Chapter 19:"Knowing Anything"

1.7K 44 0
                                    

KARYLLE_POV

Nakakainis talaga si Vice kahit kailan, hindi naman mahirap ang hinihingi ko. Kaya sa sobrang pagkaka imbyerna ko sakanya, mabilis akong naka pag ligo para nga akong ewan sa loob ng banyo dahil kausap ko sarili ko.

Pagkalabas ko sa banyo nakita ko naman na may kausap siya sa cellphone niya. Tapos na akong magbihis sa banyo kaya sinuklay ko na lang ang buhok ko at lumabas na. Bahala nga siya dyan mag isa.

"good morning K...", masayang bati sakin ni Anne.

Pati yung ibang mga co-host namin bakas yung ngiti habang nakatingin sakin.

"ako ata pinag uusapan niyo eh...baka binabackstab niyo na ako niyan...", sabay labi kong sabi at naupo katabi si Billy.

"opo...binabackstchab ka nga po nila ate Kallylle..",-Ryan

"pero maganda naman yung mga sinasabi namin kaya wag kang mag alala...", panigurado ni Kuya Kim.

"ok kain na tayo...", cold kong sabi sa kanila..

Nagsimula na kaming kumain pero etong si Vhongskie isang kutsara pa nga lang naisubo nagsimula na naman ng chismis.

"bat parang di maganda gising mo K, ang akala pa naman namin ok na kayo...inaway ka ba ni Vice...", pansamantalang tumigil siya sa pag nguya ng pagkain at nakakunot noong tumingin sakin.

"what do you mean 'ok na kayo'...", naguguluhan kong tanong.

Nagkibit balikat naman si Vhong at nagpatuloy sa pagkain. Tatanungin ko pa sana si Vhong ng dumating ang nagpasama sa araw ko..

Kumain naman siya at nakipag usap pa sa mga co-host, di niya ako pinansin, asa naman ako na papansinin niya pagkatapos ng mga sinabi ko sakanya kanina.

Nasa place na kami kung saan gaganapin ang 12th anniversary ng its showtime. Nag rehearsal muna kami para sa gagawin naming prod mamaya.

Tinawag naman ni Direk ang pansin namin sa pamamagitan ng kunyaring pagpalakpak niya. Tumigil naman kami sa pag papractice at nakinig kay direk.

"trending ang #ShowtimeSaParis ngayon, we should do our best para mapasaya ang mga tao sa 12 anniversary natin...", pagpapaliwanag nito.

Tumango tango namin kami bilang pagsang ayon sa sinabi ni Direk ang iba namay nag opo pa.

"sige, ipagpatulog niyo na mga ginagawa niyo, but Vice,Billy at Vhong, gusto ko kayong makausap..."

Nag practice na kami habang kinakausap ng tatlo si Direk. Tumigil muna ako sa ginagawa ko at uminom ng tubig at naupo sa gilid ng stage.

"K..?", rinig kong tawag ni Anne sakin habang palapit siya sakin at umupo sa tabi ko.

"hmmm..", sagot ko dahil naka tunga pa ako sa bote ng tubig.

"war na naman ba kayo ni Vice...ang akala namin, dahil ka hug mo siya kaninang uma----"

"what do you mean kayakap ko siya kaninang umaga..?", bilis kong tanong kaya di na siya natapos sa sinabi niya kanina.

"haler, kayakap mo siya kanina, nasa dibdib niya pa ang ulo mo, ang himbing pa nga ng tulog mo K, naalimpungatan pa nga siya dahil sa paipit na sigaw namin ni Colleen ng makita kayo sa ganong posisyon...kaya pinalabas kami sa kwarto dahil baka magising ka...", paliwanag nito sakin..

"you mean..?", naguguluhan kong tanong sakanya.

"siya kasama at kayakap mo buong magdamag...", pakanta nitong sagot sakin.

"Anne,...", halos pabulong kong sabi sakanya.

"what..?"

"may kasalanan ako kay Vice, I judge him without knowing anything...kaninang umaga sinigawan ko siya dahil ang akala ko di niya ako sinamahan sa pagtulog...", naka pout kong sabi.

How I Wish (VK Fanfic) [COMPLETED]Where stories live. Discover now