HHB (2)

6.6K 248 3
                                    

- Glaiza -

Hi guys... I'm pretty sure na nakilala nyo na ako sa previous chapter... But for formality, I'm Glaiza de Castro, Rhian's bestfriend.

So ayon, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa sofa habang hinihintay na lumabas si Bugnutin...

As I open my eyes, agad kong napansin ang kumot na naka kumot sakin. I smiled.

Kahit pa naman nag aaway kami ni Rhian minsan, we're still concern to each other. Pero hindi ko lang magets hanggang ngayon kung bakit ganon na lang ang inis nya sakin. Pabigla bigla, e wala naman akong ginawang mali... Haaayy

Inilibot ko ang paningin ko at may hinanap. Negative.

Nakasarado ang pintong kwarto ni Rhian kaya alam kong nanduon pa din ito.

I take a look at my wristwatch. Mag aalas sais na ng hapon. Ang haba pala ng tulog ko...

Minabuti kong bumangon dahil naisipan kong magluto ng hapunan namin... I mean what I said... Dito ako matutulog.

I went straight to the kitchen and check on the things na pwede kong lutuin but to my surprise, walang kalaman lamang ang fridge nya.

Kita mo tong babaeng to... Umaasa nanaman siguro to sa fast food chains... Kahit kelan, tamad talaga... I talk to myself

Few blocks from Rhian's place ay may isang supermarket... I go there to buy her some groceries.

Hindi totoong wala nakong pera, lambing ko lang yung pagpapalibre sa kanya kanina...hehe

I grab some things for her... And for the food that I want to make for our dinner... Then dali dali na din akong bumalik sa apartment.

"I thought umalis ka na..." Sumalubong sakin ng pumasok ako ng bahay.

Nakita kong nakaupo si Rhian sa sofang hinihigaan ko kanina at nakatalukbong ng kumot habang ang buhok nito ay parang pugad ng maya...

"I told you, dito ako matutulog..."


"Akala ko wala kang pera..."


"I was just kidding... Naglalambing lang ako sayo kanina kaya ko sinabi yun. Kuripot mo kasi. Di moko nililibre" I joked but di naman totoong kuripot si Rhian

"Sinungaling.!"


Hindi ko na sya pinansin pa, dumeretcho na lang ako sa kitchen dahil ang bigat kaya ng mga dala ko.

"Ok na ba ang pakiramdam mo?"

"Wala kang pakialam."

Hanggang ngayon sinusupalpal nya pa din ako. Ano ba talaga ang dahil bat nya ako pinag iinitan?! Nakakainis na ha...


Habang isa isa kong nilalabas sa supot ang mga pinamili ko at isinalansan ang mga ito sa cabinet at fridge, pansin kong lumapit na din si Rhian sakin sa kitchen.

"Anong lulutuin mo?"

Hindi ako sumagot.

"Cha, anong lulutuin mo?!"

Hindi pa din ako sumagot. Tuloy lang ako sa ginagawa ko...

Hard Habit to Break #Wattys2017Where stories live. Discover now