HHB (14)

4.5K 291 51
                                    


- Rhian -

Again, another morning to wake up with bad headache... Mas malala kesa don sa nakaraang araw... At feeling ko, pagod na pagod ako... Nananakit ang buo kong katawan.

Buong katawan??? 😳😳😳

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at bumungad sakin ang payapang mukha ni Glaiza.

Mahimbing pa din ang tulog nito at bahagya pang nakaunan sa dibdib ko habang ang isa nyang braso ay naka patong sa tyan ko.

I slowly lift up the comforter and yes... I am fully naked.

So hindi pala ako nananaginip kagabi... That really happened...

Hay nako Rhian, gaga ka ba?! Wag mong sabihing hindi sapat ang naging kirot sa ibabang bahagi ng katawan mo para magising ka ng mga sandaling iyon?!

I scolded myself.

Buong ingat akong bumangon para di magising si Glaiza at tumungo sa banyo para maligo...

Pagkatapos ko, andon pa din sya... Mahimbing pa din ang tulog...

Buti na lang at kahit panay ang ubo ko ay hindi ito nagigising...

Minabuti ko nang magluto ng pang agahan namin.

Paulit ulit na nagpiplayback sa utak ko ang nangyari... I know ginusto ko din iyon pero bakit parang hindi ako handang panindigan sa kanya ang namagitan sakin...

I know na gusto kong hanapan ng sagot ang bumabagabag sakin pero hindi ko kayang sirain ang pagkakaibigan namin...

What if parehong pagnanasa lang ang naramdaman namin sa isat isa... Kung oo na mahal ko sya, paano kung hindi iyon ang nararamdaman nya para sakin...

Natatakot ako... Natatakot ako na baka kagaya nang mga babaeng dumaan sa buhay ni Glaiza, panandalian lang din... Hindi naman sa hindi ko sya kayang pagkatiwalaan sa ganong bagay pero di ko din maiwasan ang pagdadalawang isip... Kahit sarili ko hindi ko din pinagkakatiwalaan. Gaya nga ng sinabi nya... Mas doble ang sakit kapag ang nanakita sayo ay ang taong hindi mo inaasahan na mananakit sayo.

So what will I do???

Hayyy bahala na nga... Kung ano man ang susunod na mangyayari, let it be...

"Good Morning."

Napalingon ako sa bandang likuran ko habang nagsiset ako ng mesa...

Si Glaiza... Halatang kakagising lang nito dahil kinukusot kusot pa nya ang kanyang mga mata...

She didn't bother to change, naka robe lang ito.

"Good Morning din..."

"Ang aga mo naman nagising... Anong niluluto mo Lab?" Saka ito lumapit sa akin

"Just an eggs... And a toast... Is that ok with you? Or you want something?"

"No... That's fine... I don't feel like eating nga sana e... But since nakaluto ka na, then I should eat."

"Bakit naman ayaw mong kumain?" Nagtataka kong tanong kasi madalang lang nagsiskip si Glaiza nang agahan...

Motto pa naman nya yung 'breakfast is the most important meal of the day'

"Wala akong gana and feeling ko nasusuka ako."

"Huh? Bakit naman? Ano bang kinain mo kagabi?"

Hard Habit to Break #Wattys2017Where stories live. Discover now