HHB (26)

3.9K 224 36
                                    

(AN)

Nang oras na para mag board ng eroplano si Glaiza papunta sa stop over nito sa Abu Dhabi, nagkahiwalay na sila ni Solenn.

Pero ikinagulat din nila pareho na magkatabi din sila sa cabin.

"Hi!" Bati nito ulit kay Solenn

Pero kagaya kanina, poker face pa din ang babae.

"Siguro bored ang buhay mo ano?" Baling ulit nito sa katabi

Hindi pa din ito sumagot. Sa halip ay kinuha na lang nito ang kanyang headphones at isinalpak sa tenga at nakapikit na sumandal sa upuan.

"Boring nga" bulong ni Glaiza sa sarili pero sinadya din nyang iparinig ito sa katabi

"Hindi boring ang buhay ko. I'm just living it with less drama." Sabat ni Solenn

How can you live a life with less drama? C'mon! She's insane...

"What a bravery." -Glaiza

"It's what you called lifelong romance." -Solenn

Napatingin si Glaiza sa katabi na ngayon ay nakapikit pa din at parang relax na relax ang mukha.

She think, Solenn is really more than what you can see in the eye... Napakalalim na tao... Well guarded na tipong, singtaas ng langit at makapal pa sa great wall of china ang barricades nito sa kanyang sarili.

She do have a strong personality.

"Why hold your tears? Don't imprison them... Let them be free and you will see the difference." Dagdag pa ni Solenn na ngayon ay nagtanggal na nang takip sa tenga at hinarap si Glaiza

(AN: imagine nyo na lang mukha ni Casseopea kapag kinakausap... Ganyan lang ang facial expressions ni Solenn 😂)

"Ang totoo nyan, pagod na akong umiyak... Ang lungkot lungkot ko." Garalgal nanaman ang boses ni Glaiza

"It's not true... You're not tired. You're just pretending to be strong... Am I right?"

Natahimik si Glaiza sa sinabi ni Solenn.

"Go on... Tell me what your story is all about..."

...

- Glaiza -

Hindi ko inaasahan na ang kaninang mataray at sarkastikong babae ay may soft spot din pala...

She let me talk and talk and talk hanggang sa mawala daw ang bigat na nasa dibdib ko. It really helps a lot...

I tell her about the stories and what happened between me and Rhian... at masasabi kong, napaka effective nyang taga pakinig, paminsan minsan lang syang nagbibigay nang opinyon, komento at advice pero kahit ang tipid nya magsalita, lahat ng sinasabi nya, on point.

Hanggang sa hindi ko na namalayan ay nakatulog na pala ako sa mahabang byahe...

Nagising na lamang ako nang pa landing na kami ng Abu Dhabi International Airport... Next connection ng flight namin doon papuntang NY.

Kung nagkataon na magkatabi kami kanina sa byahe mula sa Pinas, impossible na na mangyari pa ulit yun ngayon... I know we will separate ways and probably we'll never cross paths again.

Hard Habit to Break #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon