17. Away

139 2 3
                                    


(Ang hirap talaga isingit ng original scene sa version ko. Struggle is real. Ito na ang first and last fan fiction ko. Ang hirap pala kasi nalilimitahan ang conversation at scenario.. So..here it goes. Wala na akong isisingit ulit na convo from the original. Bale same situation but different convo etc.)

------------------

Mia:

Nagpatuloy ang takbo ng buhay namin nila Sunny. Si Kid dito pa rin sa dorm nag-i-stay maliban na lang kung linggo dahil family day nila iyon.

Hindi siguro ako pwedeng sumama..kasi never niya pa akong niyaya. Ayoko nang isipin kung bakit.

Obvious naman.

Paminsan minsan kaming dumadalaw sa condo ni Kid para kay Sunny.

"Hi gentlemen...cigars?" Alok ko sa isang vip sofa. Tuloy pa rin ang pagiging Marlboro girls ko bukod sa pagiging janitress.

Madalas naman sinusundo ako ni Kid basta hindi siya busy.

Sunday ngayon. Jam packed na naman ang mga bar na pinuntahan namin.

"Gold sa akin Miss."

"Black please. One pack."

Kanya-kanyang order sila. Agad ko silang binigyan at matamis na ngumiti.

Hindi ako masusundo ni Kid. Lunes pa ng gabi iyon makakapunta sa dorm. Nasa Laguna ang parents niya at doon madalas sila nagpa-family day.

Hindi niya rin alam na pumasok ako ngayon. Ayaw niya kasing pumapasok ako sa MG(Marlboro Girls) kapag alam niyang hindi niya ako masusundo.

"Grabe. Ang gagaling niyo talagang bimenta girls." Panay puri sa amin ng tumatayong manager namin sa MG.

Agad niyang kinuha ang benta namin.
Sa amin napupunta lahat ng tip. Plus bayad pa kami ng malaki nang hindi gaanong pagod.

"Ngapala Mia, may naghahanap sayo kanina dito sa service natin. Nakita yata iyong logo ng service. He knew you're working for MG. Andun siya."

Inginuso ng manager ang kotse sa di kalayuan.

Nagbulung-bulungan ang ibang MG.

"Oh my God! So may booking na rin siya? Nagmamalinis pa dati. Bibigay rin pala."

"What happened to the other one Mia? Hindi iyan iyong madalas sumundo sa iyo ah. Two timer ka na rin?"

"Ano iyan? Para makalimot ka sa payatot mong ex, dalawa dalawa na kinakabit mo?"

Hindi ko na lang pinansin ang mga pangit na lumabas sa bibig nila.

Nagpasalamat ako sa manager namin bago ko inirapan ang mga kasama ko.

Nagkanya kanya na ring alisan ang iba. We're done for tonight. Alas dos na ng madaling araw.

Humakbang palapit sa akin si Bernard.

"Hi. Long time no see." Bati ko.

"Yeah. I missed you. Ikaw agad ang hinanap ko. Kakabalik ko lang kanina."

He looked troubled. Bahagya siyang nangalumata at pumayat.

Must be because of his mother's sickness.

"Inisa-isa ko ang mga bar na pinupuntahan niyo madalas. Buti nakita ko yung SUV niyo kaninang eleven p.m."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Kanina ka pa naghihintay dito?"

Tumango siya. "Hindi na ako pumasok sa loob. Pinabantayan na lang kita sa kakilala kong bouncer sa loob. I'm not in the mood to drink and smoke."

Kakaiba talaga siya. Hindi niya na kailangang gawin iyon para sa akin.

Perfect DistractionWhere stories live. Discover now