Twelve

2.1K 59 3
                                    

Atey ok ka lang ba dyan? –patuloy na katok ni Ara sa pinto ng CR sa loob ng bahay ng ninong Ronnie ng mga boyfriend nila –atey buksan mo naman tong pinto –patuloy na paki-usap ni Ara sa kaibigan –bigla kasi itong nagpaalam na magsi-CR matapos marinig ang sinabi ni Jason sa pakay nila sa mansion na iyon at lumipas na ang halos kalahating oras hindi pa rin ito lumalabas –kanina pa din katok ng katok si Jason pero hindi nya ito pinapansin –maging ang abogado ay pinaki-usapan na rin sya

Atey bakit? –agad na bungad ni Trinity ng pagbuksan nya ang kaibigan

Ayaw mo ba? –pwedi ka naman magsalita eh –pwedi ka tumanggi –hindi ka naman siguro pipilitin ni Jason kung ayaw mo –marahang payo ni Ara dito habang mahigpit pa rin itong nakayakap sa kanya –ilang saglit pay kumawala na si Trinity sa pagkakayakap sa kaibigan at inayos ang sarili –pero alam mo atey ang swerte mo kasi ayaw ka nyang pakawalan kahit na anong problema man ang dumating sa relasyon nyo –alam mong hinding hindi na mababago ang katutuhanan na magiging mag-asawa na kayo at kahit na magkaroon man kayo ng ayaw o tampuhan pilit nyong aayusin ito dahil mag-asawa na kayo

 

Pero paano ko sasabihin sa pamilya ko –Mom –Dad –Kuya –Ate I’m married! –di kaya aatakihin sa puso mga magulang ko –kagabi lang nag debut ako tapos kina-umagahan nagpakasal na ako?

 

Mag-usap nalang kayo ni Jason atey –muling payo ni Ara sa kaibigan –ilang minuto pa nakumbinsi na rin ni Ara ang kaibigan na lumabas ng CR

Nadatnan nilang nakayuko si Jason at nakasabunot ang mga kamay sa sariling buhok –si Kevin naman ay nasa veranda kasama ang abogadong ninong –dahan dahang lumapit si Trinity sa kasintahan –habang si Ara naman ay dumiritso sa kinaroroonan ni Kevin

Mahal sorry –sorry –agad na saad ni Jason nang makitang nakatayo na si Trinity sa harapan nya –agad syang tumayo at niyakap ito ng mahigpit –natatakot lang kasi ako mahal –hindi na naipagpatuloy pa ni Jason ang mga sasabihin nang biglang yumakap si Trinity dito –agad naman iyong ginantihan ni Jason at isang masuyong halik sa ulo ang iginawad nya sa kasintahan

Muling pumasok ang ninong Ronnie para sana pumunta sa kusina upang utusan ang kasambahay na maghanda ng makakain –ninong pasensya na po sa istorbo ha –saad ni Jason ng dumaan ang abogado –isang tipid na ngiti lang ang binigay ng abogado sa inaanak

 

Magpapahanda lang ako ng meryenda nyo –baka gutom na kayo

 

Hwag na po ninong –tanggi ni Jason –di na rin kami magtatagal –pasensya na po talaga –akmang tatayo na si Jason nang hawakan ni Trinity ang kanyang kamay

Aalis na tayo?

 

Oo mahal pasyal nalang tayo –pilit na ngiti ang binigay nya kay Trinity

Pero hindi pa naman tayo ikinasal ah –bakit tayo aalis –nagliwanag ang mukha ni Jason sa sagot ng dalaga

Love at First Sight -CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon