HHB (24)

4K 247 90
                                    

- Glaiza -

Tatlong araw na akong nasa Pilipinas pero never akong nagpakita kay Rhian although she's the reason why I'm here.

But lately, I've been talking to some friends and garnered the same advices.

Either to be a hopeless romantic or a pambansang bestfriend and end up with a statement;

"Nasa iyo pa din ang decision..."

And until now, I really don't know which way to go.

"Cha..." Napatigil ako sa paggigitara nang bumukas ang pinto nang kwarto ko at dumungaw ang nakakatanda kong kapatid

"Can I come?" Tanong nito

"Ate naman... Oo syempre..." Then I smile at her

"Alam mo, kapag dumadalaw ako dito kina Nanay, lagi akong pumapasok dito sa kwarto mo at tinitignan itong bintana... Pwesto mo kasi to e, iniimagine kita na nakaupo jan hawak ang gitara mo... Ganon ako pag namimiss kita."

Sa aming lahat, si Ate Cris ang para ko nang pangalawang ina. Dahil sa laki nang agwat namin at ito din ang madalas magbantay sakin noong bata pa ako.

She's the one who give me my name too...

"Awww... Namiss din kita ate... Sobra!!!" Bumaba ako sa bintana at lumapit dito saka sya niyakap

"Cha, sinabi ni Nanay sakin lahat... At nag aalala sila para sayo. Lalo na at lagi ka daw nagmumukmok dito... Ok ka lang ba?"

Bahagya akong natawa sa naging tanong niya.

Ok lang ba ako?

Simpleng tanong pero feeling ko napakahirap sagutin.

"I don't know how to answer it until you ask me ate... Haha!!! I hate that question now, you know"

"Loko ka talagang bata ka... Hhhmmmm, do you want to talk about it?"

Naupo ako sa kama ko with my legs cross at sumunod din ito saka umupo sa harapan ko.

"Ang hindi ko lang maintindihan ate, why we have to fell in love when we just get hurt?" I try my best to look brave in front of her

"Just like asking why we have to live this life kung pagkasilang pa lang natin ay nakadestined na tayong mamatay?" Mapanantya nyang tanong

Natahimik ako... Well that make sense...

"Cha, love is not the real issue between you and Rhian..."

Napakunot noo ako sa narinig ko... Of all the people, si Ate Cris lang ang nakapagsabi nun.

"It's the decision... Nasasaktan ka ngayon hindi dahil hindi ka nya mahal... Nasasaktan ka dahil gumawa sya nang desisyong hindi umayon sa inaasahan mong mangyari... Remember that we are living in an unfair place Cha, hindi lahat ng gusto natin ay nakukuha natin... Don't blame love for all of these... Coz love can never be wrong... Kung ito Ang desisyon ni Rhian, deal with it. We can't please everybody to love us the way we wanted to be love..."

Lumapit ito sakin at hinawakan ang dalawa kong kamay...

"Kung ipapaglaban mo ang pagmamahal mo sa kanya, sa matuto ka ding ipaglaban ang pagmamahal mo sa sarili mo... Hindi ako sanay na ganyan ka... I know your braver and wiser this Cha... Think..."

"T-Tama ka Ate... Tama ka..."

Napagtanto ko, tama si Ate Cris, I'm not myself anymore... I see how weak I am... Hinayaan kong gawan ako ni Rhian ng weakness...

Hard Habit to Break #Wattys2017Where stories live. Discover now