2. Temptation

245 5 5
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Oh my ghaaaadddd!
Hindi ako makapagfocus sa iba kong kwento dahil dito...kaya sorry po sa sumusubaybay ng "Under Your Feet, My Love", "Right Here By Me", at "Martyrdom of Mimi"..medyo delay lang ang update.

Pasaway kasi si Kid at Mia, ayaw lubayan ang krung-krung mind ko. Kaya ayan...moment raw muna nila 'toh.!

Enjoy reading! :)

Lovelots,

Rusz-Avhin
_______________________________








Mia:

"Ibaba mo nga ako!" sigaw ko.
Ayaw ko sa pakiramdam kapag malapit siya.

Amoy ko ang paghahalo ng alak at natural na mabangong hininga niya.

Hindi ako komportable.

Parang ayaw ko na nga siyang makita kahit kailan.

Ewan ko ba. Basta mula noong gabing nasampal ko siya at nasabi niya lahat ng iyon..nag-iba lahat.

"Kid!"
palag ko ulit pero hindi ako makaalis sa pagkakabuhat niya, hanggang sa maisakay niya ako sa kotse.

Parang nahulaan niyang mayayari siya sa akin kaya nai-seat belt niya ako kaagad bago siya umikot sa driver's seat.

Gigil kong pinindot ang seatbelt button pero ayaw makalas. Ano to? Nakalock?

"You're just wasting your energy, Mia."
tamad niyang itinuon sa akin ang natural niyang mapupungay na mata.

Inirapan ko siya. "I-unlock mo na Kid."

"I am helping you out."he shrugged his shoulders.

Mahina akong napamura. "Ang huling naaalala ko, kung anu-ano ang ibinibintang mo sa pagkatao ko nang dahil sa tulong na ibinigay mo noong nakaraan. So, no thanks, Kid."

Natahimik siya. Apologetic siyang tumingin sa akin.

"I-I'm sorry, Mia. I didn't mean to say those words. I was just shocked... and pissed off that moment." he held my hand.

Ayoko. Ayoko ang daloy ng koneksiyon sa simpleng pagdidikit na iyon.

Inilaglag ko ang kamay niya.

"Ihahatid na kita." he offered.

Napairap ako. Tss. Para-paraan lang naman yan. Malamang gusto niyang makita si Sunny.

At mas boto ako kay Rage kaya who you siya sa akin.

"Hindi pa ako uuwi."
malamig kong tugon.

_____________________________

KID:

"Kung ganoon, ihahatid kita kung saan ka pa pupunta. Where else are you going to? pilit ko kay Mia.

"Gaya nga ng sinabi mo, ni hindi naman tayo magkaibigan kaya dapat wag ka ng makialam kung saan ako pupunta."
halos magsalubong ang kilay niya pagkasabi niyon.

Perfect DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon