Epilogue

36.2K 832 32
                                    

LEE'S POV

Habang tumatagal ay mas nakaka ramdam ako ng kakaibang kaba.

Inikot ko ang mga mata ko sa buong arena, at dito ko napansin na parang may mali talaga eh.

Napansin kong ang ibang mga manonood ay patuloy lang sa pag wawagayway ng mga army bomb nila. Samantalang ang iba naman ay nag cecellphone lang. Pero meron din akong nakita na nagpapanic.

Nakatingin ako sa likod at habang nagmamanman ako ay may naka agaw ng atensyon ko.

Itinutok ko lang sa kanya ang paningin ko, at nung maaninag ko sya ay agad kong kinalabit sila Rena at Angela.

Pero pagkaharap ko sa kanila ay nakaramdam ako ng kaba at pagpapanic. Bigla kasi silang nawala sa tabi ko. Hindi ko din alam kung nasan sila.

Napatingin ako sa paligid ko at doon ko lang napansin na ako na lang pala ang mag isang naka upo dito sa VIP.

Halos nawala din ang mga tao sa paligid ko. At ang nakakapag taka ay ako lang ang nasa VIP pero may mga tao pa rin na tuloy-tuloy lang sa mga ginagawa nila.

Kinuha ko ang phone ko para tawagan sila Rena pero nakapatay naman ang phone nila kaya hindi ko sila macontact.

Shit nasan naba sila. Kaya ayokong pumupunta sa mga ganito eh. Lagi na lang may problema bwisit.

Tumayo nako at akmang lalabas ng arena ng biglang umilaw ang nag iisang spotlight at naka tutok pa sakin.

Nagulat ako, as in nagulat kasi lahat ng atensyon ay nasa sakin. Naiwan akong naka tayo dito at mukhang tanga kasi kinakabahan talaga ako eh. Ibang kaba na yung nararamdaman ko kumpara kanina.

"What the hell is this?" Bulong ko sa sarili ko.

Inilibot ko ang mata ko at mas nagulat pa ko dahil lahat sila ay naka tingin at naka ngiti sakin.

Anyway mukha talaga akong tanga dito eh. Pano kasi napapanganga nako dahil hindi ko talaga alam ang nangyayari.

Mukhang hindi ako updated sa mga nangyayari ah. Parang lahat kasi ng tao dito ay nagkakaisa dahil sa pinaplano nila.

At ang problema ay hindi ko alam kung ano ba talaga yung pinaplano nila at yung gusto nilang mangyari.

Napayuko na lang ako at iniyukom ang kamao ko. Shit talaga, hindi naman ako ang may show kaya bakit naka tapat sakin yung spotlight nato? Ang daming tao dito tapos sakin pa talaga napiling itapat letche.

Nag simula na kong maglakad pero sinusundan ng spotlight ang bawat hakbang ko kaya napag desisyunan kong huminto at galit na humarap sa stage pero nagulat ako sa nakita ko. Hindi ko to inaasahan.

May isa pang spotlight na nakatutok sa stage at maya maya ay may isang lalaki ang lumabas at may hawak na mic. Naka formal attire na sya, at mas lalo pa syang naging gwapong tignan dahil sa lakas ng dating nya.

Napako ang tingin ko sa kanya at kasabay non ang pag tugtog ng isang kanta.

*Versace On The Floor*

Let's take our time tonight, girl
Above us all the stars are watchin'
There's no place I'd rather be in this world
Your eyes are where I'm lost in
Underneath the chandelier
We're dancin' all alone
There's no reason to hide
What we're feelin' inside
Right now

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa nangyayari sa harapan ko ngayon.

Shit. Jimin ano na naman ba to? Hindi ko maialis ang paningin ko sa kanya habang kinakanta nya yung versace on the floor at seryosong naka tingin sakin.

The Nerd QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon