Twenty Four

2K 53 4
                                    

*****Happy New Year******

Jason paano mo nagawa sa akin to? -do I deserved this kind of hurt? -nanlulumong tanong ko sa kanya -nang tuluyan kaming makaakyat sa taas na parte ng tagaytay kung saan dito ko sya sinagot  -mabibilis naman ang iling na ginawa nya -sabay gagap sa mga kamay ko

Nakayuko ang kanyang ulo habang mahigpit na hawak ang aking mga kamay sabay ng pagyogyog ang kanyang balikat  -bakit? -mahina kong tanong -dinala nya sa kanyang mga labi ang aking kamay na mahigpit nyang hawak -at doon humagulgol -pag-angat ng kanyang ulo hilam sa luha ang buo nyang mukha at mapupula ang kanyang mga mata at ilong -gustong-gusto ko syang ikulong sa aking mga yakap pero di ko magawa dahil mahigpit syang nakahawak dito -inalalayan ko nalang syang makaupo sa nilatag nyang blanket at doon pinaupo -habang magka hugpong parin ang aming mga kamay

Maniwala ka Tin hindi ko alam -paos nyang saad -maaga akong pumunta sa NSO para sana kumuha ng authenticated marriage cetificate -pero tama ka nga walang nakatala na kasal natin doon -ganun din ang ginawa ko sa Local Registrar -I tried calling tito Ronnie pero hindi nya sinasagot ang mga tawag ko -maniwala ka I have no idea kung bakit hindi isinubmit ni tito ang marriage license natin -seryong-seryoso ang kanyang mukha habang tinititigan ko sya -at dahan dahan itong yumuko -pag-angat muli ng kanyang ulo -binitawan nya ang aking mga kamay at tumayo -sunod-sunod na malalalim na hininga ang kanyang pinakawalan sabay lagay ng kanyang dalawang kamay sa magkabilang bewang nya

Nagulat ako nang muli syang mag salita at humrap sa akin na nanatiling naka-upo sa blanket -I love you so much that it hurts to let you go -pero masyado naman akong maging makasarili kung ilalayo kita sa mag-ama mo -I was the one you will be blamed for these mess happening in my life and I'm very sorry to drag you with it -please be happy -muling namalisbis ang masagang luha sa pisngi ni Jason -dahan dahan syang umupo paluhod sa harapan ko at muling hinawakan ang isa kung kamay -tsaka ngumiti ng malungkot -I am giving you your freedom back as what you did to mine years ago -but please always remember that I love you so much

Are you giving up on me? -mahina kong tanong -marahan ang ginawa nyang pag-iling

I wont give up my love on you -pero may asawa at anak ka na naghihintay na maging kanila ka ng buong buo -unang kita ko palang kay Javier walang-wala na ako sa kanya -he is every woman's ideal husband -nakikita ko rin kung gaano nya kayo kamahal -wala akong hawak na matibay na katibayan bukod sa pagmamahal ko sayo -si Javier hawak nya ang puso mo at ang anak nyo -doon palang talong talo na ako

Mapatawad mo sana ako sa lahat ng sakit na naiparamdam ko sayo -muling namagitan sa amin ang katahimikan -puro pagsinghot lang ang maririnig sa paligid kasabay ng pagsayaw ng mga dahon -pwedi ba akong humiling ng isang yakap bago kita iuwi? -mahinang hiling nya -at hindi ko na hinintay pang kusa nya akong yakapin -tinawid ko ang gahibla naming distansya para ipulupot ang mga bising ko sa leeg nya -hangang sa naramdaman ko ang mahigpit nyang pag-yakap 

Please don't let me go -mahina kong bulong sa kanya habang mahigpit akong kumapit sa kanyang leeg -I love you too -unti -unti syang bumitaw at pilit nya akong inilalayo sa kanyang sarili -mahal kita -mahal na mahal kita -kahit masakit mahal pa rin kita -kaya please hwag mo akong bitawan -hwag mo akong isuko -umiiyak kong hiling sa kanya -agad nya akong niyakap muli ng sobrang higpit na para bang ayaw nya talaga akong pakawalan

Maya-maya pa muli nya akong inilayo sa kanyang sarili -masinsinan nya akong tinitigan kapag kuwan ay napapailing at napapangiti -do you know what you are asking me to do ha love? -napangiti din ako sa tuwa na nakikita ko sa kanyang mga mata at mukha -masaya akong tumango tango sa tanong nya -mabilis nya akong dinampian ng halik sa aking mga labi -at muling naging seryoso ang kanyang itsura

Paano si Javier at Sophie? -malungkot nyang tanong -ibubuka ko na sana ang aking bibig para sabihin sa kanya ang totoo pero bilang tumunog ang aking celhone -go ahead answer it -mabilis ko naman inislide ang answer button nito -nang marinig ko ang sinabi ni attorney na nakausap nya na si atty. Ronnie Matias ang agad ko itong nilagay sa loud speaker para marinig din ni Jason -pero sinenyasan ko syang hwag maingay

Ano pong sabi nya Atty?

Ayon nga sa kanya -kaya daw hindi nya ifi-nile iyong marriage license nyo ay dahil pareho pa kayong mga bata noong panahon na kinasal nya kayo -at wala pa kayong parents consent na pareho -gusto nya daw sana itong sabihin sa pamangkin nya noon pero nawalan sya nag pagkakataon -dahil agad silang lumipad na mag-anak papuntang America para ipagamot ang kanyang asawa -hangang sa nawala na daw sa kanyang isipan yon -humihingi sya ng tawad iha sa pagkakamaling nagawa nya -kukuntakin nya daw kayong pareho ni Jason oras na maka balik sya sa Pilipinas

Sige po Atty. maraming salamat sa impormasyon -kausapin nalang namin sya kapag naka balik na sya dito -maraming salamat sa tulong Atty.

Ano ka bang bata ka walang kaso iyon -trabaho ko iyon bilang abogado ng pamilya mo -sana maayos nyo ang kung anuman ang namagitan ngayon sa inyo ng iyong mahal -masarap ang may nagmamahal at mahal mo iha -just look at your parents and your brother -they live a happy live -bata ka pa makakamtan mo rin -a piece of advise lang iha from an old man who has experience a lot that life can give -hwag nyong iwala ang communication kahit sa kaliit-liitang detalye pag-usapan nyo at tiwala kailangan yan sa lahat -dahil kapag walang tiwala hindi magiging solid ang relasyon kahit gaano nyo pa kamahal ang isat-isa

Napaiyak ako sa mga sinabi ni Atty. Salvacion dahil kaya siguro ganun nalang kadaling bumaksang ang relasyon namin noon ni Jason ay dahil kulang kami sa communication at siguro tiwala na rin sa isa't-isa -agad nya akong ikinulong sa kanyang mga bisig -ssshhh tama na -marami pa tayong panahon para baguhin at itama ang relasyon natin -marahan nyang saad habang panay ang haplos nito sa aking likod

Hinawakan ko nang mahigpit ang isa nyang kamay na nakapulupot sa aking bewang -sorry kung hindi ako nagtiwala sa'yo at umalis nalang ng walang pasabi -sorry kung pinagduduhan ko ang pagmamahal mo sa akin

I will forgive you kapag tumigil ka na sa pag-iyak -natatawa nyang sagot kaya hinampas ko ng mahina ang kanyang braso

Nakasandig ako sa kanyang dibdib habang hawak nya ang kaliwa kong kamay -so you remove our wedding ring huh? -mahina nyang saad -hindi ko alam kung malungkot o may tampo ang tono ng kanyang pananalita -kaya umayos ako ng upo at humarap sa kanya sabay pakita sa aking kwentas kung saan ginawa kong pendant ang singsing na ginamit namin noong humarap kami sa tito nya para magpakasal

Agad nya tinanggal ang kwentas ko habang mataman nya akong pinagmamasdan -pagkakuha nya sa singsing ay muli nya iyong isinoot ng dahan-dahan sa palasingsingan ko -simula ngayon at kahit kailan hindi mo na pweding hubarin ang singsing na ito -kahit wala man itong basbas at walang saysay -mananaliti na ito dito hangang sa mapuno ang iyong mga daliri sa ibibigay kong singsing dahil taon taon kitang papakasalan -pero sa tamang proseso at paraan -muli na namang nagtubig ang aking mga mata sa kanyang mga sinabi -isang mapagmahal ng halik ang kanyang iginawad sa aking mga labi -mahal na mahal kita sana paniwalaan mo yan -marahan naman akong tumango at inilapit ang sarling labi papunta sa kanyang nakangiting mga labi rin......


Love at First Sight -CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon