27. Imbitasyon

136 1 14
                                    

Mia:

"Misyon mo lang ako, Kid. That's what your mother told me. Maawain ka lang kaya hindi mo ako agad maidispatsa. Sabi niya baka magaling lang ako sa kama..alin lang sa dalawa." Pilit kong itinataboy sa utak ko ang mga sinabi niya kanina.

I caught him off guard. He gritted his teeth.
"That was true. Ibinigay sa akin ang profile mo just a day after we had our first make out. Ayokong tanggapin, Mia. Pero tanggihan ko man iyon, mayroon at mayroong gagawa n'yon para sa pamilya, Mi. Naisip ko, why not? Bukod sa matutulungan ko na ang pinsan ko, mas mapapalapit pa ako sa'yo. You got me real bad that night I kissed you in front of Eric. That kiss changed everything. That made me realized what I really like about Sunny. It's Sunny's personality. She's sweet and friendly kabaliktaran mo noong hindi pa tayo magkakilala ng lubusan." He laughed.

"Iyon lang pala iyon, Mia.
Hindi ko lang agad maamin sa sarili ko kaya itinuloy ko pa rin ang panliligaw kay Sunny. You know, after Laine wala naman talaga kasi akong ibang niligawan. Nawalan ako ng interes sa mga babae. When I met Sunny I thought I like her. I thought it was deep. But no, Mia. While you, you made me feel the roller coaster ride of love each time I look at you, each time I kiss you..each time we make love."

Napapikit ako at namula sa huling niyang pangungusap.

Lecheng Kid talaga! Hobby nya talaga iyong ganyang style. Iyong tipong kikiligin ka na tapos..bigla siyang may pang asar na linya Tss.

"My mission was a success. I made sure Mia, I made sure you will fall for me like how I did fall for you. Ginawa ko ang misyon para sa sarili ko Mia. Hindi dahil sa kung anupaman. That's how selfish I am when it comes to you."

He opened his arms. With a teary eyed face and trembling hands.

Gustung-gusto kong yakapin siya. Gusto kong pagbigyan iyong sarili ko. Pero alam ko, kapag ginawa ko iyon baka hindi na ako bumalik sa katinuan ko. I should stick to my rules. Hindi kami bagay. He's still on the top of that freaking society pyramid. Latak pa rin ako para sa pamilya niya.
He deserves more than me.

Pumatak ang mga luhang kanina pa nakadungaw sa mga mata ko. Kaya mo, Mia. Almost three years, nagawa mo na. Maybe some more years and you're over it.
Sana ganoon lang kadali, na kapag umamin sa'yo ang taong mahal mo, madali na lang tanggapin ang lahat. At kung sana madali ring matatanggap ng lahat.

Pero walang ganoon. Kung tatanggapin ko siya..magkakagulo lang sila ng pamilya niya..ng Mama niya to be exact. At hindi ko na iyon kaya. Hindi ako kasing tibay ni Sunny. Hindi ko na kayang marinig sa labi ng Mama ni Kid, na hindi ako bagay sa anak niya. That I was so cheap. That I will never ever fit in.

"Kid..naiintindihan ko na lahat. Naiintindihan kita. Pero Kid..wala na. Ayoko nang ayusin lahat ng sa atin, Kid. Salamat sa...closure." Pikit mata kong sinabi.

I immediately called a taxi. Nakita ko pang natulala si Kid. Nagmamadali akong sumakay. Ipapakuha ko na lang kay Bernard bukas ang kotse ko dito sa parking.

"Mia!" I even heard him calling me out.

But the driver was too good. Nakalayo kami kaagad bago pa man nakasakay ng kotse si Kid.

+++++++++++

"What the hell, Mia?!" sermon ni Bernard sa akin. Kakakuha niya lang ng kotse ko sa pinag-iwanan ko kagabi. Nandito siya sa kwarto ko at nilalantakan namin ang mga pagkaing dala niya. Tulog pa si Mommy Cate.

I rolled my eyes on him. "What!?"

"Hindi mo alam kung gaano kahirap sa kanya ang magtapat ng ganoon..at lapitan ka. Kung nandoon ako hindi iyon lalapit sa'yo. Because he knows you are safe with me. Lumapit iyon kagabi dahil sobra iyong nag-aalala. Then you just walked out like that! With a closure thingy?! I can't believe you, Mia! You're really heartless." Nagbakla-baklaan pa siya sa harap ko kaya naman hindi ko mapigilang matawa. Iyon nga lang lalo niya akong tiningnan na para bang napakawalang hiya ko.

Perfect DistractionWhere stories live. Discover now