Chapter 31: Sundate (2)

31.6K 813 10
                                    

JIMIN'S POV

Pagka baba namin sa putang inang rides na yon. Halos hindi ako makapag lakad ng maayos. Grabe nanginginig ang mga tuhod ko.

Eto naman si Lee mukhang kalmado lang pero deep in side natakot din yan kanina. Haha ang ganda nya pa rin nga kahit liparin na yung hibla ng buhok nya. Napa cool talaga ng babaeng to.

Habang naglalakad kami at nag hahanap ng susunod na rides, napansin kong maraming lalaki ang napapa tingin sa kanya.

Napaka ganda kasi nito ni Sharlene eh, tsaka agaw pansin din ang red hair nya.

Nainis naman ako kaya agad ko syang inakbayan at hinalikan sa pisngi. Hindi naman sya nagulat at inilingkis din nya ang kamay nya sa bewang ko.

Shit. Kahit lalaki ako, hindi ko mapigilang hindi kiligin.

"Don't mind them" bulong nya sakin. So ibig sabihin napapansin din pala nya yun. Haha kakaiba talaga sya.

(Fast forward)

Marami na kaming nasakyan na rides ni Lee. In fact halos lahat nga nasakyan namin.

Sinakyan namin yung Jungle Log Jam. Halos basang basa nga kami dun. Tapos nag patuyo kami gamit Yung rides na Flying Fiesta. Para syang duyan pero malakas ang impact. Sinakyan din namin yung Grand Carousel.
Tas sumakay din kami sa Bump N' Splash kaya nabasa ulit kami. Sinakyan din namin yung Space Shuttle, grabe halos naiwan nga ata kaluluwa namin dun.

Sinakyan din namin yung Air Race, Akala ko nga pang bata yun. Hindi pala. Tsaka yung Roller Skater grabe.

Nag EKstreme Tower din kami, at sobrang ganda talaga ng view lalo na pag nasa taas ka sabay biglang baba.

Sumakay din kami sa Swan Lake tsaka sa Up,Up and Away.

Tapos sinakyan din namin yung Rio Grande Rapids, medyo natagalan pa nga ang pag pila namin dun kasi mahaba ang pila. Halos basang basa nga si Lee kaya tawa ako ng tawa. Pero natuyo din naman sya kasi nag Magic Dryer sya.

Naka upo na lang kami ngayon sa bench. Nakaka tuwa nga kasi hanggang ngayon naka ngiti pa rin si Lee.

Hays, thank you kay Jungkook. Haha sya kasi nag suggest na dito ko dalhin si Lee. Actually tinanong ko lang naman sya kung saan ba magandang maki pag date pero hindi ko sinabing si Lee ang kasama ko.

Habang naka upo si Lee. Hindi ko maiwasang hindi sya picturan. Halos Ang dami na nga nyang stolen shots sa phone ko. Pero okay lang, kahit saang anggulo napaka ganda nya. She is totally goddess.

"Baka matunaw ako" biglang salita nya. Kaya napa iwas naman ako ng tingin.

"Nagugutom kana ba?" Pag iiba ko ng usapan.

"Nope" tipid nyang sagot sakin.

Napansin kong biglang lumungkot ang mukha nya kaya tinignan ko rin ang tinitignan nya.

Family yung tinitignan nya. Masayang pamilya. Pero teka, bat sya nalulungkot? May family din naman sya ah. Tsaka sa tingin ko mukhang masaya naman sila, pero bat ganun ang reaksyon nya?

"Are you okay?" Tanong ko sa kanya habang hinihimas ko ang likod nya.

Agad naman nyang iniwas ang tingin nya sa pamilyang tinitignan nya kanina.

"Yup. Hmm medyo nagugutom na ako" pag iiba nya ng usapan. Hays, ngayon ko lang napag tanto na marami pa pala akong hindi alam tungkol sa kanya.

"Let's go" hinila ko ang kamay nya at dinala sya sa Bandstand Food court yun lang kasi yung available na kainan sa loob ng EK eh.

Grabe ang takaw nya, kahit hindi pang mayaman ang pagkain dito, Wala syang kaarte arte. Kinakain nya talaga lahat.

Actually okay naman ang mga pagkain dito. Mukhang safe naman tsaka malinis.

(Fast forward)

Pagtapos namin kumain agad ko syang hinila sa last destination namin. Umaayaw pa nga sya kasi pagod na raw sya.

Actually hapon pa lang naman. Eto talaga yung pinang huli ko kasi sa lahat ng rides eto yung napaka romantic atsaka bagay to samin.

Sumakay na kami ngayon sa Wheel Of Fate. Habang tumataas ito, unti unti naming nakikita Ang kabuuan ng EK at sobrang ganda talaga. Lalo na ang view.

Tumingin ako kay Sharlene at nakita kong naka ngiti sya habang pinag mamasdan ang paligid.

Hindi ko maiwasang hindi mapa ngiti kapag nakikita kong masaya sya.

Malapit na kami sa tuktok kaya hinawakan ko ang mga kamay nya. Agad naman syang napa tingin sakin.

Tinitigan ko sya at ganun din naman ang ginawa nya.

"Sharlene nagustuhan mo ba?" Tanong ko.

"Oo naman"   

"Sharlene, alam kong hindi ako yung lalaking gusto mo. Kasi marami kang kaagaw sakin eh. Haha" sabi ko at agad naman nyang hinampas ang braso ko.

"Napaka landi mo talaga" sabi naman nya kaya napatawa naman ako.

"Sayo lang naman ako lumalandi ng ganito eh" pacute kong sagot sa kanya.

"Duh! Don't me"   

"pero Sharlene, seryoso ako. Hindi ako ordinaryong tao katulad mo, Kasi kahit saan pwede akong pagka guluhan lalo na pag may naka kilala sakin. Isa akong K-pop at marami akong fans. Pero alam mo, handa ko naman isacrifice lahat ng yun para sayo eh. Gusto kitang mas makilala pa" I said seriously. Naka titig lang din sya sa mga mata ko.

"Jimin, hindi kasi ganun kadali ang lahat. Kung iniisip mo na simple lang ako pwes nag kakamali ka. Kung iniisip mo na kaya ako nag didisguise kasi ayokong may nakaka kita ng itsura ko pwes nagkaka mali ka. Jimin hindi ordinaryo ang buhay ko, ang pagka tao ko. May mga dahilan ako kaya ko ginagawa ang mga bagay nato. At ayaw kitang madamay sa problemang dinadala ko." Sabi nya sakin. Napaka seryoso ng mga tingin nya.

"Lee I know, ka----"   

"No Jimin. Hindi mo alam" biglang singit nya sa pagsasalita ko.

This time naka yuko na sya. Kaya dahan dahan kong iniangat ang ulo nya. Habang hawak ko ang baba nya.

Tinitigan ko sya sa mata.

"Sharlene, Mahal kita. Handa akong mag hirap at mag sakripisyo para sayo. Wala akong pake kung sino kaba talaga. Kung ano ba ang problema mo. Basta nandito lang lagi ako para sayo Sharlene. Mahal kita at tatanggapin kita ng buong buo. Pangako, iintayin ko yung tamang panahon na mag oopen up ka sakin at sasabihin mo ang totoo. Mag iinatay ako Sharlene kahit sobrang tagal." Sabi ko sa kanya at hinalikan sya. It was a romantic kiss. Hindi naman hard ang halik ko. Actually saktong sakto pa nga kasi kami na yung nasa tuktok.

Maya maya ay humiwalay na rin sya at nginitian ako.

"Thank you" she said while smiling.

Napa ngiti na lang din ako at niyakap sya ng mahigpit. Tas niyakap nya rin ako ng mahigpit.

Hays ang sarap sa pakiramdam. Sana ganito na lang lagi.

Pagka baba namin. Umuwi na rin kami agad. Gusto ko nga sana syang ihatid sa bahay nila para makita at makilala ang parents nya pero ayaw nya. Kaya sa park kona lang ulit sya iniwan. Actually ayokong iwan sya dun kasi gabi na at delikado pa kasi babae sya pero nag matigas sya. Nagtalo pa nga kami, pero sa huli pumayag na rin ako kasi sabi nya on the way na raw yung driver nya kaya nauna nako. Tinawagan din kasi ako ni Rapmon, may important meeting daw ang BangTan kaya umalis nako.

The Nerd QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon