HHB (22)

3.4K 223 95
                                    

- Glaiza -

"Papi, halika na... Ihahatid na kita. Tama na ayan, bitaw na." Saway ni Patty sa akin.

Mula nang nawala si Rhian, naging tambayan ko na ang club na pinagtatrabahuan ng kaibigan kong DJ.

"Teka, teka... May laman pa... Akin na yan" pilit kong inaagaw sa kanya ang bote ng alak.

"Oo nga, may laman pa pero ikaw, wala nang paglalagyan... Akin na ang susi mo, ihahatid na kita Paps."

Mabilis kong minuwestra ang kamay ko sa ere bilang pagtutol sa sinabi ni Patty

"Hindi na. Salamat kaibigan pero kaya kong umuwi... Kaya kong may drive. Ako pa? Kinakaya ko nga yung sakit dito oh, pagmamaneho pa kaya?!" Sabay turo ko sa dibdib ko

"Pero Paps!"

"Sssshhhh! Wala nang pero pero... Tutal e pinapaalis mo na ako, Adios Amiga!" Sabay ko tayo at kahit pa liko liko ang lakad ko ay nakakaya ko pa din naman.

Saktong nakalabas lang ako nang club nang nag ring ang telepono ko.

At dahil mejo nagbi-blurred na ang paningin ko, hindi ko na inalam kung sino ang tumatawag.

"H-Hello??"

"Glaiza?"

Pagkadinig ko pa lang ng boses sa kabilang linya ay biglang nanlinaw ang utak ko... Napawi ang epekto nang alak na nasa katawan ko... Kilala ko ang boses na iyon.

"R-Rhian??! Rhian nasan ka?? Where the hell are you? I've been calling you for days, in fact the whole two weeks!" Hindi ako mapalagay sa kinatatayuan ko

"Hi this is Rhian, please leave a message after the tone, yun lang ang lagi kong naririnig.!" I try to mimic her voice recorded in her VMB.

"Please leave a message,. Please leave a fucking message... Blah...blah...blah! Hanggang sa napuno na yata ng message ko ang voicemail mo.! Nasan ka?!"


"Nandito nako sa Pilipinas Glai."

"Pilipinas???"

"Yeah... Umuwi ako. Kasama ko si  Jason."

"Jason? Ah ok... Jason... Same plane, right? Passenger seat, magkatabi, right?"

"Glaiza, I'm with Jason..."

"So did you sleep with him? Did you two have sex? Right?"

"What??! Glaiza..."

"No... Don't lie to me Rhian... I know he'll do it with you... He's your lover now... Boyfriend... Fiancé... Back together."

"Oh God, lasing ka ba? Umiinom ka ba Glaiza?"

"Ako? Hindi ako lasing Rhian... Baka ikaw... Naalala mo ang mga sinabi mo noon,? Sabi mo ayaw mo na syang makita kahit kelan!"

"Yeah Glaiza... I know, but people in love are liars..."

"In love? C'mon... Don't fool yourself... Your not in love with him. Alam mo kung ano? Kabaliwan! Yan ang ginagawa mo... Kabaliwan Rhian.!"

"Minsan mo na yan sinabi Glai, diba? When we're in love, we became weak, crazy and stupid... So call me anything... It's fine"

"Rhian, makinig ka sakin, iiwan ka lang nya ulit... Sasaktan gaya nang dati... Hindi ka ba nadala?"

"Look, I know you're just being protective to me... You can say anything to me... But yun ang totoo, mahal ko pa talaga sya and all this time hindi pala nawala yun. Natabunan lang nga poot at galit ko sa kanya... I can't help it... And you know, he's very sorry for what happened in the past Glai... He even cried and beg..."

Hard Habit to Break #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon