Chapter 2:"Eto na Sya"

2.6K 54 2
                                    


Kinabukasan dumating na sa airport si Vice at ang team nito,si Vice na si Viceral na talaga ngayon,wearing black V-neck shirt,black skinny jeans at ang aviator shades niya.

Sina Vhong at Billy naman ay nasa airport din at may hinihintay kasama si Kiel...yun ay si....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
VICE mismo...

Ng makita ni Vhong at Billy si Vice kasama ang team Vice ay dali dali nila itong nilapitan habang hawak ni Billy si Kiel sa kaliwang kamay.

"oh my goodness,brad! Ikaw ba talaga yan.?" salubong ni Vhong sa mala Robin Padilla na boses.Natawa naman si Vice sa biro ng kaibigan at napailing na lamang.

"ala eh...sino ang Bagets na ire..?" tanong naman ni Buern sa mala batanggenyong tono na itinuon ang pansin sa bata,si Kiel na yumayakap sa binti ni Billy na halatang nahihiya.

"ang cute namang bata nito... anak mo to Billy?" si Archie sabay pingot sa pisngi ni Kiel.

"nope...." natatawang sagot ni Billy sakanya.

Lalo namang sumiksik si Kiel sa binti ni Billy at ibinaon ang mukha dito...

"owh...come on baby...don't be shy...were not bad..." Sabay ngiti sa bata ni Vice na nagpangiti rin dito...Dumuko naman ng konti si Vice para ka-level niya ang bata.

"kasi po..."

Hindi matuloy tuloy ni Kiel ang sasabihin dahil mukhang nahihiya talaga ito...

"because..?come on...what's your name..?" tanong na lamang ni Vice sa bata,para maibsan ito.

"because your too POGI...and im Kiel..." saad nito at pagkatapos ay isiniksik muli nito ang mukha sa binti ni Billy...

"ay...saktrue... hindi nagsisinungaling ang bata...ang pogi mo naman talaga Vice..walang echos..." dagdag din naman ni Aaron sa sinabi ni Kiel.Napangiti at napailing na lamang si Vice...

"ok lang ba..?" tanong ni Vice kay Kiel kung pwede nya ba itong buhatin...

Agad namang nagpabuhat ang bata...

"oops...im tito Vice..wag kang mahiya,pogi ka rin naman eh..." sabi nya sa bata at ginulo ang buhok nito...Napangiti naman si Kiel at mukhang gumaan ang pakiramdam kay Vice...

"kaninong bagets to..?" baling nya kina Vhong at Billy...

"kay....kay K brad..." Vhong.

"at kay Yael!" karakarakang dugtong ni Billy...

Ngayon alam nya na kung bakit magaan ang pakiramdam nya sa bata nung una nya pa lamang itong makita...Anak ito ng babaeng minsan nyang minahal...hindi...dahil kahit ngayon mahal pa rin nya ata ito...si Karylle...ang babaeng mukhang habang buhay nya na atang mamahalin...

"ok ka lang Brad..?" tanong ni Vhong kay Vice sabay hawak sa balikat nito..

"ok lang...tara na.." sabi nito,at nauna ng naglakad sa kanila habang karga karga pa rin si Kiel...Umiling iling na sumunod ang mga kaibigan palabas ng airport...

~~~

Dumating na sa bahay si Vice at ang team nito,sina Vhong at Billy naman ay nagpatuloy sa ABS studio...Dahil may dance rehearsal daw ang mga ito...Isinama na rin nila ang bata..Dahil medyo nahihiya pa ang bata sa kanya..

May hinanda namang maliit na handaan sa mansiyon sa pagdating ni Vice galing Newyork..Mangiyak ngiyak niyang niyakap ang ina at halos ayaw na itong bitawan.

Ng gumabi  na ay dumating naman si Billy at Vhong,niyaya naman sya nito na uminom at para na rin makapag usap...Sa garden nila naisipan mag usap...

"brad,kumusta sa Newyork..?" tanong ni Vhong kay Vice sabay lagay ng alak sa baso nilang tatlo.

"ok lang..."

"anong ok..?,..dinig ko sa mga wakla hindi ka daw lumalabas....ay....correction...lumalabas ka minsan,pero yun nga lang pag umuwi...lasing na nga may dalang babae pa...anyare sayo...?" tanong nito kay Vice.Napailing lang naman si Vice at ngumiti ngunit may halong lungkot..

"alam na..." makahulugang saad ni Vhong sabay tingin at siko kay Billy at tinaas pa ang dalawang kilay.

"Brad,ano amhff..." nagdadalawang isip na sabi Ni Vhong.

"ano..?"

"ano kasi.."

Sabi nito na hindi matuloy tuloy ang sasabihin...

"ano nga..?"

Inis na tanong nito...

"ano kasi..."

"isang ano kasi mo pa...uupakan na talaga kita..." inis na turing nito...ininom muna ni Vhong ang alak na nasa baso nya bago nya sana ipagpatuloy ang sasabihin...

"wala na si Karylle at Yael.." diretsang sagot ni Billy sabay tunga sa alak na kabaliktaran naman ang kay Vhong na muntikan nitong maibuga ang iniinom..

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa tatlo, walang nagsalita...hinihintay lamang ng dalawa kung ano ba talaga ang magiging reaksyon ni Vice...hanggang sa...

"ok lang naman siguro siya...sige...akyat na ako sa kuwarto...natamaan na ata ako sa alak...may jetlag pa ako..." Sabi nito at walang ka emo emosyong Vice ang nang iwan sa kanila sa garden...Ang akala nila'y magiging masaya ito dahil magkakaroon na ito ng pagkakataon para mabawi si Karylle...Pero mali ata sila ng akala...Sila mismong kaibigan nito ay hindi mabasa kung ano ang ekspresyon na pinapakita nito...

"teka brad...ano ---" pahabol pa sana ni Vhong ngunit di na sya nilingon nito...

"wag na kuys...mukhang naman ata syang balak na makinig..." pigil ni Billy.

Umuwi na rin ang dalawa pagkatapos ng usapan na yun...

~To be continued~

How I Wish (VK Fanfic) [COMPLETED]Where stories live. Discover now