Chapter 32: "Remembering"

1.4K 40 3
                                    

Halos madurog ang puso ni Vice sa nakikita niya. He is beside Kiels' bed. Nakahiga rin habang may nakaturok na karayom sa kanyang braso.

He's donating blood to his own blood and flesh. Hindi man aminin ni Karylle sakanya, alam niyang siya ang ama ni Kiel.

Totoong nag hire sya ng agent para bantayan ang mag-ina noon ngunit hindi niya naman pinakialaman kung anong nangyayari sa loob ng bahay. Kung ano ang buhay nina Yael at Karylle bilang mag-asawa.

Unang kita niya pa lang sa bata, alam niyang ang kanyang ibang nararamdaman dito ay hindi lamang dahil sa ina nito ang mahal niya kundi dugo niya rin ang nanalaytay sa bata.

'Kaya ba naghiwalay si Yael at Karylle ay dahil dito?'

Napabuntong hininga siya dahil sa naisip. Napapikit siya dahil sa kanyang naalala.

FLASHBACK

Napahilamos si Vice sa sariling mga kamay dahil sa sitwasyon nila ngayon ni Karylle. Siya ang naghatid kay K sa condo nito dahil lahat ng showtime host ay lasing at may kanya kanyang driver naman para mag drive sa kanilang mga sasakyan. Naisipan kasi ng mga showtime host na uminom pagkatapos ng kanilang programa. Anniversary ng showtime ngayon kaya naisipan nilang magsaya pagkatapos.

"Jusko! Hindi kita keri Karylle. Ba't kaba kasi nagpakalasing." nandidiri niya kunong sabi dito habang sinusubukan niyang ilabas si Karylle sa kotse niya.

Iba na ang nararamdaman niya sa tuwing dadampi ang balat ni Karylle sakanya dahil yun sa naka-inom din siya at sa tagong nararamdaman niya kay Karylle na wala siyang balak aminin.

"Tinawagan ko na lang sana si Yael para siya maghahatid sayo dito..." nahihirapan niyang sabi habang naka akbay si Karylle sa kanya para di ito matumba sa elevator.

Pinindot niya na ang floor kung saan ang kwarto ni Karylle dahil kanina niya pa ito gustong ilayo sa katawan niya.

"Whaaoot? Ebebegay mow ko donn. Hendii ka ba na... natatakoout sa maaareng gawen saken non..."

Halos hindi niya na maintindihan ang sinasabi ni Karylle sakanya.

"Anong maaaring gawin sayo non? Fiance mo yun, hindi ba? Lasing ka na nga..." natatawa niyang sabi.

Bumukas naman yung elevator kaya lumabas na sila don at nagtungo na sa kwarto ni Karylle. Nahihirapan pa siyang buksan yung pinto pero kahit papano ay nakaraos din siya. Pagkapasok na pagkapasok dumiretso sila sa kwarto at inalalayan ni Vice si K na makahiga don.

"Teka! Pano to? Ang dumi dumi ng damit mo dahil sinukahan mo yan kanina. Teka...tatawag na lang ako ng--" akma sana siyang aalis ng hilahin siya ni Karylle kaya napaupo siya sa kama.

"Problema ba yun? Edi bihisan mo ko..." diretso na siya kung magsalita pero nakapikit pa rin.

"A-ano?" napalunok siya dahil sa sinabing yun ni Karylle.

"O di kaya hubaran mo na lang ako..."

Para namang natuod si Vice sa kinauupuan niya ng buksan ni Karylle ang mata niya at diretsong tumitig sakanya. Mapupungay ang mga matang nakatitig sakanya dahil sa tama ng alak nito.

"La-lasing ka na nga nagiging wild ka na eh...." kinakabahang sabi ni Vice.

Sinubukan namang bumangon ni Karylle para makaharap niya si Vice.

"Nahihilo nga ako pero nakikilala pa kita Vicey...And yes, I become wild pag naka inom and kung anong nararamdaman ko ginagawa ko..."

Without a flick, Karylle grabs Vice neck and kiss him. Hindi siya tumugon sa halik ni Karylle for about 7 seconds pero kalaunay nadala na rin siya. Karylle sit on his lap at don pinagpatuloy ang ginagawang paghalik kay Vice until he lay his back on the bed at nakapatong si Karylle sakanya.

How I Wish (VK Fanfic) [COMPLETED]Where stories live. Discover now