Sinasabi ko sayo Matias ingatan mo yang kapatid ko -bilin ni Eric kay Jason na sinusundo ang kapatid
Yes sir -makaka-asa po kayo na hindi ko pababayaan si Trinity at iuuwi ko syang buo at masaya -nakangiti naman sagot ni Jason
Siguraduhin mo lang talaga Matias
Kuya stop threating Jason nga -bungad ni Trinity ng makalabas na ito ng bahay
Bakit ganyan ang soot mo?
Kuya naman e -nakalabing sagot nito sa kapatid -ano namang isosoot ko e birthday ng mommy ni Jason ang pupuntahan ko tapos magsisimba din kami
Eh yun naman pala bakit hindi nalang kayo sumabay sa amin ng ate Kris mo
Eh sino ba kasing pumayag nang magpaalam si Jason
Oppss tama nayan -awat ni Kristal sa magkapatid na nagbabangayan -sige na Tin mauna na kayo -Jason ingat sa pagda-drive ok? -mabilis namang tumango si Jason at nakipag shakehand kay Eric -sinundan ng mag-asawa ng tingin ang dalawa hangang sa nawala na sa kanilang paningin ang sasakyan ni Jason
Pearl maraming salamat at pina-unlakan mo ang imbitasyon ko ha -sabi ni Agnes ang mommy ni Jason
Wala po yun tita -nakangiti namang sagot ni Trinity sa ginang -nagpalinga-linga pa sya dahil hinanap ng kanyang mga mata si Jason dahil nagpaalam ito sa kanilang dalawa ng ginang na may tatawagan lang
Gaano na ba kayo katagal magkaibigan ng anak ko? -maya-maya pay tanong nito sa kanya kaya bumalik ang atensyon niya sa ginang
Mga 3 months na po tita -sa school po kami nagka kilala
Alam mo bang ngayon ko nalang ulit nakipag kaibigan ng babae yang anak ko -at ngayun ko nalang ulit nakita na masaya sya -sana hwag mo syang iwan iha -naguguluhan man sya sa sinabi ng ginang tumango nalang din sya -dahil may bahagi ng puso nya na gustong sundin ang hiniling ng ginang
Hey anong pinag-usapan nyo at mukhang seryoso kayo -nakangiting bungad ni Jason ng makabalik sya sa pwesto ng mga kasama
Wala naman anak nasabi ko lang kay Pearl na masaya ako at naging magkaibigan kayo
Mommy?
Don't worry son wala akong ibang sinabi kay Pearl dahil kung meron mang dapat na magsabi sa kanya nun -yan ay walang iba kundi ikaw -pero masaya talaga ako at nakilala mo itong si Pearl -and I like her son for you
Mommy -baka mamaya matakot tong si Tin sa mga sinasabi mo -sabay nalang napangiti si Trinity at ang ginang sa sinabi ni Jason
![](https://img.wattpad.com/cover/9430912-288-k895717.jpg)
BINABASA MO ANG
Love at First Sight -Completed
Non-FictionPaano nga ba uusad ang isang relasyon kung itoy naka sekreto, ito ang kwento ng pag-iibigan nina Trinity at Jason