Chapter 1:"The Beginning"

5K 70 5
                                    

Naguumagahan si Vice at ang team nito.Ganito naman talaga sila parang pamilya. They treat Vice as their hero dahil kung wala ito wala na rin sila siguro sila sa mundong to.

"meme,hindi ka ba naiinip dito sa house, uwi na tayo sa Pinas,4 years na naman ang nakalipas simula non, halos nalibot na namin tong buong Newyork,..sawang sawa na kaya kami dito.." tanong ni Buern sakanya.

Tumigil naman si Vice sa pagkain at ilang segundong napaisip...Siguro panahon na para kalimutan ang nangyari,4 na taon na ang nakalipas simula ng ikasal si Karylle...Halos madurog ang puso nya,hindi...buong katawan nya na ata...ang makita ang babaeng mahal niya na ikinakasal sa iba... Na sana siya ang groom kung hindi lang siya naduwag...na sana hindi iba ang kasama ni K kung pinaglaban niya lang ito...pero mas pinili niya ang magpakaduwag kaysa ipaglaban ito na hindi niya naman sigurado kung siya ang mananalo...

"meme?" tanong ni Archie kay Vice,na nagbabalik naman sa wisyo nito.Halos paulit ulit na lang ganito ang tanong nila kay Vice.Twice a week sila nagtatanong kung may plano na ba tong umuwi,pero lagi naman tong nag iiba ng topic.

"kumusta si Nanay sa Pilipinas?" balik naman na tanong nito sabay tunga sa tubig sa kanyang baso, na nagpabagsak naman sa balikat ng tatlo.

"sabi na nga ba..."-bulong ng isip ni Archie.Na tinutukoy ang pag iiba ng topic ni Vice.

"ok naman daw, pero kadalasan kang hinahanap ng Mudra mo... wala kabang balak umuwi... 4 na taon ka na dito...minsanan lang lumalabas...at pag umuwi lasing at... omeged... may dalang merlat...pero ok lang sa wakas bumalik na si JM..." sagot ni Aaron at sinabi pa nito ang tungkol sa kalokohan niya.

Ngumiti ng nakakaloko si Vice sa sinabi ni Aaron sabay tayo sa hapagkainan at umakyat sa hagdan papunta sa kwarto niya.

"e-ready nyo passport natin, samakalawa, uuwi na tayo.."

Pahabol pa nito na nagpalunok ng madiin sa kinakain ni Buern at nganga sa dalawa..

"oh my gosh!!!" sigaw ni Buern sabay tayo karakaraka at naglalakad papunta sa labas at dahil sa kamamadali niya eh...tumama yung paa niya sa paa ng lamesa...

"anong nangyari sayo?!" tanong ni Aaron sa kanya dahil sa pagsigaw.

"hindi mo ba narinig,e ready yung passport...matutuwa ang Little Ponies!!!babalik na tayo sa Pinas!!!" hysterical na sabi nito.

"ano pang hinihintay nyo...tara na nga!!!" segunda naman ni Archie.

Tumakas na ang tatlo para ihanda ang sinasabi ni Vice at sa sobrang pagmamadali ay di na nila napansin ang naiwan nilang pagkain.

*---*---*---*

Dumalaw naman sina Anne,Vhong,and Billy sa bahay nina Karylle upang dalawin ang inaanak nilang si Kiel ang mag-aapat na taong gulang anak ni Karylle...

Nasa garden ang mag ninong habang sina Anne at Karylle naman ay nasa sala.

"malapit na birthday ni Kiel...mag-aapat na taon na siya... Pero hanggang ngayon hindi pa rin natin alam kung nasaan na si ----" hindi natapos ni Anne ang sasabihin dahil nagsalita si K.

"he will come back Anne..."

"sana nga K.. kung sabagay kanya naman yan ---"

"if he truly loves me Anne, he will come back, pag mahal ka,babalikan ka." putol na naman ni K sa kaibigan. Sana nga ay tama siya na babalikan siya ng lalaking inaakala niyang hanggang ngayon ay mahal pa rin siya. Napabuntong hininga naman si Karylle sa naisip.

"mommy!! Ninong Vhong said,daddy is pogi,?...is that the reason why im pogi too...?" tinis na tanong ni Kiel kay Karylle na tumatakbo galing sa garden kung saan sila naglaro ng dalawa niyang ninong.

Pinanlisikan naman ng mata ni Karylle ang dalawa na sumusunod sa bata..

"yup...kaya ka nga pogi diba.." sakay naman ni Karylle habang nakatingin pa rin sa kina Vhong at Billy...

"when can I see him? "

"hindi ko alam baby...hindi kasi niya sinabi eh...gusto niya kasi surprise.." pagsisinungaling niya,na nagpalabi naman sa bata..

"dont worry baby...sama ka sa amin ni ninong Vhong mo sa airport...may susunduin tayo." Billy said sabay karga sa bata at ginulo ang buhok nito...

"and who?" kunot noong tanong ni Karylle kay Billy...

"basta baby sama ka...kaming bahala sayo..." sabi ni Vhong na may nakakalokong ngiti at hindi pinansin ang tanong ni Karylle...

She just rolled her eyes at pumunta sa Kitchen para tulungan si Anne sa pagdala ng merienda nila.

Umupo naman ang dalawa sa sofa at kinandong ni Vhong si Kiel...

"yehey!!I'll see airplane!!" excited na sabi nito at nag papalakpak pa.

"exactly pogi.." saad naman ng Ninong Vhong niya.

"and we will also see tito pogi there.." may halong ibang kahulugan na sabi ni! Billy sabay kindat.

"who's tito pogi..?" kunot noong tanong nito.

Ngumiti naman ng nakakaloko si Billy at Vhong na nagpakunot sa noo ni Karylle at Anne na kagagaling lang sa kusina.

~To be continued ~

How I Wish (VK Fanfic) [COMPLETED]Where stories live. Discover now