Chapter 13: Traitor

40.3K 1K 19
                                    

LEE'S POV

3 weeks ago since nung nag punta ako sa condo ni V. Ang bilis ng araw pero wala naman masyadong nangyari nitong past.

Actually medyo close na kami ni V tapos si rena din tsaka si Evangela, Hindi naman pala boring kasama si Evangela in fact ang saya nya kasama lalo naman si Rena.

In my whole life ngayon na lang ulit ako nagkaron ng kaibigan. Ayoko kasing makipag kaibigan dahil para sakin ay pabigat lang sila dahil ginagamit sila ng mga kalaban ko para makuha nila ako.

Ginagamit nila ang kahinaan ko, at ang emosyon ko para saktan ako at ayoko ng maulit ang nangyari noon kaya mula non ay hindi nako naki pag kaibigan pa sa kahit sino, at ito rin ang dahilan kung bakit ako nag didisguise.

They are not hurting me physically but they are killing me emotionally.

Minsan nga nagtataka ako kasi bakit ang mga kaibigan ko ang kinukuha at sinasaktan nila? Samantalang never pa nilang ginalaw ang parents ko, kahit isang beses manlang or siguro dahil maraming body guards sila mom and dad kaya ganun.

It's Saturday kaya nandito ako sa Gym ko at nag eexercise. Umuwi na rin sila mom and dad.

Naisip ko lang, kapag ba isa kang owner ng school ay kailangan mong pumunta sa iba't ibang bansa para lang sa business and meetings? Hindi naman diba? So bakit kaya ganun sila mom and dad?

Hays kingina bat ba parang may mali, kailangan ko tong alamin.

Nasa kwarto nako ngayon at nag aayos, kakatapos ko lang kasi mag shower. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Butler Rohan at agad naman nyang sinagot ang tawag ko.

"Queen, napatawag ka?"

"Imbistigahan mo nga ang parents ko" sabi ko sa kanya habang seryosong seryoso sa binabasa ko.

Pagka sabi ko non, napansin kong napatahimik sya at ang tagal nyang sumagot kaya nag salita na ulit ako.

"Hey?" bored kong tanong

"Q-queen a-are you sure?" Nauutal nyang sagot sakin kaya nag taka naman ako, kasi never syang sumagot sakin ng ganito.

"I'm deadly sure" seryosong sagot ko sa kanya

"a-ah o-okay" sagot nya at agad ko ng ibinaba ang phone ko.

Mukhang may hindi ako nalalaman ah. Sa inis ko ay iniyukom ko ang papel na binabasa ko.

"Pwes ako mismo ang kikilos" I whispered at agad nakong tumayo.

Dumiretso ako sa kwarto nila mom, actually bawal pumasok ang kahit sino dito.

Kahit ako nga ay bawal din, pero dahil wala sila hindi kona sasayangin ang pagkaka taon ko.

Nilibot ko ang buong kwarto. Ang ganda, sobrang laki, at napaka linis.

Pumunta ako sa table ni mommy. Tangina sa buong buhay ko ngayon lang ata ako naka pasok dito at hindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko.

Feeling ko may makikita ako dito na makaka tulong sakin para masagot ang mga katanungan ko.

Hinalungkat ko ang mga drawers at mga folders nila pero wala naman akong ibang nakita kundi mga papers na may kinalaman lang sa Sheen Academy which is yung sarili naming school. Bukod doon ay wala ng iba.

Patayo na sana ako nang may nakita akong maliit na folder pero makapal kaya agad nitong nakuha ang atensyon ko.

Narinig kong may paparating sa kwarto kaya kinabahan ako, for sure sila mom and dad na yun.

The Nerd QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon