Sixteen

1.9K 51 2
                                    

Trinity's POV

Naging doble na ang pagiging busy ni Jason at Kevin dahil sa maraming training na pinapadaluhan sa kanila ng kanilang lolo -na halos hindi na kami nagkikita ng asawa ko -at simula noong gabi ng event halos hindi ko na din sya nakaka-usap ni text at tawag hindi nya na nagagawa -kung hindi ko pa sya unahan wala akong makukuhang tawag at text mula sa kanya

Last semester na namin ni Ara at parehong required ng kurso namin na kumuha ng OJT -kailangan maka 720 hours ako samantalang si Ara ay 240 lang para makumpleto ang requirement dahil kahit na pasado sa lahat ng academics kapag hindi naman nakumpleto ang OJT hindi rin makaka graduate 

Gusto ko sana sa company nalang namin ako mag training pati nga si Ara hinikayat ko nang doon mag apply pero ang gusto ni Daddy at Kuya Eric sa Singapore ako mag training -doon daw kasi ang may pinakamagaling na Accounting Firm sa buong mundo -at kung doon ako mag te-training kahit hindi sa kompanya namin ako magtrabaho maganda ang laban ko sa other possible applicants galing sa ibat-ibang school -pero parang hindi ko kayang lumayo dahil ang ibig lang sabihin noon mas madagdagan ang mga panahon na hindi kami magkita at magkasama ni Jason

Dahil tapos na naman ang exams ko kaya naisipan kong bisitahin nalang si Jason sa opisina nya at yayain itong mag lunch -ang tagal ko na din kasing hindi nakikita ang taong iyon -kahit pagbisita sa akin sa condo hindi na nya nagagawa -naiintindihan ko naman dahil sobrang busy at competitive talaga ng lolo nila gusto lage best ang ibibigay -walang puwang ang pagkakamali para dito

Nakangiti ako pagkapasok sa kanilang building -kilala na rin ako halos ng mga employee nila kasi lage akong dinadala ni Jason dito dati -noong hindi pa sya masyadong busy -noong nagsisimula pa lang sya 

Magandang tanghali Ms. Trinity -masiglang bati ni Mang Edwin ang isa sa kanilang security personnel

Magandang tanghali din Mang Edwin -pwedi po ba ako tumuloy -nakangiti kung tanong

Sige po mam -ganting saad naman nito -kaya nagtuloy tuloy na ako papunta sa elevator -buti nalang wala akong nakakasabay -office hours pa kasi kaya nasa kanya-kanyang pwesto pa ang mga tao 

Nakapaskil na ang ngiti ko nang bumukas ang elevator sa palapag kung saan ang opisina ni Jason at Kevin -nasa 25th Floor silang dalawa -magandang tanghali Noreen -bati ko sa secretary ni Jason -si Jason nandyan ba sa office nya? 

Naku Ms. Tin hindi po pumasok si Sir today eh -nasa condo nya lang po sya -masama yata ang pakiramdam kasi pinapahatid nya nga lang po yung mga importanteng documents kanina sa driver -imporma sa akin ni Noreen

Para akong nanghina habang nagpapaalam sa kanya -bakit hindi nya sinabi sa akin na may sakit pala sya -sino ngayon ang nag-aalaga sa kanya? -paano kung sobrang taas na pala ang lagnat nya o kung anuman ang nararamdaman nya ngayon -halos paliparin ko na ang sasakyan ko sa pagmamadali para makarating kaagad sa condo ni Jason -agad akong tumungo sa kwarto para alamin ang kalagayan nya pero ganon nalang ulit ako nanlumo nang wala namang tao sa loob

Nagmadali akong lumabas para balikan ang bag kong iniwan sa sala para sana kunin ang celphone ko at matawagan sya nang may maulinigan akong kaluskos sa loob ng kwarto kung saan hindi pinapagamit ni Jason -kahit na lagi akong narito ni pagsilip hindi ko pa nagagawa sa kwartong iyon kasi nga laging naka lock -para bang napaka importante ang mga laman doon

Dahal-dahan ang ginawa kong lakad palapit sa nakasaradong pinto -itinapat ko ang aking taenga sa likod ng pinto at pinakiramdaman kung meron bang kaluskos sa likod -at nang masiguro kong may tao nga I took the courage to open the door -kahit na alam kong posibleng magalit sa akin si Jason dahil nangahas akong sumilip doon -but because of curiosity I slowly open the door at ganon nalang ang gitla ko sa aking nakita

Love at First Sight -CompletedWhere stories live. Discover now