Chapter 33: "Missing"

1.7K 42 7
                                    

Tatlong linggo na ang lumipas simula ng aksidenteng nangyari kay Kiel. Maayos na ang bata at nakalabas na rin ng ospital. Everything is back to normal except one. Vice is missing. Tatlong linggo na rin siyang nawawala at kumakalat na ngayon yun sa media.

Pagkalabas na pagkalabas ng DR nina Karylle, Coleen at Anne ay agad bumungad sa kanila ang mga reporter at journalist ng mga iba't ibang dyaryo at pare pareho lang ang tanong.

"Totoo po bang nawawala si Vice?"

"Hindi kaya may nangyari ng masama kay Vice?"

"Kung nasa maayos siyang kalagayan, kailan kaya siya babalik?"

"Tulad na rin ba ito ng dating nangyari na umalis si Vice sa bansa at bumalik lang pagkatapos ng maglilimang taon?"

Napabuntong hininga lang si Karylle sabay ngiti sa kanila. Hindi magkamayaw ang mga ito sa pagtatanong at pag flash ng mga camera nila.

"Sa ngayon, hindi pa namin alam. Walang may alam samin kung nasaan si Viceral." malungkot na saad ni Anne.

Showtime family ni Vice ang pinupuntirya ng media dahil ang true family niya ay nasa Canada lahat at nagbabakasyon. Hindi alam nina Karylle kung nasaan nga ba si Vice. Ang huling pagkikita nila ay yung nasa ospital. Ang oras kung saan sinabi niyang nasa mabuti ng kalagayan ang anak niya. Ang anak nila.

Lumabas naman ng DR ang boys at sila naman ang pinagkaguluhan ng mga reporters. Ganon at ganon pa rin ang mga tanong na binato sa mga ito. Nagtinginan lang ang mga ito ang ngumiti ng nakakaloko. Hindi nila pinansin ang mga reporters hanggang sa makasakay na sila sa kanikanilang mga kotse.

When direk Bobet went out. Walang pakundangan ang mga reporters na tanongin siya. Umalis na ang mga showtime host kaya kay Direk Bobet natuon lahat ng camera.

"Direk? Babalik pa ba si Viceral sa Its Showtime?" tanong ng isang reporter na medyo di katangkaran.

"He'll be back..." nakangiting saad ni Direk kaya dahil sa sagot na yun mas lalong dumagdag ang mga tanong.

"Ang ibig sabihin walang nangyaring masama sakanya. Kailangan po ba siya babalik?"

"Malapit na. Kaya wag kayong masyadong mainip.." pagkasabi na pagkasabi ni Direk non ay pumasok na siya sa kotse.

Masyadong curious ang mga tao kung bakit nawawala ang di matawaran na si Vice Ganda noon at Viceral na ngayon. Alam nilang may mas malalim na desisyon si Vice kung bakit nawawala siya at ano ang dahilan na yon?

"Babalik ako kung may babalikan pa ako at kung may taong gustong magpabalik sakin na gugustuhin kong balikan.."

Napalingolingo si Vhong dahil sa naalala niyang sinabi ng kaibigan bago sila magkahiwalay hiwalay ni Billy sa balotan. Natawa siya dahil sa sinabi ni Vice.

"Babalik ka panigurado yun..."

At mabilis niyang inikot ang manibela at nag U-Turn. Patungo siya sa bahay ni Karylle. He want to see his Godson na pinagbilin muna ng ama na bantayan niya kasama ang ina.

Pagkarating niya don nakita niya sa labas na nandoon si Anne at Billy kasama si Karylle sa living room. They are seriously talking something na mukhang mahalaga.

Sinalubong naman siya ni Kiel na may dalang isang slice ng cake sa platito na mukhang kinakain nito. Nag mano ito sakanya at inaya din siyang maupo.

"Kiel will you go upstair muna dahil may pag uusapan muna kami nina Ninong at Ninang..." nakangiting sabi ni Karylle sa anak. Sumunod din naman ito at humalik pa sakanya.

Sinundan pa nila ng tingin ang bata hanggang sa maka-akyat ito bago sila nag usap.

"Where is he?" nag aalalang tanong ni Karylle sa mga kaibigan.

How I Wish (VK Fanfic) [COMPLETED]Where stories live. Discover now