11. Worried

135 1 3
                                    

Mia:

"Mia.." napaangat ako ng tingin mula sa sahig nang marinig ang masiglang boses ni Bernard.

"Bernard."
Hindi ko pa sila naipapakilala ni Sunny sa isa't-isa dahil wala naman na nga si Sunny dito sa Del Fierro.

Hindi ko rin makwento kay Sunny kasi mas masaya akong makinig sa mga kwento niya kay Sir Rage.

Iniabot niya sa akin ang maraming paper bag pero hindi ko iyon magawang kunin.

"Bakit? I mean..para saan yan?" Takang tanong ko.

"I came from London for a conference and I bought them for you."

Kaya pala ilang araw ko rin yata siyang hindi nakita.

Napatango ako sa sinabi niya.
"Ah."

Madaldal ako pero hindi ko talaga magawang maging ganoon kakomportable kay Bernard. Paano ba naman kasi..kahit noon pa ay ang hilig niyang umasa sa atensyon ko.

Nakakatakot tuloy magbitaw ng salita o maging mabait sa kanya dahil baka iba ang ipakahulugan niya.

"C'mon take these. Isipin mong normal mo  lang akong kaibigan at pasalubong ko iyan dahil espesyal ka."
nakangiti pa ring sabi niya.

"Pero ang dami niyan Bernard..pwede bang isa lang ang kunin ko. P-para lang hindi ka magtampo?"

He smiled. "I really like your honesty, Mia. But please..sa'yo ko lang talaga gustong ibigay lahat ng iyan at masasayang lang yan kung hindi mo tatanggapin."

Kinonsensya pa ako! Syempre ayokong nagsayang lang siya ng pera dahil sa akin tapos mababalewala lang.

Hays..iba talaga ang saltik ng mga mayayaman..

Naalala ko si Kid.

Baka kung anong isipin niya kapag nalaman niya 'to.

"C'mon..please..accept it. I won't ask for anything in return but dinner."

Nagpuppy eyes pa siya sa akin at napilitan na akong kunin ang mga paperbag.

"Thank you, Bernard pero sana last na'to ha.."

"Acosta." mariin ang pagkakatawag ng boses na iyon na nagpalingon sa amin ni Bernard.

"Fuentebella.." mahinahon namang bati ni Bernard kay Kid na papalapit na sa amin ngayon.

Bakit ganun sila magbatian?

It's just too formal. Pareho silang friendly kaya nakakapagtaka na ganoon sila makitungo sa isa't-isa.

"Mia." Patag lang ang boses ni Kid nang dumako ang tingin sa akin..pababa sa mga paperbag na hawak ko na ngayon.

"You two knew each other, right?" Tanong ni Bernard sa amin ni Kid.

"Oo. Manliligaw siya ni Sunny-nung kaibigan ko, Bernard." Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas agad sa bibig ko.

Siguro inunahan ko lang ang isasagot ni Kid. Malamang isasagot niya lang na "kaibigan siya ni Sunny na nililigawan ko."

O di ba..halos kaparehas lang naman ng sinabi ko kaya ayos lang naman siguro.

Imposible namang ipapakilala ako niyan bilang ka-fling niya.

I'm too cheap for that. Too cheap to be introduced even to the lowest form of relationship..which they called "fling".

"Correction Mia, NILIGAWAN." May diing sabi ni Kid.

Perfect DistractionWhere stories live. Discover now