Chapter 33: Battle Begin

31.1K 799 5
                                    

LEE'S POV

Pag katapos namin magkita ni dad, nauna na kong umuwi. Hindi na kami nag sabay dahil kailangan naming mag ingat lalo na kila Regine. Pero syempre nag bonding muna kami. God I missed him so much.

Pagka uwi ko sa bahay, dumiretso ako agad sa kwarto at nag ayos.

Maya maya ay kumatok na ang katulong namin at niyaya akong kumain kaya bumaba nako.

Pag dating ko sa dining room namin, naka rinig ako ng sigawan galing sa living room at alam kong sila Regine at Julian yung nag aaway. Tsk wrong move tong dalawang to.

Nag madali akong pumunta sa sala at nag panggap na nag aalala sa nangyayari.

"Tapos ano? Malulugi Ang company natin ha? Julian sumagot ka!" Sigaw ni Regine kay Julian. Hindi muna ako dumiretso sa sala at nanatili sa sulok habang nakikinig sa usapan nila.

"Shut up! Hindi ko alam kung sino yung may ari ng  company na umaagaw sa mga costumers at mga kanegosyo natin. Hindi ko kilala yung taong nag papatakbo non. So please shut up Regine."   

"The heck? Are you out of your mind Julian? Puro ka shut up eh! Nalulugi na tayo."   

"Eh anong magagawa ko?"   
"Bakit kasi hindi na lang natin tapusin si Sharlene?" Hindi nako nagulat sa sinabi ni Regine kay Julian, and I think eto yung magandang tyempo para palabasin ang baho nila.

Agad akong pumasok sa sala at nakita ko namang nag aalala akong tinignan ni Julian samantalang si Regine naman ay parang nagulat.

"Tapusin? Sino? Ako ba? Mommy bakit?" Sigaw ko kay Regine habang patuloy na dumadaloy ang luha ko.

"Oo ikaw nga! Alam mo ikaw ang malas eh! Kaya nalulugi kami dahil sayo! Kasalanan mo ang lahat" sigaw ni Regine sakin.

In fact yung taong sinasabi nila na negosyante at dahilan ng pagka lugi ng company nila ay walang iba kundi ang dad ko. And yes, ready na ang lahat para sa revenge namin.

"Edi tapusin mo ko!" Mapanghamon kong sigaw sa kanya na ikinagulat nya.

Pati ang maids dito ay natataranta na kaya tinapunan ko sila ng masamang tingin.

"Anak umakyat kana lang muna" utos sakin ni Julian kaya umalis ako sa harapan nila at umakyat sa kwarto ko.

Inayos ko ang sarili ko at bumaba ulit. Dumiretso ako sa garage at pinaharurot ang kotse ko papunta sa bodega.

Pagka dating ko don, agad kong pinag hahagis ang mga upuan at ginulo lahat ng nasa loob. Binasag at sinira ko lahat ng mga gamit dito.

The fuck naiinis ako! Sobrang naiinis ako. Humanda ka sakin Regine.

Maya maya ay kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Regine. Buti na lang at sinagot nya. Actually unregistered number ang lalabas sa phone nya dahil hinack ko yung phone number nya kaya automatically deleted na yung number ko sa phone nya.

"Mag iinvest ako ng malaking halaga. Ibibigay ko sayo yung pera ngayon, so itetext na lang kita sa meeting place natin" I said calmly.

"Excuse me? Do I know you?" Sagot naman nya sa kabilang linya kaya napangisi naman ako.

"I don't think so. But anyway nabalitaan ko kasing nalulugi ang company nyo, so I'm here to help you" sagot ko. In fact hindi nya rin malalaman na ako ang kausap nya dahil iba ang boses na naririnig nya ngayon sa phone nya. Pina hack ko rin kasi yun nung nakaraan kay Butler Rohan.

"At pano ako nakaka siguro na totoo ka?"   

"Then I'll capture the money right now"   

"sure" sagot naman nya kaya agad kong pinicturan ang mga perang hawak ko.

"Okay wait for me. I'm going"   

"then I'll send you the address"   

"sure. See you later friend" sagot nya sa kabilang linya kaya agad ko syang binabaan at sinend sa kanya ang bodegang to. Nag taka pa nga sya kasi bakit daw sa ganitong place kami mag memeet. Pero sabi ko illegal ang gagawin namin kaya dapat mag ingat kami.

Habang iniintay ko sya ay niready kona ang mga gagamitin ko para sa kanya. Tsk patay ka sakin Regine. Gusto mo ng pera huh pwes pagbibigyan kita.

Maya maya ay biglang nag bukas ang pinto, at syempre tama naman ang hinala ko na sya lang mag isa ang pupunta. Tsk, napaka gahaman talaga.

Naka upo ako patakikod sa kanya, habang sya naman ay nasa likod ko.

"Miss? Hmm friend?" Sabi nya.

Agad kong kinuha ang maletang punong puno ng pera at hinagis sa kanya. Pero ganon pa rin ang position ko.

"What is this?"    

"Open it"   

"wait, your voice sounds familiar. Do you know me?"   

"Just open it"   

"okay sure."

Narinig kong binuksan nya ang maleta at napa wow pa nga sya dahil may pera talaga yun. Tsk mamatay ka sa sobrang dami ng pera mo Regine.

"Just wow. Eto na ba ang perang sinasabi mo? Parang napaka dami kasi."   
"Yes, ang kalahati jan ay pang burol mo at ang kalahati ay pang libing mo" sagot ko sa kanya but this time naka tayo nako at nakaharap sa kanya.

"What? You must be kidding me!"

Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa at nang makita nya ang kabuuang itchura ko, agad na nanlaki ang mga mata nya at nabitawan nya rin ang mga perang hawak nya.

Sa kabila ng pagka gulat at takot na expression nya ay tinapunan ko lang sya ng evil smile ko. Hindi sya maka paniwala sa nakikita nya. Halos pati ang bunganga nya ay naka bukas lang. Tsk

"S-sharlene?" Mautal utal na tawag nya sa pangalan ko.

Nginitian ko lang sya at agad kong kinuha ang baril ko sa tagiliran at itinutok sa kanya. Tsk, I'm the queen bitch!

"Uunahan na kita Regine"

The Nerd QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon