? Yung kasama ko?" Tanong ko

"Opo"

"Naku! Lasing yang kurt bah." Sabi ko

"Sige, mamaya kakausapin ko sya ha! Pero sa ngayon uminom muna tayo ng kape" Sabi ko at bigla kong naisip na jusko may nangyari kaya sa kanilang dalawa kagabi? at bat bago lang yun nakauwi?

Sana'y Ako Nalang || Book 1 [Completed]Where stories live. Discover now