Chapter 38: Defeated

34.8K 827 18
                                    

LEE'S POV

After class hindi ko na hinintay sila Rena at Jelay, pero sinigurado ko namang naka uwi sila ng maayos kasi dumating yung driver ni Rena.

Anyway nandito ako ngayon sa restroom at nag aayos, tsaka nag reready na rin ako kasi alam kong may mangyayari mamaya.

8:47 pm na kaya madilim na. In fairness bagay na bagay ang kadilimang ito para sa magaganap mamaya.

Pag tapos kong mag ready, lumabas nako ng cr at dumiretso sa parking lot.

Agad kong pinaharurot ang sasakyan ko at hindi ako dumiretso sa bahay namin ni dad.

Actually sa forest ako nag punta, hindi ko alam kung saan banda to pero naka GPS naman ako kaya okay lang.

Hininto ko ang Ferrari ko sa loob mismo ng forest. Lumabas ako at nilanghap ang hangin. Tanging ilaw lang ng kotse ko ang nag bibigay liwanag sa loob, pero maya maya napansin kong padami na ng padami yung mga ilaw sa paligid ko, tsaka naka rinig din ako ng ingay o kaluskos ng mga kotse.

Napangisi lang ako at sumandal sa pinto ng kotse ko. Ipinikit kona lang din ang mga mata ko at pinakiramdaman ko ang paligid ko.

Hanggang sa naka ramdam ako ng mga maliliwanag na ilaw na naka tapat sakin.

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at tama naman ang hinala ko.

May apat na kotse na naka palibot sakin. Tapos may mga lalaking bumaba sa kotse at may dala dala silang mga armas like guns at kung anu-ano pa.

Tapos may humabol pa na isang kotse kaya lima na ang nandito.

Bumaba si Zalora at yung mga alipores nya sa panghuling kotse na dumating.

Mafia boss talaga sya, tsk ang dami nya pang resbak huh. Anyway, wala naman akong pake kung ilan silang lahat na papatayin ako. Hindi naman kasi ako natatakot although hindi ko din alam kung pano ko sila iisa isahin.

Look, ang dami nilang armas samantalang dalawang pistol lang yung dala ko dito. Tsaka mga balisong.

Lumapit sakin si Zalora at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Talagang dito mo pa kami dinala huh" mayabang na sabi nya sakin pero hindi ako umimik.

Habang nasa byahe kasi ako kanina, napansin ko na may sumusunod sakin kaya nga hind ako dumiretso dun sa bahay namin ni dad.

"Tsk! Oh ano? Sumagot ka! Matapang ka naman diba?" Dagdag nya pa.

"Or baka naman natatakot kana kasi napaka dami namin samantalang nag iisa ka lang? Ganun ba ha?" Sabat naman ng alipores nya. Pero hindi pa rin ako umiimik.

"Okay fine, edi tapusin na natin to" sabi ni Zalora at sinenyasan ang mga tauhan nya.

Kung tutuusin mahigit 9 na lalaki ang nandito ngayon at yung 3 nyang alipores.

"Oh wait, mas exciting ata kung isa-isa kaming lalaban. Diba? Tutal wala ka namang armas eh, or kaya pahihiramin kita para may thrill naman yung laban natin" sabi ng isa nyang alipores.

Pero tahimik pa rin ako at hindi nag sasalita, tinitignan ko lang sila.

"Mauna kayo Brandon" sabi ni Zalora sa tauhan nya at nakita kong nag ready na yung Brandon na sinasabi nya. Kasama nya pa ang ibang kalalakihan.

Lumapit sakin si Brandon at inambahan ako ng isang malakas na suntok. Pero mabilis ko din naman syang nailagan.

Hanggang sa sunod sunod na silang sumugod sakin. Lima silang sumugod sakin at pinaulanan ako ng malalakas na suntok at sipa.

The Nerd QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon