Twenty One

2K 57 6
                                    

Halos isang lingo na akong nagmumuk-mok dito sa loob ng kwarto ko -ewan ko lang kong nasabi na ni mommy sa pamilya ko -wala na akong pakialam doon -hindi naman din ako kinulit ni isa sa kanila -pero noong dumating ang couturier kinailangan ko nang lumabas at bumaba para masukatan -tinukso pa ako ni kuya na umuwi lang daw ako para matulog ng matulog pero nangangayayat naman -tiningnan ko sa mommy -at ngumiti lang sya ng mapait sa akin

Mommy -agad na tumakbo si Sophie papunta sa akin at nagpakarga -mommy I miss you na po -bakit hindi ka po nag visit sa amin ni mama at lola? -tampong tanong ng bata -bigla naman akong napatingin kay Ara

Baby di ba sabi ko may sakit si mommy kaya hindi muna sya nag visit sayo kasi baka maka mahawa ka -agad namang hinawakan ni Sophie ang magkabilang pisngi ko

Are you okey now mommy -marahan akong tumango sa tanong ng bata -nanatili sila Ara at Javier sa bahay -gusto ni mommy at daddy na doon na sila sa guest room -pero tumutol ako gusto ko silang makasama sa kwarto -agad namang naka unawa si mommy -pinag kasya naming apat ang mga sarili sa kama ko

Habang tulog si Sophie kinwento ko kay Ara at Javier ang sinabi sa akin ng abogado kaya ako nag out of air sa baga dahil sa kakaiyak -anong plano mo ngayon? -tanong ni Javier

Go on with my life after ng renewal of vow nila mommy at daddy babalik kaagad ako ng Singapore

We'll go with you -sagot ni Javier -agad naman akong napatingin kay Ara

I saw him -malungkot at agaran na sagot ni Ara -buti nalang at nakay Javier si Sophie noon oras na iyon si Nanay lang ang kasama ko -buti nga maagap si nanay sa pag text kay Javier na magkita nalang kami sa kotse nya

Did he approach you? -tanong ko pa sa kaibigan ko na agad na umiling

Tiningnan nya lang kami ni Nanay -hindi ko rin naman hahayaan na makalapit sya sa akin

Pasensya na kayo kung hindi ko sana kayo pinilit na sumama sa akin pauwi sana hindi din kayo nambromlema ngayon

Ano ka ba -kaya nga kami nandito para damayan ka diba? -maarti namang saad ni Javier -pero in fairness dyan sa mga ex-jowa nyo ha -naku napaka papable talaga -wala na bang pinsan ang mga iyon -para you know tatlo tayong magpipinsan-in-law in the future -sabay naman nimin syang binatukan ni Ara -aray ha -ang bubrutal nyo talaga pasalamat kayo pareho ko kayong mahal -agad kaming napangiti ni Ara doon at sabay namin syang niyakap

Maswerte nga kami ni Ara at nakilala namin tong si Javier -bukod sa pinapagaan at pinapalakas nya ang mga loob namin -lage nya pa kaming napapatawa -kahit na alam namin na sya din mismo may sariling problema

Araw ng renewal of vows nila mommy at daddy -halos hindi magkamayaw ang mga tao dito sa bahay -lahat kanya-kanyang galaw -may lalabas -may papasok -nagpapasalamat nalang din ako at busy kami hindi ko masyadong naiisip ang problema -napaka solemn ng renewal ng parents ko -at hindi ko maiwasan na isipin kung ako din ba'y magkakaroon ng pagkakataon na makapag-renew -na sa una palang wala nman pa lang bibilangin -agad kong ipiniling ang ulo ko para makalimutan ang biglang pagpasok ng pagka-ingit sa utak ko -pero doon naman napadako ito kung saan naka pwesto ang pamilya ni Jason -mataman syang nakatingin sa akin pero agad na ring binawi ang tingin ko at itinutok nalang pabalik sa kinasal -ilang besis tinangka ni Jason na limapit sa akin pero sa tuwing napapansin kong papakapit sya ako na ang gumawa ng paraan para hindi sya tuluyang makalapit at nagawa ko lang iyon noong hindi ko pinahiwalay si Javier at Sophie sa akin

After nang renowal of vows ng parents ko -nagpaalam kaagad ako kila mommy na babalik na ng Singapore -agad naman pumayag si mommy pero si daddy at kuya humiling na manatili muna ako kahit isa pang linggo -pinag bigyan ko naman ang dalawa -at ito nga kami ngayon nasa park dala ang mga bata na masayang naghahabulan -actually si kuya ang nanghahabol sa mga bata

Ganoon ba ako kadaling palitan Tin? -halos malaglag ako sa kinauupuan kong bench dahil sa gulat -bigla nalang kasing may tumabi sa akin at agad na nagsalita -kaya agad akong napabaling sa tumabi sa akin -mariin nya akong tinitigan -kasi ako hinintay kita -patuloy nyang saad -agad kong binawi ang tingin sa kanya dahil may kakaiba akong naramdaman -parang naaawa ako sa malungkot nyang itsura -halos limang taon akong nangungulila sayo -pero hinayaan kitang abutin ang pangarap mo

Mabilis ko syang tiningnan -ako Jason ganun lang din ba ako kadaling palitan? -muling umusbong ang galit na nararamdam ko sa kanya -pero naputol ang sasabihin ko pa sana nang dumating sila kuya sa pwesto namin

Oh Jason nandito ka pala -bunso ako na magdala sa mga bata pauwi -Jason ikaw na bahala sa kapatid ko -ihatid mo yan bago mag-gabi -diri-diritsong saad ni kuya at agad na lumisan sa park kasama ang mga bata

Ba-bye mommy -ba-bye friend ni mommy -mabilis na humalik si Sophie sa akin at tumabakbo na papunta kay kuya

Wala na akong nagawa kundi ang tanawin nalang ang papalayong kotse ni kuya -nang hindi ko na tanaw -agad na rin akong tumayo -hindi pa man ako nakaka hakbang pero napabalik na ulit ako sa pagkaka-upo ng hilain ako ni Jason paupong muli -let's talk please -may himig pagsususmamo sa boses nya

At anong pag-uusapan natin -wala naman na siguro di ba? -malamig kong sagto sa kanya

Tin yung nakita mo sa condo ko -almost 5 years ago -that was

That was ano Jason? -tanong ko nang yumuko sya at parang wala nang balak dugtungan -that was the reason why I left? -oo tama ka -kasi nasaktan ako -kasi pakiramdam ko niloko mo lang ako -kasi pakiramdam ko ginawa mo lang akong panakip butas -kailangan kong umalis ng panahon na iyon  -kasi gusto kong makalimot -gusto kong bumangon -nawala na sa akin lahat eh -pagkatao ko nalang ang meron ako noon -kaya kahit yun man lang maisalba ko pa -di ko na napigil ang sarili kong sumbatan sya -at kahit anong pigil ko sa mga luha ko -hindi rin sya nagpaawat -katulad ng galit sa kausap ko ngayon

I did that dahil gusto kong matapos na ang pang-gugulo nya sa akin -sa amin -at sa atin -kaya ko ginawa ang hiling nyang ipenta ko sya ng ganon -kapalit noon lalayo na sya sa akin at kay daddy -please never doubt my love -hindi kita ginawang panakip butas -I love you and still do

Don't flatter me with your words -agad kung saad-Jason did it ever cross your mind na masasaktan ako kapag nalaman ko yun? -dagdag ko pang tanong

It did Tin -it did -nanghihina nyang saad -sabay yuko ng kanyang ulo at sinapo ito ng dalawa nyang palad na para bang hirap na hirap at pagod na pagod na sya

Did it ever cross your mind na sabihin mo muna sa akin yun? -Jason I thought you knew me -wala akong hindi ibinibigay sa'yo -kahit masakit kung sinubukan mo lang akong kausapin muna -ibibigay ko ang permiso ko -pero hindi eh -you lied -nagtago ka -kaya ba walang kahit na sino ang pweding pumasok sa kwartong iyon dahil yun ang love nest nyo?

Of course not -how can you say that -I was too young nung naging kami -maniwala ka man o hindi walang nangyari sa aming intimacy -you are my first Tin -I know na nararamdaman mo din yun -katulad ng naramdaman ko when I had you

I don't mind kung pang-ilan ako Jason -ang issue ko is you cheat when I was still with you

I'm sorry -I'm so sorry -alam kong malaki ang kasalanan ko -please forgive me -akala ko kasi tama yung decision ko

Tama nga ba ang naging decision mo? -nanghihinang tanong ko -mabagal naman itong umiling -iling -so she's till up to you huh? -mabagal ulit ang kilos nya this time tumango naman -parang sinaksak ulit ng paulit-ulit ang puso ko

Pero maniwala ka -hindi ko sya hinyaaan na makalapit sa akin -pilit nyang ginagap ang kamay ko -pero inilayo ko ito sa kanya

Bakit hindi -malaya ka naman para ipagpatuloy ang relasyon nyo -yun nga lang tatay mo ang magiging kaagaw mo -mapanuya kong saad

Kahit sya nalang ang natitirang babae sa mundo -hinding-hindi mangyayaring sya ang piliin ko -yes she was my first love and she was my first heartache -pero kinaya ko yun -pero nung nawala ka feeling ko pinatay ako ng sampung besis -ayusin natin to please -pagususmamo nya

I'm sorry Jason malalim ang iniwan mong sugat eh -hindi kinaya ng halos limang taon kong paglayo na hilumin ang sugat -kasi hangang ngayon sariwa pa din eh -it hurts na yung taong mahal mo niloko ka lang -you betrayed me -you used me -kung para saan hindi ko alam -pero sana nga nakatulong ako sayo -good bye Jason....

Love at First Sight -CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon