30. Dalaw

108 1 0
                                    

Author's Note:

Sorry sa Chapter title. Wala na akong maisip.

-------------

Mia:

I still cannot believe it!

All along nandito lang si Kid!

Naalala ko ang usapang narinig ko kanina kila Rage. They kept mentioning "bata"..

"Ang aga-aga n'yo namang nakikisagap ng balita. Nothing much to do huh?"

"Just curious, cousin."

"Tss. Curious huh. You're just afraid to lose in our bet."

"Ano namang pinagpupustahan ninyo this time? Hanggang ngayon talaga hobby n'yo pa rin yan."

"Nagpustahan kami kung ilang araw kakayanin ni bata."

"Kakayanin ang alin?"

"Dumistansiya. If you know what I mean."

"Ipinusta ko ang sahod ko sa resto. Tsaka iyong sahod ko sa photoshoot ko."

"How long did you bet?" Rage asked.

"Five days." Logan answered.

"Ako three days." ani Brandon.

Rage laughed again. "Sali ako. Less than a day akin. Inyo na laman ng atm ko kapag natalo ako."

"What the fuck?! What do you mean?" bulalas ni Logan.

"Ano? Labanan niyo muna ako sa pusta ko." ani Rage.

"Spill it out, Rage. Wag kang madaya."

"Di kinaya ni bata, cousins. Sumilip kagabi habang tulog. Inistorbo kami ni Sunny." ani Rage na tumatawa pa rin.

"That fast?! Ano ba naman si bata?! Alam kong marupok siya pero di ko akalaing ganoon kabilis." pumitik pa sa ere si Brandon.

Shit! They were referring to Kid?!
Bakit ba hindi ko agad nagets?! Iniba lang nia ang tawag kay Kid. Tinagalog lang. Pucha.

Dumalaw siya kagabi? At kanina?! How the hell didn't I know?! Ganoon ba ako kapagod para mahimbing ng ganoon?!

Ano kayang hitsura ko pagpunta niya?! I tried to recall what I wore last night. A sleeping pajama. Wholesome. Great. That's better than wearing my usual lingerie.

Napapikit ako at naipilig ang ulo. Goodness, Mia! Ayan ka na naman!

Pagsapit ng pagtulog ay sumakit ang ulo ko kakaisip.

Dadalaw ba siya ngayon?
Ughr! This is killing me!

"Goodnight, Mia. Sleep tight." ani Sunny bago nagbeso.

"Goodnight Sunny at sa baby mo. And of course good night din, Aki." I kissed their cheeks.

Humiga na ako sa kama matapos ang mga panggabing routine.

Halos isang oras na yata akong nakahiga pero hindi ako makatulog. Natawagan ko na sila Bernard at Mommy Cate pero pagkatapos ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Perfect DistractionWhere stories live. Discover now