Chapter 37: Zalora vs. Lee

32.1K 811 9
                                    

LEE'S POV

Nasa school ako ngayon, at lutang na lutang ako dahil napaka boring dito.

Yung teacher kasi namin walang ginawa kundi mag pasulat, nakaka irita. Tas hindi pa sya umaattend samin, lagi lang syang nag iiwan ng notes.

Tapos wala pa sila Jimin dito. Busy kasi sila. Isa pa yon, puro practice ang inaatupag. Hindi nako pinapansin nakaka inis.

Habang naka tunganga ako sa labas ng bintana, bigla akong nagising sa katotohanan dahil sa burger na tumama sa mukha ko.

Agad akong napa lingon sa taong gumawa non, at nandilim ang paningin ko.

Napaka papansin talaga nito ni Zalora eh. Tsk, ang yabang nya pa kasi kasama nya yung mga alipores nya. Duh, mafia boss pala huh.

Nilapitan nya ko at pinalibutan din ako ng mga alipores nya. Kinalampag nya pa yung table ko.

Halos lahat ng attention ng mga classmate namin ay nasa samin na. Bwisit, lagi na lang bang ganito?

Yung iba natatakot para sakin, samantalang yung mga boys naman ay naiinis na kay Zalora dahil sa ginawa nya.

"Zalora tumigil kana nga!" Sigaw ni Rena kay Zalora kaya agad namang naibaling ni Zalora ang tingin nya kay Rena.

Tahimik lang akong nakikinig sa pag aaway nila, na para bang wala akong pake sa nangyayari.

"Sino ka para utusan ako huh?" Sabi ni Zalora at nilapitan si Rena. Nakita ko pa ngang napa lunok si Rena.

"Kilala mo ba kami?" Maangas na tanong ng isang alipores niya. Samantha ata yung name nun. Anyway, I don't fucking care about it.

"Oh ano? Sumagot ka! Mukhang matapang ka naman eh" dagdag ni Zalora.

Si Rena naman ay namumutla na, habang si Angela ay tahimik lang sa tabi nya.

Palaban si Rena pero syempre Mafia Boss kasi si Zalora, tsaka hindi sya yung tipo ng tao na nag hahanap ng away tulad ko. Or kaya yung pumapatol, kasi tahimik lang sya.

Itutulak na sana ni Zalora si Rena nang bigla akong tumayo at sinipa ko ng malakas ang bakanteng upuan sa harap ko.

Agad na tumalsik yung upuan sa lamesa ng teacher namin sa sobrang lakas ng sipa ko. Halos lahat sila ay napa tingin sakin.

Tsk, tangina resbak agad? Pang 2 days ko pa nga lang na nagbabait-baitan eh. Putek malalagot ako nito kay daddy.

Lumapit ako kay Rena at hinila sya palayo kay Zalora. Nginisian naman ako ni Zalora. Kaya nginisian ko din sya.

"Oh san mo dadalhin yang aso mo huh? Bat ba ang tapang mo? Ano bang pinag mamalaki mo?" Sabi sakin ni Zalora at hinila ako.

Ang sakit ng pagkaka hawak nya sa kamay ko at ramdam kona rin ang matutulis nyang kuko na bumaon na sa balat ko.

Dahil sa sobrang inis ko sa kanya, inikot ko ang braso nya at binaon ko rin ang mga kuko ko sa balat nya.

"O-ouch" daing nya dahil mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkaka ikot ng braso nya.

"Tsk, wag na wag mong idadamay ang kaibigan ko sa mga kagaguhan mo" bulong ko sa kanya.

"What the fuck! Let me go!" Sigaw nya.

"How poor" pang aasar ko sa kanya. Sinusubukan nya pang alisin ang pagkaka ikot ng braso nya, kaya mas lalo ko pang hinigpitan.
In fairness malakas sya.

Susuntukin na sana ako ng isa nyang alipores nang bigla kong nilagay ang mukha ni Zalora sa harapan ko kaya si Zalora yung nasuntok nya.

Malakas siguro sumuntok yung alipores nya kasi dumugo agad ang labi ni Zalora at napa luhod pa sya.

"Fuck you Sam!" Sigaw niya dun sa alipores nya. Napalunok naman ang alipores nya at nag aalala syang tinignan. Tsk, napaka tanga kasi.

"S-sorry" nauutal na sagot nya.

"Arrgghh shut up" sigaw naman ni Zalora kaya napangisi na lang ako at kinaladkad sya.

Tinulak ko sya ng malakas dun sa upuang sinipa ko kanina at agad naman syang sumalampak.

Pero tumayo din sya agad. Tas pag tayo nya puro dugo na ang legs nya at mukha nya dahil sa lakas ng impact.

Habang tinititigan ko sya, binigyan nya ko ng matalim nyang tingin pero sinuklian ko lang sya ng matamis kong ngiti.

"Tsk, try me Zalora" sabi ko at naglakad na palabas ng room. Kasabay naman non ang pag ring ng bell.

Sumunod din sakin sila Rena. Actually dapat nga ay papatulan pa ko nung Samantha pero pinigil sya nung isa pang alipores.

Habang nag lalakad kami sa Hallway, pinag titinginan pa ako kasi may burger sa mukha ko tsaka baka kumalat na rin yung nagyari kanina.

"We're not yet done Sharlene. Humanda ka sakin" pahabol sakin ni Zalora pero dirediretso lang ako sa paglalakad at hindi pinansin ang sinabi nya.

Inaasahan ko na ang masamang mangyayari dahil sa gulong pinasok ko. Pero pake ko ba? Tsk, wala naman akong kinatatakutan.

The Nerd QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon