Chapter 9:"Ang Pagbabalik"

1.9K 49 0
                                    

Hinatid ni Vice si Karylle sa kanilang bahay.Hindi na siya pinatuloy, dahil mukhang na bad mood ito sa sinabi niya kanina tungkol sa gagawin niya pag di nito ikabit ang sariling seatbelt.

Nagmaneho na rin siya pauwi.Na traffic pa siya ng konti sa daan.Pagkadating niya sa bahay nadatnan niya naman ang mga bakla na nag iinuman...

BUERN:"meme,sama ka..."

Salubong nito sakanya ng makalapit siya sa mga to.

Ngumiti naman si Vice bago sumagot.

VICE:"kakagaling ko lang sa inuman kasama ang mga showtime host...natamaan na nga ako ng konti...mauna na ko sa taas..."

Sabay hawak sa batok at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kwarto niya sa taas.

"lasing ka na talaga,dahil kung ano ano na lang ang sinabi mo kay Karylle.."-sabi ng utak niya.

"pero kinilig naman siya ah...namula nga eh.."-bulong ng inner self niya.

AARON:"tumawag si Direk Bobet,hinahanap ka,ang sabi niya gusto ka daw niyang maka usap bukas..."

LASSY:"mukhang balik showtime ka na naman!"

ARCHIE:"makakasama mo na naman palagi ang Bb. Kurba mo!"

MC:"matutuwa na naman ang ViceRylle...at di sila maniniwalang lalaki na ang tatay nila!"

Mga sigaw na narinig niya sa mga kaibigan habang umaakyat siya papunta sa kanyang kwarto.Pero ang sinabi lang ni Aaron ang tumatak sa kanyang utak.

VICE_POV

Pumasok na ako sa kwarto ko at padapang humiga sa kama.
Ano naman kayang pag uusapan namin ni Direk bukas.Kung tungkol man yun sa pagbabalik ko sa showtime,ano naman kayang sasabihin ko.Handa na ba ko sa pagbabalik, baka di magustuhan ng mga tao na bumalik na ko at idagdag pa tong pagbabalik loob ko.Pano naman yung tungkol samin ni Karylle,nadagdagan ko pa ata galit niya sakin kanina.Pero mukhang kinilig naman siya eh,namula nga.Hay...pano ba kita susuyuin K.

"nako,pag ikaw talaga naunahan,ewan ko na lang sayo..."

Salitang sinabi ng mga kaibigan ko na paulit ulit na nasa utak ko.

Hmmm...ano kaya kung....?

Sisimulan ko lang sa simpleng diskarte pero swabe.Pwede...

May tinawagan akong kakilala sa cellphone ko at sinabi ang nais kong gawin para kay K.Pagkatapos ng ilang minutong usapan ibinaba ko na ang cellphone at umayos ng higa sa kama habang nasa kisame ang titig at nasa ulo ko naman ang kanang kamay ko...

Sa halos mag isat kalahating oras na pag iisip ay nakaramdam na rin ako ng antok at nakatulog..

END_POV

Kinabukasan nagising si Vice dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa kanyang mukha.Isama mo pa ang sunod sunod na katok sa pintuan ng kanyang kwarto.

VICE:"hmmmm..."

Ungol na sagot ni Vice sa kumakatok at nag inat inat sabay yakap sa unan na nasa side niya.

"meme, papasok kami...ngayon ka makikipag kita kay direk,alas 10 na..."

Kahit naiinis dahil sa pagbubulabog sa kanya sa pagtulog,papungas pungas na tumungo si Vice sa pintuan at binuksan ito.

VICE:"oh ano..?"

Sabi niya ng nakapikit pagkabukas niya ng pintuan.

"OH MY GOSH VICE!!!!!!!! "

Para namang pumutok ang eardrum ng mga bakla at ni Vice dahil sa pagsigaw ng nag iisang Anne Curtis.Sabay takip sa mga mata niya.Dahil naka boxer shorts lang si Vice at yun lang ang nag iisang clothe sa katawan niya.

ANNE:"what are you doing?!tingnan mo nga yang suot mo!!"

Sabi nito habang nka takip pa rin ang mga kamay sa mata.

VICE:"anong 'what are you doing',?"

May halong pang iinis na sabi ni Vice.

Paipit namang tumatawa ang mga bakla sa gilid na kanina pa nakikinig sa kanila.

ANNE:"maligo ka na don!"

Utos nito sabay sipa kay Vice at iniwan na ito.

Paipit namang tumatawa ang mga bakla na sumunod kay Anne.

Natawa naman si Vice na sinara ang pinto at nagpatuloy sa banyo para maligo.

Pagkatapos niyang gawin ang mga eche boreche sa kanyang sarili ay bumaba na siya.

Sumabay namang kumain sa kanya si Anne dahil tapos na kanina pa ang mga bakla.Siya ba namang gumising ng alas diyes ng umaga.

Pagkatapos ay tumungo na sila sa studio.Kotse na lamang ni Anne ang ginamit pero si Vice ang nag maneho.

ANNE:"nag ji-gym ka ba..?"

Tanong nito sa kalagitnaan ng kanilang biyahe.

VICE:"bakit?"

Pabalik na tapon ng tanong nito.

ANNE:"wala...lumaki na kasi katawan mo...nagka muscle ka na...dami ng nagbago sayo..."

VICE:"pinag kaenteresan mo ko no..?"

Sabay lingon kay Anne na nasa passenger seat at ibinalik ulit ang tingin sa daan.

ANNE:"wag kang assuming..."

Tumawa naman si Vice dahil sa reaksyon ni Anne na mukhang inis na inis sa kanya.

Ilang minuto lang ay dumating na sila sa studio.

Pagkapasok nila sa DR ni Anne.Nandon pala lahat ng host at hinihintay sila.Kanya kanya namang bati sakanya ng mga ST host.

Pagkatapos ng maikling batian ay pumunta na siya kay Direk Bobet upang makipag usap.

Pagkapasok niya sa loob ay nakita niya naman si direk na mukhang may inaayos na mga papeles.

DIREK:"oh Vice Pogi..?"

napangiti naman si Vice dito.

DIREK:"welcome back.."

VICE:"po..?"

DIREK:"balik showtime ka na..."

How I Wish (VK Fanfic) [COMPLETED]Where stories live. Discover now