Eighteen

1.8K 54 15
                                    

Halos isang lingo na simula nang sagutan namin ni Jason at hangang ngayon di pa rin sya bumalik o magparamdam man lang -ni pagtangkang tumawag hindi nya nga yata ginawa -nakaktampo na sya -alam ko namang mali ako na hindi sya pinakinggan -at mali ako na nagdesisyon para sa amin -pero nasasaktan lang naman ako -di ba pweding aluin nya ako -sya naman itong may kasalan na malaki compare sa aming dalawa

Ayoko naman na umalis ng bansa na hindi kami ok -kaya kahit na pakiramdam ko ako ang niloko -kahit masakit magpakumbaba ako -pero naka ilang tawag na ako hindi nya sinasagot ang mga tawag ko -pati office sinasabi ng secretary busy kung hindi naman nasa meeting -alam kong iniiwasan nya ako -kaya nagpunta nalang ako dito sa condo nya -at dahil nga sa wala na akong access card kailangan kong mag door bell

Naghintay pa ako ng mga tatlong minuto bago bumukas ang pinto -what are you doing here? -agad nyang saad at wala man lang kaemo-emosyon na tanong ni Jason sa akin

Can we talk -nagsusumamo kong hiling pero bago paman makasagot si Jason may isang impakta na ang sumulpot

Babe sino yan -sabay labas ni Lianne mula sa kwarto soot soot ang t-shirt ni Jason -muli kong tiningnan siya bago mabilis na lumisan sa lugar na iyon 


Mabibigat na hakbang ang ginagawa ko papasok sa loob ng airport hila hila ang malit kong travelling bag -yung iba kasi nandoon kay kuya at daddy at yung ibang gamit ni Ara nandoon kay Nanay Lucy -wala na nga sigurong dahilan para manatili kami dito sa Pilipinas gayong pareho kami ng kaibigan kong tinalikuran ng mga taong akala namin mahal kami -dahil alam ko parehas kami ni Ara na mahal namin sila at sila lang talaga

Mga anak mag iingat kayo doon ha -kapag may problema tawag kaagad kaayo -bilin sa amin ni mommy -sabay naman kaming umoo ni Ara -habang nag-papalaman kami iginala ko ang aking mga mata nagbabakasakali na susunod sya -tanga paano yun susunod eh hindi naman alam nun na aalis ka -pagalit sa akin ng isang bahagi ng aking utak

Bunso si Jason ba hindi hahabol -tanong si akin ni Kuya kaya nabalik ako mula sa pagmuni-muni

May importanteng meeting kuya eh -pagdadahilan ko -ayaw ko nang malaman ng pamilya ko ang pinagdadaanan ko ngayon -nakaka-intinding tumango naman si nanay Lucy -na para bang sige lang Tin magsinungaling ka lang kung yan ang alam mong tama -natakot lang kasi ako baka tutuhanin ni kuya ang banta nyang sasaktan si Jason oras na malamang pina-iyak ako

Wala kaming ibang ginawa ni Ara pagkarating namin ng Singapore buong araw kaming natulog lang -pero syempre hindi naman namin kinalimutan kumain mahirap na baka kung ano pa mangyari sa buntis -kinabukasan naghanap na kami ng bahay na pwedi naming matirhan -kasi ang hirap pala kumuha ng buong villa medyo may kamahalan-e kailangan namin magtipid-tipid muna since libre naman ang stay pa namin sa hotel courtesy of daady kaya wala kaming choice kundi manatili muna sa hotel

Nandito kami ngayon ni Ara sa Marina Bay Sands -nandito kasi ang kompanyang pag-aaplayan namin -although tanggap na naman kami doon sa online interview nila -pero kailangan muna daw namin mag undergo ng personal interview para din daw ma-determine  kung saang opisina kami nababagay -habang naka pila at naghihitay na tawagin kami may isang lalaking lumapit sa amin

Hey excuse me -nagpipigil ako ng ngiti -paano ba naman ang gwapong nilalang na ito eh bakla pala

Yes -sagot ko naman kasi si Ara busy kausap kay nanay Lucy -nakikibalita sa lagay namin dito

Pinoy? -muli nyang tanong sabay pahid sa kanyang noo -wala naman akong nakitang pawis -ang linis linis nya nga tingnan -tumango naman ako -hay salamat naman -inilahad nya ang kanyang kamay -my name si Javier Garcia -tinanggap ko naman ang pakikipag kamay nya

Love at First Sight -CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon