Chapter 21: "Confession"

1.7K 45 0
                                    

Kumain na sina Vice at Karylle sa isa sa mga mamahaling restaurant sa Paris.

Kung titingnan niyo sila di na sila yung ViceRylle na parang asot pusa na nagbabangayan. Ang sweet lang nilang tingnan dahil tumatawa si Karylle sa mga biro ni Vice, di tulad nung isang araw na naninipa si Karylle at kung ano pa talaga ang pinatatamaan.

Pagkatapos nilang kumain, nagmaneho na ulit si Vice, ang akala ni Karylle eh uuwi na sila pero pumasok si Vice sa isang abandonadong building, pinababa na siya nito pero tinakpan ng handkerchief ang kanyang mga mata.

"Vice, baka kung ano na namang kalokohan ang gagawin mo sakin..", natatakot na sabi ni Karylle habang hawak ang panyong nasa mga mata niya.

Narinig niya namang napa chuckle si Vice sa sinabi niya. May naramdaman naman siyang mainit na hininga sa taenga niya.

"don't worry, I won't do anything that might hurt you, trust me..."

Pagkatapos yun sabihin ni Vice, bumilis ang tibok ng puso niya di dahil natatakot siya kundi naramdaman niya ang sinseridad sa mga sinabi ni Vice.

"kapit ka lang sakin, pagkatapos nito, ok na tayo..."

Pagkasabi ni Vice nun, naglakad na sila habang hawak hawak ni Karylle ang braso niya, hanggang tumigil sila sa isang lugar.

"sana kahit papano, mapangiti kita sa simpleng gabing to..."

Kasabay ng mga salitang yun ang pagtanggal ni Vice sa panyo na nakatabon sa mga mata ni Karylle.

Para namang nagningning ang mga mata ni Karylle dahil sa nakita.

Sa kinatatayuan nila ngayon halos kita mo na ang buong Paris, yung mga ilaw na para Bang nagmistulang mga bituin, na parang nabaliktad ang mga pangyayari, nasa ibaba na ang langit.

Pero ang pinakamaganda, kitang kita mo ang Eiffel Tower, dahil don, napaiyak si Karylle.

"shhh..K naman, dapat di ka umiiyak eh, umuwi na nga lang tayo..", parang batang sabi ni Vice.

natawa naman si Karylle dahil don.

"no, tears of joy to, wag ka nga...", sabay punas ng luha niya at niyakap si Vice.

Di nakapag salita si Vice dahil sa ginawang yun ni Karylle, si K na mismo ang bumitaw sa pagkakayakap.

Naglakad siya papunta sa edge ng building at doon naupo.

Doon niya dinama ang hanging dumadampi sa balat niya. Umupo din naman si Vice katabi niya.

"Vice, I'm ready to listen,..", nakangiting sabi ni K habang nakatitig kay Vice.

Pagkasabi non ni Karylle bumilis ang tibok ng puso ni Vice, eto na ang pagkakataon.

"pano kung, handa ka lang makinig pero ---"

"and I'm ready to forgive..."

Yun ang mga salitang hinihintay ni Vice na marinig mula sa bibig ni Karylle.

"pero, paliwanag muna..", nang aasar na sabi ni Karylle.

Ang eksenang dapat sana drama eh ginagawang comedy ni Karylle.

Napabuntong hininga si Vice bago magsimulang magsalita.

"Nung araw na umalis ako sa Pilipinas papuntang New York, durug na durug ako K, ni hindi ko magawang magsalita, kahit si Nanay nababahala na sakin. Nung mga panahon na yun, parang nawalan na ako ng gana sa buhay ko. Mas pinili kung magpakalayo sayo dahil sa tuwing nakikita ko kayong masaya sa isat isa mas lalo lang akong nasasaktan.."

Nakikinig naman ng mabuti si Karylle habang nasa malayo pa rin ang tingin.

"Nung nasa New York ako at ang mga kaibigan ko di ko magawang lumabas, may pagkakataon na lalabas ako at maghahanap ng pampalipas oras pero di ko kayang gawin sa mga babae ang ninanais nila, sinasamahan nila ako pauwi na akala nila yun na, pero di ko kaya...", pagpapatuloy ni Vice.

"Ang totoo, pinabantayan kita kay Deng (Coco), kumuha din naman siya ng agent para siguraduhing ligtas ka kahit wala ako sa Pilipinas. Hanggang nabalitaan kong iniwan niya kayo. Biglang bumukas ang galit sa puso ko nung panahon na yun, gusto kong sapakin ng todo todo ang Yael na yun...pero mas galit ako sa sarili ko dahil kung nasa tabi mo sana ako, di ka masasaktan ng ganon ganon...", parang gusto ng umiyak na sabi ni Vice.

"I'm sorry Karylle, I'm really really sorry..."

Kasabay ng mga katagang yun ang pagpatak ng mga butil ng luha ni Vice. Ang di alam ni Vice, kanina pa din pala umiiyak si Karylle habang nakikinig sa paliwanag niya, habang nakatitig din sa malayo, sa mga ilaw na nagmistulang bituin.

"K?", sabay hawak ni Vice sa pisngi ni Karylle at hinarap sakanya.

humarap nga si Karylle ngunit di naman nito magawang tumitig sa mga mata niya. Napansin niya naman na patuloy palang dumadalos ang mga luha nito sa pisngi.

"Karylle, look at me, please...?"

Sa pagmamakaawang yun ni Vice, tinitigan na siya ni Karylle.

"nung araw ng kasal niyo, video ako ng video sayo, habang tinitingnan kita na naglalakad sa aisle, how I wish na ako yung groom mo Karylle, how I wish na ako yung papakasalan mo nung araw na yun, how I wish na ako yung magiging asawa mo, how I wish na ako ang makakasama mo pag gising mo sa umaga.Pero lahat ng yun, pangarap lang nung mga panahong sakanya ka na. At ngayon, hayaan mong babawiin ko na kung ano yung dapat sakin na noon pa...", kasabay ng pagtulo ng luha ni Vice ay ang pagdampi ng noo niya sa noo ni Karylle.

"ayaw na kitang makitang nasasaktan, ayaw na kitang makitang umiiyak, ayaw ko nang makitang malungkot ka. Gusto ko palagi kang masaya, gusto ko palagi kang nakangiti, at gusto ko akin ka.."

Habang magkadikit ang mga noo nila naka pikit si Karylle.

"I'm sorry Karylle, please let me court you, AGAIN...?"

Nakita naman ni Vice na bumakas ang ngiti sa labi ni Karylle habang nakapikit ito. Lumayo siya dito at tinitigan ito ng mabuti habang hawak hawak ni Karylle ang kamay ni Vice na nasa mukha niya.

Tumango ito na nangagahulugang oo, inaprobahan pa ito ni Karylle ng magsalita ito.

"I forgive you, and I will let you court me, AGAIN.."

natawa naman sila pareho dahil diniinan ni Karylle ang huling salitang sinabi niya.

"Sinabi mo na yan ah..", paninigurado ni Vice.

"bat ba pinapaulit mo pa talaga sakin kapag may ---"

"naninigurado lang, bipolar ka pa naman minsan...", segunda nito kaya di natapos ni Karylle ang sasabihin..

"ahh, ganon..?"

Kinurot ni Karylle ang tagiliran ni Vice kaya napa 'aray' ito.

"nagbibiro lang, lika ka nga dito...", sabay hila kay Karylle palapit sakanya.

Pumulupot naman ang kamay ni Vice sa beywang ni Karylle at napa sandig si K sa dibdib ni Vice.

Sa piling ng isat isa komportable silang dalawa, na para bang ayaw na nila ng bukas.

"parang gusto kong pahintuin ang oras,..",sabay halik sa ulo ni Karylle.

"para namang kaya mong gawin yun, but... di ko pa rin gugustuhin na patigilin mo ang oras..", hindi kombinsidong sabi ni Karylle sabay tingin kay Vice.

"Why..?"

"diba liligawan mo pa ako..."

"nga naman, sagutin mo na lang kaya ako ngayon...", nakangising turan ni Vice.

Napa pout naman si Karylle dahil don.

"wala ka namang ka effort effort pag ginawa ko yun..", di pa rin mawala ang paglabi ni Karylle.

"joke lang, to naman...", sabay halik sa head ni Karylle.

How I Wish (VK Fanfic) [COMPLETED]Where stories live. Discover now