24. Paalam

128 2 5
                                    

Mia:

Si Bernard na ang sumagot sa lahat ng gastos. Hanggang sa ticket ko pabalik ng Manila.

Hinatid niya ako sa taong alam kong makakatulong sa akin sa paglayo.

"Nay Cate, I'll go ahead po. I have to fly back to Palawan. Ayokong masundan nila si Mia kung saan man kayo pupunta." Pagpapaalam ni Bernard kay Nay Cate matapos kunin ang mga detalye sa lugar na pupuntahan namin.

"Sige, Bernard. Salamat sa paghatid kay Mia. Aasahan naming manatiling sikreto ito."

"Mia, use my phone. Naiwan mo ang gamit mo sa hotel. I'll try to get it once I get there, okay?" aniya at iniabot sa akin ang mamahalin niyang cellphone.

"Hindi na Bernard." tanggi ko ngunit inilagay niya iyon ng pilit sa palad ko.
I need to contact you. Gamitin mo na ang sim na nandyan para alam ko ang tatawagan kong number."

"You've been through hell this day and you should rest."
He kissed me quickly on my forehead and waved bye.

Wala na akong nagawa. Besides tatawagan ko pala si Sunny mamaya.

"Nay Cate..pasensya ka na sa abala. Biglaan po eh." hingi ko ng paumanhin.

"Ano ka ba, Mia? Masayang-masaya nga ako at sakto naman na pabalik na rin ako sa pagbisita sa doktor ko abroad. Matagal na kitang isinasama hindi ba? Para na kitang anak, Mia." she hugged me.

Hindi ko maiwasang maluha. Sa lahat ng mga nangyari ngayong araw..
Hindi pa rin ako pinabayaan ng Diyos.

Binigyan niya ako ng taong totoong magmamahal sa akin.

Madaling araw pa ang flight namin. I still have some time to sleep.

Pero hindi naman ako makatulog dito sa kwarto sa condo ni Nay Cate.

I tried calling Sunny.

Ilang ring ang lumipas bago iyon nasagot.

"Hello, sino po ito?" bungad niya. Oo ngapala..kay Bernard itong number na gamit ko. Buti nga at saulado ko ang number ni Sunny.

"Sunny.." Naluha na ako agad. Kung sana pwedeng sa kanila ako pumunta at magsimula ulit..Pero hindi pwede eh. Maaalala ko palagi si Kid tuwing makikita ko si Rage na asawa na ni Sunny.

"Mia?! Bakit ganyan ang boses mo? Anong nangyari?"

Lalo akong naiyak. Boses ko pa lang nahalata niya na. I really miss my friend.

"Sunny.....wala na. Tapos na iyong kahibangan ko kay Kid. Natapos na."

"Ha? Ano? Anong ibig nong sabihin?"

Ikinuwento ko sa kanya lahat ng nalaman ko ngayong araw.
"Misyon niya lang ako, Sunny. Para paglayuin kami ni Eric at matulungan ang pinsan niyang si Shanella. Lahat Sunny..lahat..peke lang."

Narinig ko ang pagsinghap niya sa kabilang linya. "Mia, naaalala mo ba..halos ganyan din ang akala ko kay Rage noon."

Umiling iling ako na para bang makikita niya ako. "Hindi Sunny. Iba 'to. Ito..sinadya talaga akong lokohin. Lahat-lahat, Sunny. Alam mo kung bakit? Kasi siguro iniisip nila, wala ng mawawala sa akin. Na patapon naman na ako at ang buhay ko, kaya okay lang..ayos lang paglaruan."

"Mia..nakapag-usap na ba kayo ni Kid?"

"Hindi." Pinunasan ko ang mga luha ko dahil umagos na naman na parang ilog nang maalala ko ang hitsura ni Kid kanina.

"Mia..sa tingin ko iyon muna ang gawin ninyo. Hayaan mo siyang magpaliwanag. Huwag mong gayahin yung mga maling ginawa ko noon sa amin ni Rage."

I cried harder. "I asked him, Sunny. Umasa rin kasi ako kahit papano na may sapat siyang dahilan..o may iba pa siyang dahilan kaya nanatili sa buhay ko..pero Sunny..wala. Wala siyang sinabi. Walang kahit ano, Sunny."

Natahimik siya sa kabilang linya. Ilang saglit pa bago siya nagsalita ulit.
"Anong balak mo?"

Bumuntung-hininga ako. "May kaunti akong ipon. Iyong para sana sa kasal namin ni Eric. Alam ko namang darating iyong araw na matatapos ang lahat sa amin ni Kid, Sunny. At naipangako ko sa sarili ko na kapag nangyari iyon, aalis na ako sa Del Fierro dahil wala na akong mukhang maihaharap. Pati sa MG aalis na rin ako. Magsisimula ulit ako, Sunny. Susubukan kong ayusin ang sarili ko, ang buhay ko.."

"Pero Mia, tingin ko hindi solusyon iyan eh. Baka kailangan lang ni Kid ng sapat na panahon para magpaliwanag. Tingin ko naman minahal ka niya talaga."

"Sunny narinig ko na mula pagkabata ng isang Fuentebella ay sinasanay na para maging isang magaling na detective. Kilala sila sa chains of hotel and reaort pero Sunny, pinakakilala pala sila sa detective world. Kid was trained to deceive, Sunny. It's a natural part of their expertise. Thieir mission is a mission. By hook or by crook, Sunny."

"Mia..sana nandyan ako para damayan ka. Sana pala pinilit ko si Rage na pumunta kami doon sa party kanina. Hindi ko naman kasi alam na pupunta si Kid at nandoon ka."

Napangiti ako ng mapait. "Sana nga pwede akong magsimula ulit na kasama kita Sunny. Alam mo namang ikaw lang ang kaibigan ko..well si Bernard na rin. Pero iba naman kasi yung kay Bernard eh."

"Pero kakayanin ko, Sunny. Wasak na wasak ako ngayon pero lilipas din 'to. Sunny, sasama ako kay Nay Cate sa abroad. Babalitaan kita. Ilihim mo na lang kay Rage lahat, pakiusap."

"Oo naman, Mia. Hindi ko sasabihin. Mag-iingat ka. Balitaan mo ako. Tumawag ka palagi ha."

Nang matapos ang tawag ay nakadama ako ng kaunting katahimikan.

Pero hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari.

Just like his name.. Isa siyang malaking biro.

Naalala ko kung paano ako tingnan ng mama niya. Kung paano ako hinusgahan bilang babae. Kung gaano kababa..

Mabuti na rin ang nangyari. I have my way out. Mabuti na rin hindi totoong nagmahal si Kid sa akin. Dahil kung ganoon ang nangyari, tututol din ang buong mundo. Mas masakit tanggapin na nagmamahalan kayo pero hindi kayo pwede, kaysa sa niloko niya ako.

Magkaiba talaga ang mundo namin. Alam kong mananatili siyang matayog. Ang mga mayayaman, anuman ang mangyari, sa bandang huli matayog pa rin. Samantalang ang mga mahihirap na kagaya ko, kapag bumagsak, iyon na iyon. Katapusan na ng paglipad.

Nakapag empake na sila Nanay Cate at naiayos niya na lahat ng kailangan kong dokumento. Nandito na kami ngayon sa airport.

Malikot ang mata ko. Palinga-linga. Nasanay sa napapanood sa pelikula.
Na mayroong hahabol at pipigil sa pag-alis.....

Naipilig ko ang ulo ko nang tinawag na ang flight details namin patungong
Europe.

Walang ganoon, Mia. Paalala ko sa sarili ko. This is reality. No happy ending for me.

"Mia..anak, masaya ako at sa wakas ay nagdesisyon ka na para sa sarili mo. I'll help you with everything. " Nakangiting bulong ni Nay Cate.

"Salamat Nay. Mas nagpapasalamat po ako sa inyo. Sa tulong na ibinigay ninyo. Hindi ko maimagine kung..hindi ako sumama rito at nasa Del Fierro pa rin ako.."

Ikinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari. Para ko na siyang ina at alam kong kailangan niyang malaman ang malalim kong dahilan ng pagsama sa kanya.

"You'll be alright, Mia. I'll make sure of that." Nay Cate grinned at me.

Natawa na lang ako at umiling.

Tumawag na si Bernard kanina at inalam ang lahat ng detalye sa byahe namin. He said he'll visit us soon.

Tinitigan ko ang mga ulap na kitang kita sa bintana ng sinasakyan naming eroplano. Sana nga. Sana magdilang anghel si Nay Cate na magiging maayos rin ako.

Pagkatapos ng lahat, sana nga makabangon pa ako. Gusto kong dito manirahan sa Pilipinas. Sana isang araw, maging handa na ulit akong bumalik.

Sa ngayon, paalam muna sa lahat.

Perfect DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon