Chapter 29: "Invitation"

1.4K 39 7
                                    

"Vice?" tanong ni Mitch sakanya.

Nasa labas sila ng DR at kausap niya si Mitch.

Nanood ito ng showtime, isa si Mitch sa mga live audience kanina. Lumabas siya sa DR niya para sana hanapin ito at tanungin kung bakit to nasa showtime pero nakasalubong naman niya pagkalabas na pagkalabas niya dahil intensyon nitong kausapin siya. Alam niyang may balak na naman itong makakasama.

"What?" pigil inis na tanong niya.

"I miss you.." napakagat labi si Vice dahil sa sinabi ni Mitch dahil sa kaprangkahan nito mabuti nalang walang taong dumadaan doon kundi ay lagot na talaga siya at panibagong isyu na naman.

"Mitch diba napag usapan na natin to..."

Dalawang buwan na ang lumipas pagkatapos nung paglabas nilang dalawa at na kay Karylle na halos lahat ng atensyon niya. Sa PANLILIGAW niya rito. Sa tagal ng hindi nila pagkikita ang akala niya ay hindi na ito mangungulit pa.

"Gusto ko lang sana na bago ako umalis ay makakasama kita.."

Kumunot naman ang noo niya. Ano na naman kaya ang gusto nito.

Bumukas naman yung katabing DR. DR nina Anne,Karylle at Coreen. Lumabas don si K.

Halata namang nabigla ito sa nakita pero ngumiti siya.

"Hi." bati ni Mitch dito. Tumugon din naman si Karylle.

"I'm Mitch, Vice friend in states..." pagpapakilala nito.

"Karylle.."

"I know.."

Tumaas naman ang dalawang kilay ni Karylle na nakangiti parang di siya makapaniwala.

"Vice always talks about you pag nagkikita kami.."

Natawa naman si Karylle at bumaling kay Vice na nakakunot noo. Naguguluhan si Vice sa inaasta ni Mitch.

"Ano naman sinasabi nito sayo tungkol sakin.."

"All the things about you.." makahulugang sabi nito.

Natawa naman sila pareho maliban Kay Vice.

"Gusto ko sanang imbitahin si Vice sa party ko mamaya. I'm going home tomorrow.." nakangiting sabi nito. "And I want also that he'll bring you there..." parang nagpapaawa pa ito.

Tumingin pa kay Vice na may pagkadiin. Kinabahan si Vice alam niyang may ibig sabihin ang tingin na yun.

"Sure.." nakangiting sabi ni Karylle kahit medyo naguguluhan siya dahil ngayon niya lamang ito nakilala.

Kung napapanis lang ang laway sa hindi pag salita ng ilang minuto, tiyak na panis na ang laway ni Vice.

"Vice?" baling ni K dito..

"H-huh?" parang wala sa sariling sabi nito.

"Pupunta tayo diba? Uuwi na si Mitch ang isa sa mga close friend mo at despedida party niya mamaya.."

"Yeah.. We will come.." ngiting pilit niya.

Yun lang ang naging usapan nila at nagpaalam na si Mitch sa dalawa.

"I saw her kanina, isa siya sa mga audience natin. She's your friend bakit di mo siya binati..?." tanong ni Karylle pagkapasok nila sa DR ni Vice wala tao don dahil nasa DR ng mga babae dahil nag libre si Anne ng pizza kaya lahat nandon.

"Mahiyain siya, ayaw niyang nakikita siya sa TV.." pagsisinungaling ni Vice at naupo sa sofa don.

Sumunod din naman si Karylle sakanya.

How I Wish (VK Fanfic) [COMPLETED]Where stories live. Discover now