Chapter 38: "Wakas na Ating Hinihintay"

2.1K 47 7
                                    

Let's walk together… Be together… Stay together and Grow old together.


1 year later…

“Anong pakiramdam ng bagong kasal Vice, Karylle?” tanong ni Tito Boy sa mag-asawa.

Nasa Tonight with Boy Abunda ang mag-asawa para sa interview nila bilang bagong mag-asawa sa showbiz industry.

Dalawang buwan lang ang nakalipas simula ng ikasal sila at ngayon ay ang mag-asawang Viceral ang isa sa mga couple na kinaiingitan ng marami dahil sa ganda ng relasyon ng dalawa simula ng magkabalikan sila.

Trending ang #VKforReal sa twitter simula rin nung lumabas ang balita na magpapakasal na sila. Ito ang bagay na matagal ng hinihintay ng mga fans na mangyari sa matagal na nilang hinahangaang fandom. Matapos ang ilang taong pagtitiis, humantong sila sa napakagandang pangyayari sa tanang buhay nila.

“Nako Tito Boy, ang sarap.” natatawang sabi ni Vice na may makahulugang tingin kaya natawa lahat ng audience sakanya. Pati si Tito Boy ay napahalakhak at namula ang mukha. Nakatanggap naman si Vice ng palo sa binti mula kay Karylle na natatawa rin sa sinabi ng asawa.

“Bakit?” painosenteng tanong niya sa lahat habang siya mismo ay natatawa.

“Hindi. Totoo, masarap po talaga Tito Boy kasi yung tipong pagod na pagod ka galing sa trabaho tapos pagkauwi mo sa bahay madadatnan mo yung asawa’t anak mo na naghihintay sayo, ang sarap po sa pakiramdam. Parang nawawala lahat ng pagod mo Tito Boy. Tapos sabay sabay kayong kakain. Pagkagising mo sa umaga, ganitong kagandang anghel ang bubungad sayo parang ayaw mo nang pumunta sa trabaho at don ka lang sa kama hihiga habang buong araw siyang kayakap.” seryoso ng sabi niya at tiningnan si Karylle bago binalik ulit ang pansin kay Tito Boy.

Nagpalakpakan naman ang audience at may ibang napasigaw pa sa kilig.

“Ang sweet naman.” komento ni Tito Boy sa kanila. “Ikaw K, anong feeling na asawa mo na ang isang Jose Marie Viceral?” baling nito kay Karylle.

Tiningnan muna ni Karylle si Vice bago sumagot. “I feel complete po Tito Boy.” simpleng sagot niya at ngumiti.

“Ang gandang sagot ‘non. Oo. Pati ako naramdaman ko rin yung ibig sabihin mo.”

“He’s the one piece of my puzzle that was lost before and now that he came back and filled the missing piece buo na ulit ako. I’ll never let him go again.” dagdag pa ni Karylle. Napangiting kilig naman si Vice dahil sa sinabi ng asawa.

Panay hiyawan at kilig ng mga audience kapag may napag-uusapan silang nakakakilig na pangyayari sa kanilang dalawa. Pangalawang interview na nila itong magkasama. Una ay nung pagkabalik nila galing sa Palawan.

“Karylle, how’s Vice as a father to Kiel?”

“Kung kay Kiel lang po Tito Boy he’s the best. Siya yung tipong nakikipagbiroan sa anak niya pero once he says something that needs Kiel to follow he has that authority po talaga. Pag sinabi niyang bawal, bawal talaga. Pag sinabi niyang hindi, hindi. He never failed to teach Kiel the right path to follow.”

Napangiti naman si Tito Boy gayun din si Vice sa sinabi ni Karylle. Audience smiled because they didn’t ship the wrong couple for almost 8 years.

“Vice may napabalitang girl na naging matalik mo daw’ng kaibigan noon sa States?”

Napangiti naman si Vice sa tanong ni Tito Boy at tumango tango naman siya para sagutin ito.

“Oho. Si Mitch Requille po ba?” pabalik niyang tanong dito. “Bakit nandyan ba siya?” pabiro niyang tanong sabay kunyaring tingin sa back stage kung may lalabas ba mula don. Natawa naman ang lahat sa ginawa niya at nakatanggap siya ng palo sa binti mula sa asawa.

How I Wish (VK Fanfic) [COMPLETED]Where stories live. Discover now