26. Walang Natapos

115 3 3
                                    

(Author's note: wala pang covid noong nabuo ang kwento nila kaya walang covid chuchu new normal dito hahaha baka awayin nyo ako kasi nasa party sila. 🤣🤣🤣)

Sorry nga pala sa mga abangers nito specially MichelleBihag at IamMiah06 at natagalan ang update hehehe..dami kabusyhan ang mother n'yo.

-------------------------

Mia:

Minsan tukso ang mundo. Kung ano pa ang ayaw mo iyon ang nangyayari. Kung sino pa iyong iniiwasan mo, iyon pa ang ilalapit sa'yo.

I gritted my teeth while looking at the other side of the table.

Darn it.

"Mia, oh my you look so freakin' hot and gorgeous..as always." bati ni Lady V. We did a beso beso. I was wearing a midnight blue deep V backless micromini dress. Maiksi na ang buhok ko ngayon kaya naman kitang-kita ang maarteng disenyo ng suot ko sa likod. Don't roll your eyes on me, conservative pa'to dito..believe it or not.

"You look so...great and sexy Lady V."Puri ko rin sa kanya. Tube micromini naman ang suot niya, but see through style. See what I mean?

Isa sa mga sikat na singer siya ngayon at isa sa suki namin. Bagong launch lang sa kanya at kami ang first music video partner niya, it was a blast kaya regular  na kaming kinukuha ng team niya.

And today is her birthday party.

Mag-isa akong pumunta sa party dahil may conference si Bernard. It's a typical western party. Loud music. Crazy beat. Wild dance. Hype crowd.

Nang makita ko ang grupo ng pamilyar na mga tao sa industriya, at ilang ulit ng kumuha ng serbisyo namin, masaya akong bumati at nakipag-usap.

Nagsimula ang introduction sa celebrant.
A lot of greetings and message thingy happened.

I sipped on my tequilla. Actually hindi ko na maalala kung pang ilang baso ko na 'to. I lost count. Pilit binabalewala ang taong nakita ko kanina sa ibang lamesa.

Hindi ako halos kumakain sa party. I dunno. I lose my appetite everytime I attend stuffs like these.Mas gusto kong pagtuunan ng pansin ang pakikipagdaldaan at ang alak na iinumin ko.

The crowed "whoooed", a sign that the real party was about to start.

Syempre ang pinakahihintay ng lahat-ang pagbubukas ng dance floor.

The DJ was impressive. Alam na alam niya kung paano aakitin at babaliwin sa dance floor ang mga tao.

Nang hilahin ako sa dance floor ng mga kasama ko sa table ay nagpatianod ako at masayang nakihataw.

Madalas si Bernard ang kasama ko sa mga bar. Nalibot na yata namin lahat ng bar dito. He trained me to have a high tolerance. Dahil malamang raw mapapadalas ang party life ko kahit wala na ako sa MG dahil sa mundong ginagalawan ko ngayon. He was right, obviously. Ako na nga ang nanawa kakaattend ng mga ganitong party. But..this is a big part of my world now. Socializing.

Nasanay na rin ang sistema ko sa alak, kaya naman tumaas na ang alcohol tolerance ko.

Inuumaga lang naman kami sa bar ni Bernard. Literal na umaga.

"Mia..you're really great at it." Scott said.
He was dancing wildly in front of me. His arms are on my waist. Almost hugging me while he's dancing wildly.
Scott is gay that's why it's just so fine with me.

I laughed. "You just want me to praise your dancing, Scott. Alright. You're super natural."

Nawala ang hataw ko nang matanawan sa malapit sa harapan ko ang isang taong..ayoko na sanang makaharap pa.
Kanina ko pa siya nakita di kalayuan sa table na sinamahan ko. Hindi ko alam kung bakit nandito siya.

Perfect DistractionWhere stories live. Discover now