Twenty Five

2.1K 56 6
                                    

Nakahilig lang ako sa dibdib ni Jason habang mahigpit nya akong yakap mula sa likuran -ganon lang ang posisyon namin simula matapos kong kausapin si Atty. Salvacion -pinagkwento nya ako sa mga ginagawa ko sa Singapore sa loob ng halos limang taon -masaya ko namang kinuwento sa kanyang ang mga ganap namin ni Ara doon -minus sa pagbubuntis nito at kay Sophie

So doon kayo nagkakilala nung Javier? -parang galit nyang tanong kaya hinimas ko ang kanyang braso 

Oo nag-umpisa na kasi ang interview noong dumating sya -hingal na hingal nga sya noon eh -natatawa pa akong habang naalala ko ang itsura ni Javier -tapos ewan ko ba sa dami naming naka-upo doon eh sa akin talaga sya napatanong

Kinilig ka naman dahil ikaw ang nilapitan nya -nahimigan ko nang nagtatampo sya kaya sinakyan ko na rin

Oo naman ang gwapo nya kaya noon tapos kahit pawisan sya ang bango nya pa rin -nakangiti ko pang pang-aasar sa kanya

Tsk -gwapo at mabango pa rin ako dun

Okey sabi mo eh -pero grabe ang galing nya magpatawa -kahit nga yung ibang applicant na kasama namin panay ang tawa sa kanya

Tsk -narinig ko na namang saad nya kaya tumigil na ako sa pagkwento -tapos anong nangyari? -pagkaraa'y tanong nyang muli -kaya tiningala ko sya para makita ang kanyang itsura -ngumiti naman sya ng pilit sa akin saka humalik sa aking noon

So ayun nga naunang natapos sa interview sila ni Ara good thing hinintay nila ako at sabay kaming ng lunch -tapos ayun nabanggit namin na naghahanap kami ni Ara ng bahay at since mag-isa lang sya doon sa 

Wait -putol nya sa pagkukwento ko -you mean you stayed in one house simula pa lang? -naitulak nya pa ako palayo mula sa pagkakasandal ko sa dibdib nya kaya umikot ako paupo paharap sa kanya

Marahan akong tumango sa tanong nya -share kaming tatlo sa lahat ng gastusin doon -yumuko naman sya na parang nauubos ang energy -kaya ginagap ko ang kanyang mga kamay at marahang pinisil -kailangan kasi namin ni Ara magtipid -ayoko naman abusihin ang pamilya ko na sila ang magbayad ng hotel accommodation namin ni Ara doon -mahina kong paliwanag sa kanya

Kaya pala ganon kayo ka close dahil magkasama pa kayo sa bahay -kaya ba ganon kadali nahulog ang loob mo sa kanya? -bakit pa kasi ikaw ang nagustuhan nya pwedi namang kay Ara -para si Kevin na sana ang namroblema ngayon -mahina nyang himotok

May sasabihin ako sa'yo -dahan dahan namang umangat ang kanyang ulo -pero bago ko paman mabuksan ang bibig ko para magkwento ay isang medyo may kalakasang hiyaw ang nagawa ko dahil bigla nalang bumuhos ang ulan -napapansin na namin kanina na medyo kumulimlim ang paligid pero dahil nalibang pa kami sa piling ng isa't-isa kaya hindi na namin napansin ang pagdilim ng nito

Go -go -go get in the car -nagmamadaling utos ni Jason sa akin kaya mabilis akong tumakbo papunta sa kotse nya samantalang sya ang mabilisang nagligpit sa mga gamit namin -basang basa na sya ng pumasok sa loob ng kotse -agad kong inabot ang tissue box sa backseat para pantuyo sa katawan nya -mablis na hinubad ni Jasin ang kanyang t-shirt at piniga ito -ako nama'y panay ang punas sa basa nyang buhok

Wala kabang naiwan na shirt dito sa sasakyan mo -baka maksakit ka nito eh -nag-aalalang tanong ko sa kanya -umiling sya bilang sagot sa akin -pati kasi pantalon nya sobrang basa -maybe we can find some place na pwedi tayong makabili ng damit mo -suhestyon ko sa kanya -agad naman nyang binuhay ang makina at mabagal ang ginawang pag-usad ng sasakyan gawa ng halos wala nang makita sa lakas ng ulan at sa dulas ng daan -halos nangangalahati na kaagad ang tubig sa gulong -may bagyo kayang parating at ganito kalakas ang buhos ng ulan? -naitanong ko nalang out of nowhere

Love at First Sight -CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon