Special Chapter 2

28.3K 813 5
                                    

RENA'S POV

Nandito ako sa Park kung saan kami namasyal dati ni Jungkook.

Kahit saang part ako tumingin naalala ko lahat lahat ng pinag samahan namin kaya sobrang nanghihinayang ako na hindi naman pala totoo yung pag mamahal sakin ni Jungkook. At the same time, sobrang nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon.

Humiga ako sa tela na nilatag ko sa malambot na damuhan at ginawa kong unan ang mga braso ko.

Hindi mainit dito dahil naka silong ako sa ilalim ng puno tsaka ilang oras na lang din at mag susunset na.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para mapigilan ko ang mga luha kong gustong pumatak.

"Sana J-jungkook balikan mo nako" bulong ko sa sarili ko.

"Hindi kita babalikan, kasi hindi naman kita iniwan eh"

Nagulat ako dahil bigla syang sumagot kaya napaupo ako agad at umiwas ng tingin.

"T-teka kanina ka pa dito?"

"Nope. Actually kakadating ko lang din, sakto pa nga kasi tinawag mo yung name ko hehe" sabi nya sakin habang naka ngiti kaya napa iwas na naman ako ng tingin.

Tsk kahit sino atang babae ay maiinlab kapag nakita yang ganyang ngiti nya eh.

"Ah. Bat ka nandito?"

"Hmm, namiss ko kasi to, ikaw? Bat ka nandito?"

"Nandito ako kasi namiss kita eh. Miss na miss kita. Alam kong iiwasan moko kaya dito ako nag punta hehe" sabi ko sa kanya at ngumiti kasabay non ang pag tulo ng aking luha.

"Rena look, I'm sorry"

"Bat ka nag sosorry? Haha okay lang yun baliw"

"Shhh. Rena errr. P-pano ko ba to sasabihin"

"Ang alin ba?"

"I-ikaw pa din yung g-gusto ko" nakayuko nyang sabi sakin. Hindi ako nag salita dahil nagulat ako sa sinabi nya.

"Ay hindi! Ikaw pa rin ang mahal ko Rena. Ikaw pa rin" kasabay non ang pag angat nya ng ulo at kitang kita ko don ang pagpatak ng kanyang luha.

"Jungkook ano kaba, wag na tayo mag lokohan. Tama na yung isang beses mo kong sinaktan, wag mo ng dagdagan k-kasi h-hindi kona kakayanin eh." Sabi ko at hindi kona napigilang humagulgol.

Nilapitan nya ko at niyakap nya ko ng mahigpit habang nakatayo. Sa sobrang higpit ng yakap nya ay nakulong ako sa kanyang katawan pati ang braso ko kaya hindi ako makagalaw. Iyak lang ako ng iyak.

"J-jungkook hindi porket mahal pa kita ay papaasahin mo na naman ako. A-ang sakit k-kasi Jungkook eh"

"Shhh Rena makinig ka"

"Para san pa? Tap--" hindi nya ko pinatapos sa pag sasalita at hinawakan nya ang dalawa kong balikat.

Napaka higpit ng hawak nya, napaka seryoso din ng mukha nya at kitang kita ko ang mga luha nya na malapit ng pumatak.

"Makinig ka muna okay? First of all hindi ko to ginusto. Kahit kailan ayaw na ayaw kitang saktan Rena! Pero wala akong choice eh. Kaya lahat ng mga ginawa at sinabi ko sayong masama ay planado. Hindi ko kayang may mangyaring masama sayo kaya nakipag deal ako okay!!?" Sigaw nya sakin kaya napa kunot naman ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nya.

The Nerd QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon