4. Own You

225 5 3
                                    

Mia:

Sa 40th floor lang sila kaya naman  nakahinga ako ng maluwag nang makalabas na sila ng elevator.

Ilang saglit pa ay nasa rooftop na kami ni Nay Cate.

"Mia..wala ka na ba talagang balak mag-aral?"

Natigilan ako sa sinabi ni Nay Cate. Noon niya pa ako inaalok na mag-aral. Sagot raw niya.

Pero nakakahiya naman kasi. Ni hindi niya naman ako kadugo.

"Pag-iisipan ko po Nay."

"Ikaw ang bahala. Basta nandito lang ako kapag nakapagdesisyon ka na. I am willing to adopt you Mia."

Walang anak si Nay Cate. Yumao na ang asawa niya kaya mga kamag-anak na lang siguro ang mayroon siya.

She's a cancer survivor at nagpapagaling na. Naaalala ko sa kanya ang mga magulang ko noong nabubuhay pa sila.

Sayang nga at wala akong kapatid.

Nakatadhana na siguro talaga akong mag-isa.

Nakakatouch. Pero hindi naman ako user. Pwede naman yung ganito..yung wala siyang ibibigay na mga materyal.

"Nay Cate, pwede mo akong ituring na anak..kahit walang papel."

She smiled.
"Baba na tayo, Mia. Mainit na. Isa pa ay may trabaho ka pa."

"Ay Mia..ako na ang magbababa sa kanya. Mukhang may kailangan sa'yo si pogi."
biglang sulpot ng tagapag-alaga ni Nay Cate na si Lucy.

"Ha? Ganun ba. Baka may ipapalinis si Sir Rage." sabi ko pero batid kong namutla ako pagkalingon ko kay Lucy.  Nasa likod niya si Kid.

"Mia, let's talk."

"O sige baba na kami." singit ni Lucy.

"B-Bakit?" Pucha. Pakiramdam ko pati paa ko ay nagpapawis sa kaba.

"Why did you left without saying anything?"

Ano bang gagawin ko? Magmamaang-maangan? I'm sure he won't buy that.

"Kid, wala tayong dapat pag-usapan doon. One-night stand lang iyon." pikit-mata kong sabi.

"So that's how it goes to you?" he snorted.

"O-oo. Kaya kalimutan na lang natin pareho okay?"

"Hindi ko kayang kalimutan, Mia."
napamaang ako sa sinabi niya.

Tumatagos ang titig niya at hindi ko gusto kung paanong nanghihina ang tuhod ko ng dahil doon.

"Mia.." humakbang siya palapit.

Kumuha ako ng tyempo para makatakbo pababa ng hagdan. Sakto namang bumukas agad ang elevator.

Pusang gala! Ano bang sinasabi niya? At bakit ba ako naaapektuhan?

Tulala akong bumalik sa ground floor.

Marami na namang dumi na kailangang i-mop.

Sinimulan ko ng magmop at maglinis. Hindi ko na namalayan ang oras sa dami ng tumatakbo sa isip ko.

Tumunog ang elevator. At gusto kong magtago nang bumukas iyon.

Rage. Logan. Brandon. Kid. and Bernard?

Kilala nila si Bernard?

"Hi Mia.." unang-unang lumabas si Bernard at nilapitan ako.

"Bernard?" nagtataka pa rin ako.

Perfect DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon