Thirteen

2.3K 53 4
                                    

Dahil sa hindi na naman nakatira si Trinity sa bahay ng kanyang mga magulang o sa kanyang kapatid kaya hindi sya nahihirapang harapin ang mga ito dahil sa kanilang lihim ni Jason –pero sa tuwing kaharap nya ang pamilya nahihirapan syang tingnan ang mga ito

 Wala din namang nakapansin sa kanila dahil na rin sa estado ng pamumuhay nilang mag-asawa –si Jason nakatutok sa kanyang trabaho at nakatira sa sarili nyang condo samantalang si Trinity ay nakatutok naman sa kanyang pag-aaral –nasa huling semester na sya sa kolehiyo –hindi pa man sya gumraduate ay pinaghahandaan nya na ang nalalapit na board exam

Naka-usap na rin sya ng kanyang daddy na sa oras na pumasa na siya ay magtatrabaho sya sa kanilang kompanya na hindi naman nya tinutulan –noon pa mang may alitan ang kanyang kuya at daddy –naipangako nya na sa mga magulang na kung hindi si Eric aako sa kanilang business ay sya ang magtutuloy nito

Mahal sa makalawa pala pupunta akong Singapore para sa isang business conference isang lingo ako doon –pahayag ni Jason habang naghahanda para matulog at tinatawagan si Trinity

Sinong kasama mo? –kasama ba si Kevin? –sagot naman nito sa kabilang linya

Yup pero baka susunod nalang sya –may tampuhan na naman yata sina Arah –napansin din iyon ni Trinity na nitong mga nakaraang  araw hindi maayos ang relasyon ng dalawa

May nakwento ba si Kevin sayo mahal? –tinatanong ko kasi si Arah –ok naman daw sila –pero may mga times na naabutan ko syang tulala at umiiyak -naka tira kasi si Arah sa condo nya sa paanyaya na rin ni Trinity -magkasama naman kasi sila sa pinag OOJThan nila -pero kahit na magkasama lang sila sa iisang bubong hindi naman sa lahat ng bagay pinang hihimasukan nya ang buhay ng nag-iisang kaibigan nya

 

Naku mahal alam mo naman yang dalawa mahilig sa drama –natatawang saad ni Jason –kung anu-ano pa ang kanilang pinag-usapan hangang sa wala nang sumagot sa kabilang linya kaya pinatay nalang nya ang tawag sa asawa –lage kasing ganun magkukwentuhan lang sila hangang sa makatulog si Trininty

Alam ni Jason na kakaiba ang kanilang sitwasyon sa lahat nang mag-asawa –hindi man sila magkasama sa iisang bubong sa ngayon –alam din nya na darating sila sa panahon na iyon –at kunting-konti nalang ang ipaghihintay nya –dahil oras na grumaduate ito ay hihingin nya na ang blessings ng pamilya ng asawa

Marami na syang plano para sa kanilang dalawa –gusto nya itong bigyan ng engrading kasal –gusto nya itong patayuan ng magandang bahay –hindi man kasing laki ng kanilang mansion –ngunit titiyakin nyang magiging maginhawa ang pamumuhay ng kanyang pamilya –nangingti nalang si Jason habang pinipicture sa kanyang isip na naglalaro ang kanilang mga anak sa maalwan nilang bakuran habang binabantayan nilang mag-asawa

Nakikita nya na din na sa tuwing lingo ay magkakasama silang buong pamilya –ang mga magulang nila at ang pamilya ng kapatid ng asawa at masayang naglalaro sa garden o kaya sa park ang kanilang mga anghel -nakatulugan ni Jason ang isiping iyon -kinabukasan maaga syang dumaan sa condo ni Trininty para personal na makapag paalam

Mabilis na nagpaalam si Arah sa kaibigan para magkasarilinan naman sila kahit sa kunting oras lang -magkita nalang tayo sa school atey -masiglang saad ni Arah -pero pansin pa rin ni Trinity ang bigat ng kalooban nito -habang nakayakap sa kanya ang asawa -inisip na nito na kakausapin ang kaibigan mamaya pag-uwi nila galing school

Love at First Sight -CompletedWhere stories live. Discover now