Chapter 26: Confess

35.7K 844 10
                                    

LEE'S POV

Naiinis ako sa sarili ko. Nabubwisit ako. Mali ba yung ginawa ko? Mali ba yung sinabi ko Kay Jimin na layuan nya ko? Fuck! Ayoko lang naman syang madamay sa problema ko eh. Nag aalala lang ako sa kanya at natatakot din ako kasi baka galawin sya ng mga kalaban ko. Tangina hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

Hindi ko alam pero this past few days kasi parang iba na yung pakiramdam ko sa kanya.

Look, hindi ko sya bf at hindi nya rin naman ako gf pero nag hahalikan kami. Gustong gusto kong hinahalikan ang labi nya at ganun din naman sya.

Every time na mahahawakan nya ko, parang nagaground ako. Every time na nakikita ko sya, hindi ko maiwasang hindi mag smile kahit palihim lang.
Every time na mag hahalikan kami at malapit kami sa isa't isa, parang may mga butterflies sa Tiyan ko, parang may mga kabayo sa dibdib ko.

Hindi ko alam kung Anong nangyayari sakin. In my whole life, never ko pa tong naramdaman. Ngayon lang, as in ngayon.

"Hays" I take a deep sigh. Hindi na rin ako pumasok, actually nasa condo ako ngayon at nag papahinga. Tinanggal kona rin yung disguise ko kaya Goddess na ulit ako.

Iiglip na lang muna ako dahil sumasakit lang ang ulo ko sa kakaisip. Letche sakit talaga sa ulo ang mga lalaki eh. Shit Park Jimin you're driving me crazy.

(Fast forward)

Nandito ako sa bar ngayon. Hindi naman kasi ako maka tulog sa condo, tsaka baka biglang sumulpot na naman si V.

Naka upo lang ako sa counter, actually hindi pa naman ako lasing kasi kakadating ko lang.

Habang iniinom ko ang wine ko, kinausap ako nung bartender. "Hi ma'am" bati nya sakin habang naka ngiti. Tsk, napa irap na lang ako. Pasalamat sya gwapo sya ha.

"Ma'am, bat ngayon lang po kayo nag bar?" He asked me. Hindi ko sya sinagot at binigyan ko lang sya ng matamis kong ngiti.

Pinaikot kona lang ang inuupuan ko at humarap sa mga taong nag paparty.

Nagulat naman ako sa nakita ko. Fuck bat sya nakikipag landian? Halos mabasag na ng kamay ko ang wineglass na hawak ko dahil sa sobrang inis. Kumukulo na rin ang dugo ko sa nakikita ko.

Nakikipag halikan lang naman kasi si Jimin sa ibang babae, at ang masama pa ay nakita na nya ko pero nginisian nya lang ako at pinag patuloy ang pakikipag halikan nya.

Naka ramdam naman ako ng inis dahil don. Halos nananakit din ang dibdib ko.

Hindi kona kinaya ang nakikita ko kaya humarap ulit ako sa bartender at nilaklak ang wine ko.

Naka ilang inom na rin naman ako kaya medyo ramdam ko na ang pagka lasing ko.

Tutal lasing naman si Jimin edi mag lalasing na lang din ako at makikipag halikan sa iba.

Agad akong pumunta sa dance floor at sumayaw doon. Medyo hyper na rin ako dahil sa alak na nainom ko.

Habang sumasayaw ako nararamdaman kong may mga lalaking naka palibot sakin at sumasayaw din. Tsk, napa ngisi na lang ako.

Hinila ko ang isang lalaki at sinayaw ko sya. Ipinatong ko ang mga kamay ko sa balikat nya at sya naman ay nilagay ang kamay nya sa bewang ko.

Hindi na masama dahil gwapo sya at mukhang cool kid.

Naka ngiti lang ako sa kanya habang nag sasayaw kami at ganun din sya.

Mas nagiging maingay ang bar dahil sa beat ng sound. Ugh, ang ganda ng music.

Hindi kona pinigilan ang sarili ko at hinila sya palapit sakin at hinalikan sya. I kissed him torridly.

Idiniin nya ang bewang ko papalapit sa kanya. "Hmm" nag moan sya kaya napa ngiti naman ako habang patuloy ang pag hahalikan naming dalawa.

Tsk, mukhang nag eenjoy sya sa kasarapang binibigay ko huh.

Pero nagulat ako dahil bigla syang bumagsak sa lupa at may dugo din sa mukha nya.

Napa tingin ako sa sumuntok sa kanya at nakita ko ang maitim na aura na bumabalot Kay Jimin.

Ang sama ng tingin nya dun sa lalaking kahalikan ko. Habang ako naman ay naging blangko na lang ang emosyon. Ibinaling nya ang tingin nya sakin at halos kainin nako ng mga mata nyang singkit.

Bigla nya kong hinila palabas ng bar. Hindi na rin naman ako pumalag kasi Wala nako sa mood. Sinira na nya.

Tumigil kami sa labas ng bar at nanatili ang katahimikang bumabalot sa amin.

Hindi ako nakokonsensya dahil sa ginawa ko kasi dati ko nang gawain yon. Duh, I am certified bitch.

Bigla syang nag salita at tumingin sakin. "Bat kaba nakikipag halikan don ha!" Sigaw nya sakin, mukhang lasing na lasing na rin sya.

Hindi ako umimik at tinitigan ko lang sya. Hindi ko alam pero parang nasasaktan ako. Bat ba ganito? Tangina naman eh.

Nagulat ako dahil bigla syang umiyak. Naka titig lang ang mga mata nya sa mga mata ko habang patuloy na dumadaloy ang luha sa mga mata nya. Kitang kita ko na nasasaktan sya. Fuck, nung sya nga yung nakikipag halikan sa iba hindi ako nagalit eh. Tas sya magagalit.

Bigla nya kong niyakap ng mahigpit at nag salita. "Sharlene, sorry" sabi nya habang umiiyak.

"Sharlene, sorry kung may nagawa man akong masama sayo. Sorry kung galit ka sakin. Sorry kung ano man ang kasalanan ko. Sorry kung nakipag halikan ako sa iba. I'm so sorry, pero Sharlene please wag naman ganito. Wag Mo naman akong palayuin sayo. Please" sabi nya sakin habang umiiyak.

Nanatili lang akong tahimik dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

Sobrang sakit talaga ng dibdib ko. Siguro nasasaktan ako sa mga nangyayari.

Hindi ko namalayang niyakap ko na rin sya ng mahigpit at sinubsob ko ang ulo ko sa dibdib nya.

"I love you" sabi nya habang magka yakap kami.

Nagulat ako sa sinabi nya at nag aalangan. Fuck. Hindi nya ko pwedeng mahalin. Mapapahamak lang sya.

"Hindi ko alam kung kelan at kung paano Sharlene, basta ang alam ko Mahal kita at ayokong may kalandian kang iba bukod sakin. Ayokong maulit yung nangyari kanina Sharlene" he said calmly. Hindi na rin sya umiiyak.

Lasing lang sya, kaya baka hindi nya alam ang sinasabi nya. Tama. Hindi nya alam ang sinasabi at ginagawa nya dahil lasing sya.

Iniangat ko lang ang mukha ko at hinalikan ko ang labi nya. It was a passionate kiss.

Nag hahalikan lang kami habang magkayakap at narinig ko rin ang moan nya. Gustong gusto ko ang labi nya unlike sa lalaki kanina.

Tapos bigla na naman ako naka ramdam ng saya at malakas na heartbeat Jusko.

Itinigil na namin ang paghahalikan namin at nag hahabol ng hininga.

Ngumiti lang ako sa kanya at ganun din naman sya. "Let's go" sabi ko sa kanya at hinila ang kamay nya.

Doon na kami sumakay sa Ferrari nya tutal Hindi ko naman dala ang car ko. Ako na rin ang nag drive dahil lasing na sya. Halos naka tulog na nga sya eh.

Sa condo ko na lang din muna sya dadalhin, hindi ko kasi alam kung saan ang condo nya.

The Nerd QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon